Chapter 13: Hindi ako pervert!

32 1 0
                                    

Jhazzmainne's short message:

POV po ito ni RAPHAEL IÑIGO ALCANTARA. Actually from here to the end. So please, wag po kayong magtaka kung bakit iba yung flow ng story.

THANKS...

______________________________________________________

13

            Naiinis ako sa suot nya. Tama sya, hindi nga ako yung boyfriend nya pero naman, kung may mangbabastos sa kanya, ako naman yung makikipag-away ah. Ahhhhh, nakaka-inis. Dapat talaga ligawan ko na yung babaeng yun. Kahit sabihin pa nilang panakip-butas ko lang sya.

Pero ang totoo si Caroline yung panakip-butas sa kanilang dalawa. Mas una ko kayang nakilala si Steff kesa sa kanya. Hayyy, bahala na. Basta dapat maging girlfriend ko na yang si Steffannie bago kami bumalik sa buhay namin sa city. Baka maunahan pa ako nung si Mark. Isa pa yun eh, nakakaasar. Alam na ngang ako yung presidente ng kompanyang pinagta-trabahuan nya, ayaw pa tigilan si Steffannie.

Naglakad lakad ako ngayon, gusto ko lang malayo muna sa kanya. Ayokong maka-away sya, ayokong magalit sya sa akin, basta ayoko.

Simula bata kilala ko na yang si Steffannie. Sa kanila nag-ta-trabaho ang tatay ko, si Rodney Alcantara, pero mas kilala sya bilang si Manong Rod. Sya ang head security ng mga Ramos.

Pero simula nung araw na yun, sinumpa ko sya at kinalimutan ko bilang tatay. Nawala sya pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na sya nagpakita sa akin o sa kahit kaninong tao dito sa probinsya namin. Nawala syang parang bula pero kapalit ng pagkawala nya ay ang pagkakataong makasama ko ang babaeng minahal ko noon pa.

“Kung gusto mong tumalon, wag dyan. Masyadong mababaw.” sabi Robert na nasa likod ko lang.

“Talaga! Pero kapag tumalon man ako, isasama kita. Mahirap na baka ligawan mo yung girlfriend ko.”

“Magtigil ka nga ‘tol. Alam kong hindi mo sya girlfriend.” tumingin ako sa kanya. “Iba yung lambing nyo kesa kina Seth noh. Ang kapal nitong angkinin ang di kanya.” sabay ngisi.

“Magiging akin din sya. Taga mo yan sa bato!” pagbabanta ko.

“Aba’y bilisan mo, baka maunahan kita. Mabagal ka kaya. Pagong. Hahaha.”

“Tumigil ka nga Rob. Ahhhh. Nakakainis na kasi eh.”

“Bakit sino ba kaaway mo?”

“Nagmamaangan ka pa eh. Alam kong alam mo. Bwesit.” sinipa ko yung maliit na bato sa harap ko.

“Eh kasi naman, lapit ka ng lapit kay Victoria, alam mo namang may gusto yun sa’yo. Wag mo na ngang bigyan ng pag-asa yun. Baka ano na naman gawin nun.!”

“Kaibigan ko nga kasi sya, tinutulungan ko lang naman sya na mapabuti ah.!”

“Napapabuti nga sya pero napapasaman ka naman. Pansin ko lang kasi, selosa pala yang si Steff.?”

“Bakit mo nasabi yun?”

“Hinahanap ka nya kanina kaya tinuro kita. Yun yung kausap mo si Vi tapos biglang na lang umalis na galit. Aasarin ko sana na nagseselos ba sya kaso baka masuntok pa ako eh.”

“Nakita nya kami ni Vi? Shett. Kaya naman pala nasabi nya yun. Tanga ka talaga Raphael Iñigo.”

“Oh, ano ng plano? Operation na ba ‘to? Tulad ng kina Seth? Masaya yun.”

The END of LOVE (On Hold)Where stories live. Discover now