6- She's Weak.

337 16 7
                                    

///

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung kanino ako hihingi ng tulong.

"Iha? Jusko! Sean? Anong nangyari sayo? Bakit nandito ka sa ulan? Ikaw naman talagang bata ka oo, Halika't sumama ka sa bahay ng makapagpatuyo ka."

Sumama ako kay Manang Cely, dating kasambahay namin. Mula nang nagsimulang mag-away sina Dina at Roger, (mga magulang ko), umalis na bilang kasambahay si Manang Cely dahil na rin sa pati siya ay napagbubuntungan ng galit ng dalawang taong miserable sa buhay nila.

"Sean, anak. Tara dito sa loob at baka tuluyan kang magkasakit."

Mabait si Manang. Ngayon, wala na talagang mag-aalaga sa akin. Sa bagay, kahit naman nandyan ang mga magulang ko wala naman talagang nag-aalaga. Why bother?

Kinuwento ko kay Manang Cely ang nangyari. Walang anu-ano'y sinabi niyang dito na lang ako sa kanya manirahan. Matagal naman na daw kasi siyang naaawa sa akin. Iprinisinta na niya ang kanyang sarili at kinupkop ako.

Wala na rin naman akong iba pang kamag-anak. Galit rin sa isa't -isa ang mga angkan ng mga magulang ko. Ang gulo nila sa totoo lang. Nandamay pa sila. Dinamay pa nila ako. Sana, puwede ako mamili ng magulang. Wala silang kwenta. Kahit kailan.

"Sean? Anong ginagawa mo dito?"

"Iho, anak. Simula ngayon ay dito na muna tutuloy si Sean. Mahabang storya. Pakitunguhan mo siya ng maayos anak ha?"

May anak na lalaki si Manang. Kasing-edad ko. Kilala ko siya dahilan na parehas kami ng school na pinapasukan at minsan dati'y nadadala siya ni Manang sa bahay. Hindi kami malapit sa isa't-isa pero lagi siyang naka protekta sa akin sa school.Protekta na yung pagsama niya sa akin sa oras ng breaktime. Kahit paano, may nakakasama pa rin ako. Kahit hindi man kami nag-uusap.

///

Sa dinami-dami ng ginawa kong kasamaan, hindi ko na mabilang. I'm only in my first year of service and yet, I have ruined tons of lives. And to tell you the truth, I find no difficulty with it.

" Demi? What spirit brought you here? "

"Evil spirit Eon. That brought me here. Saka isa pa, pinatawag mo ko diba? Tanga ka? O sadyang bobo lang? "

"Oohh... Too harsh Demi."

"You're wasting my wasted time. Anong kailangan mo?"

"Ayon sa sources ko eh you're doing a great job doing evil things, so how's that?"

"How's what?"

"Doing evil things?"

"Kailangan ko bang sagutin yang patapon mong tanong o aalis na lang akong mabubura ka sa mundong 'to? Wala namang kuwenta mga sasabihin mo eh. Saka isa pa, huwag na huwag ka ng pumunta sa shitty school na pinapasukan ko. If anyone knows about you, you're dead. "

"I missed you that much kaya naisipan kong bisitahin ka."

"Kilabutan ka. Kadiri. Ano ba kasing kailangan mo? "

Never in my life I thought that I would encounter a demon like him. 'Cause he should be in the underworld. Metaphorically speaking.

"I want you to stop from being evil. It's enough."

"What the hell are you talking about?"

"About you stopping from doing evil things. Hindi mo ba ko narinig? Isa ka ring tanga eh. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello Demione Girl. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon