Nobody Said It Was Easy

Start from the beginning
                                    

"Siguro nga. Siguro nga hindi na kita mahal. Napapagod na ako sa kakatago. Siguro, mas mabuti kung maghiwalay na lang talaga tayo."

"Bakit ba gustong gusto mo na ipagkalat sa mundo na mahal mo ako? Hindi dun nasusukat ang pagmamahal ng tao. Hindi din kailangan malaman ng lahat na mahal mo ang isang tao. Mas importante na parehas nyong ala na mahal nyo ang isa't isa. Pero sige, yan ang gusto mo? Sige! Maghiwalay na tayo! Mag sama kayo ng babae mong lumamon ng gluta!" Sigaw ni Ara at tumakbo na paalis.

Sinundan ng tingin ni Thomas si Ara na lumabas.


~~~~~~


"Ano bang nagawa ko sakanya? Bakit nya ako ginanto?" Iyak na tanong ni Ara sa mga kaibigan nya.

"Ara, tahan na. Wag kang umiyak dahil kay Thomas. Hindi sya worth it." Sabi ni Mika

"Pero mahal ko sya, Mika. Sobra ko syang mahal..... pero ayoko ng masaktan."

"Kalimutan mo sya." Sabi ni Kim

"Paano ko naman gagawin yun."

"3 years na mag tatrabaho si Mika sa US. Sumama ka muna kung gusto mo."

"Pwede ba Mika?" Tanong ni Ara.

"Oo naman."


~~~~~~


Nakaalis na sila Ara at Mika papuntang US at huli na din ng malaman ni Thomas ang nangyari. Sinubukan nyang habulin sila Ara pero nakaalis na sila nung dumating sya sa airport.

Sinubukan nya din na tanungin sila Kim kung saan sila sa US, pero ayaw syang sagutin dahil galit parin ito sakanya.

Nakipag break si Thomas sa babaeng kasama nya nung concert at hinintay nalang si Ara na makauwi ulit.


~~~~~~


3 years later...


"Mika!!!!!! Ara!!!!!" Sigaw ni KIm at niyakap ng mahigpit ang dalawa.

"Namiss ko kayo!" Dagdag ni Kim.

"Jusko ko naman Kimberly. Parang hindi tayo nag sskype araw araw. Sawa na nga kami sa mukha mo eh." Sabi ni Ara at tumawa.

"Hay nako! Nag bago ka nga ng istura pero ugali mo, parehas na parehas parin!!"

Humaba na kasi ang buhok ni Ara at pinatanggal nya na din ang braces nya. Mahilig na din syang mag make up at mag pangbabaeng damit. Hindi mo na talaga makikita yung boyish na Ara dati.

"May reunion daw mamaya ng mga athletes. Sasama kayo?" Tanong ni Kim.

"Ako, oo. Ikaw Ara? Sasama ka ba? Handa ka na ba makita sya ulit?" Tanong ni Mika.


~~~~~~


Dumating sila Kim, Mika at si Ara sa venue ng reunion ng late. Ang tagal kasi mag ayos ni Mika at Ara.

Pumunta sila sa table kung saan andun yung mga former lady spikers. 

"Ara?! Ikaw na ba yan?!" Gulat na tanong ni Aby.

"Yes, Ate! Ako ito."

"Shucks! Mas maganda ka na saamin." Sabi ni Cha.

"Ate Cha talaga, syempre ikaw parin ang pinakamaganda."

"Upo na muna kayo." Sabi ni Aby.

Magkatabi sila Mika at Ara tapos si Kim, tumabi sa girlfriend nyang si Cyd.

Napansin ni Ara ang table na malapit lang sakanila. Table ng Green Archers.

Nakita sya ni Jeron na nakatingin sakanila kaya kumaway sya at ngumiti. Ganun din namana ng ginawa ni Ara. Pero nag tataka sya kung bakit kulang sila. Wala yung ex nya.

"And our last performer will be singing The Scientist by Coldplay. Let's give it up for Thomas Torres!!!" sabi ng host.

Napatulala si Ara ng marinig nya ulit ang pangalan na yun. Ang tagal nya din hindi narinig yun.


"Come up to meet you, tell you I'm sorry. You don't know how lovely you are"


Nahagip ng mga mata ni Thomas si Ara kaya napatitig lang sya dito habang tumutugtog. Parang mensahe ito para sakanya.


"I had to find you. Tell you I need you. Tell you I set you apart."


Naluluha si Thomas dahil after ng ilang taon, nakita nya ulit yung taong pinakamamahal nya....pero sinayang nya.


"Nobody said it was easy. It's such a shame for us to part. Nobody said it was easy. No one ever said it would be this hard. Oh, take me back to the start."


Natapos ang pagkanta ni Thomas at pumalakpak naman ang lahat. Nag paalam naman si Ara na mag papahangin lang sya sa labas. Nakita ni Thomas si Ara kaya sinundan nya ito.

Nakita ni Thomas si Ara na nasa balcony, nakatingin sa malayo.


"Ara..."

Lumingon si Ara at ngumiti.

"Thomas? Anong ginagawa mo dito?"

"Ara, kamusta ka?"

"Ito. Okay naman. Ikaw? Kamusta ka? Galing mo pala kumanta kanina."

"Salamat. Ako? Okay din naman. Tumutulong din ako sa business ni Mama."

"Mabuti naman kung ganun!" Sabi ni Ara at ngumiti.

Binalot sila ng katahimikan nang mag salita ulit si Ara.

"Kamusta lovelife mo? Siguro kasal ka na." Nakangiting sabi ni Ara.

"Hindi ako kasal. Single ako." Sabi ni Thomas at pinipigilan ang sarili na wag yakapin si Ara.

"Ikaw, Ara?"

"Ako?" Naputol ang sasabihin ni Ara ng biglang tumunog yung cellphone nya.

Nag excuse muna si Ara.

"Yes, babe." Sabi ni Ara sa kausap nya.

Nagulat si Thomas sa narinig nya. Babe?

Tinabi na muna ni Ara yung cellphone nya para may sabihin kay Thomas.

"It was nice meeting you again, Thomas. Excuse me." Ngiti ni Ara at bumalik na sa loob.


"Nobody said it was easy. Oh, it's such a shame for us to part. Nobody said it was easy. No one ever said it would be so hard..."


"And I can't go back to the start..."


~~~~~~~~


First!!! Sorry kung lame huhuhu. Ngayon ko lang talaga ginawa toh.

Second!!! Sorry kung sad parin.

Third!!! I did not proofread. Sorry XD

Last!!! COMMENT. VOTE. (Optional po ito hahahaha)


xoxo

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now