New Friend

14 0 0
                                    


Triezha' pov

"Tara dun tayo sa dulo" sabi ko at naglakad papunta dun sa sinasabi kong table

"Dali kain na tayo, ay wait bago ko makalimutan josh may softdrinks kana ba?? tanong ko

"wala pa buti tinanong mo muntikan ko na ring makalimutan bibili pa pala ako, ikaw meron kana ba?? sagot niya sakin

"*shake head* wala din sige bili muna ako ano ba gusto mong drinks libre kita since ikaw ang una kong nakasabay kumain dito sa school??.. sabi ko at ngumiti sabay tayo  "hindi, ako na ang bibili upo ka nalang jan at maghintay madali lang ako"sabi niya sabay tayo

"Eh ba't mo naman sinasabing madali kalang eh mataas kaya ang pila dun" sabay turo sa counter na mataas talaga ang pila at tumingin naman siya dun

"Basta ako bahala" nag kibit balikat nalang ako sabay tango, no choice naman ako kundi ang umupo ulit at pinaubaya na na siya ang bibili...

tinignan ko lang siyang naglakad papuntang counter ,, after 10 minutes or less nakabalik na siya mukhang totoo ang sinabi niyang madali lang siya . "bat ang dali mo atang nakabalik eh mahaba naman ang pila dun??" sabi ko sabay tingin ulit sa counter na mataas parin ang pila hanggang ngayon. Wow lang ha

"ano kasi, pinauna ako dun sa mga nakapilang mga babae tumanggi ako pero mapilit eh kaya pumayag nalang ako and like what I've said madali lang ako" siya sabay ngiti ng tipid at pakamot kamot pa sa batok niya

"ayyiiee,, mukhang may nagka-crush sayo dito aah.. sabagay hindi naman yun dapat pang ikagulat eh obviously your handsome naman"

sabi ko nalang sa kanya at binuksan na ang baon ko for lunch, "kain na kaya tayo para makapunta na tayo sa next class natin baka ma-late pa tayo eh."sabi ko ehh kasi naman tinitignan niya lang akong nagbubukas ng baon ko

"ahm, dont get me wrong ha pero wala ka pa bang mga naging kaibigan dito??" napatingin namn ako sa kanya ng bigla nya yun tinanong

"Wala, pero may nakaka-usap naman ako , bakit mo natanong??" sagot ko at nag simula ng sumubo ng pagkain ko

"wala lang," siya at nag simula na ring kumain ng lunch niya, kaya nagpatuloy na din akong kumain,, tahimik kaming kumakain ng maya maya lang nagsalita ulit siya

"may sundo ka ba pag uwi mo??"  tanong na naman niya at tumingin sakin

"Actually hindi ako nagpapasundo eh, ayoko kasi na may naghahatid sundo sakin, bakit ikaw ba meron kang taga-hatid sundo?" ako habang nagliligpit sa pinagkainan ko, tapos na kasi ako at ganun din si josh at oo mabilis akong matapos pag kumakain. hehe

"Ano kasi, kung pwede ihatid na kita sa inyo kung ok lang naman sayo kasi malakas ang ulan sa labas oh" turo niya sa labas kaya napatingin ako sa tinuturo "at tsaka sabi mo nga walang sumusundo sayo" he continue na parang nahihiya

Napatingin na naman ulit ako sa labas at tama siya malakas pa naman ang ulan. hindi ko ata namalayan yun, siguro kasi focus ako masyado sa pagkain ko

"naku josh ok lang magco-commute nalang ako ma aabala pa kita, hindi mo pa nga alam ang bahay namin eh at ok lang naman eh" tanggi ko sa kanya at tumayo na "tara balik na tayo sa room, may payong ka bang dala jan??" tanong ko pero umiling siya sabay ngisi

"ha pano yan maliit lang itong payong ko" ako habang kinukuha na ang payong mula sa bag ko

"Ok lang tatakbo nalang siguro ako baka mabasa kapa pag nag share tayo jan sa payong mo," sabi niya at tumingin sakin ng deritso "mas mabuti nang ako nalang ang mababasa kesa naman yung tayong dalawa" pag papatuloy niya sa sinasabi

nakaramdam naman ako ng konsensya sa sinabi niya, kung tatakbuhin niya mula dito hanggang room namin malamang mababasa siya nun, so I dont have any choice but to share my umbrella with him

"Lets share nalang kaya," sabi ko "tatakbuhin natin sabay papuntang room natin" at ngumiti ng matamis sa kanya

"Ok lang ba? baka mabasa ka malayo layo pa naman ang room natin mula dito" pag aalinlangan n'yang sabi sakin

I can see it through his eyes that he's worried about what I've said, pero alangan naman na pabayaan ko siyang mabasa tapos ang kasama niya heto nagpapayong. ang rude ko naman pag ganun

"Hindi ok lang talaga sakin sabay na tayo, at tsaka male-late na tayo oh" sabay pakita ko sa wrist watch ko
"ok" sabi nya nalang at naglakad na kaming dalawa palabas ng cafeteria

****

Uwian na namin at naglalakad na ako palabas sa gate ng school. si josh ayun nauna ng umuwi sabi niya gusto niya akong ihatid sa amin para raw malaman niya kung saan nakatira ang naging first friend niya dito sa school pero tumanggi ako agad sinabi ko sa kanya sa susunod nalang kasi magpapaalam muna ako kanila mom at dad kaya ayun pumayag naman siya at nagpaalam na siya sakin na mauuna na raw siya.

naglalakad ako ng may matanggap akong txt galing kay mom saying dumeretso raw ako sa restaurant ng tita ko which is babyahe pa ako ng 30 minutes from here to there kasi nag-aya na naman daw si tita na kumain together with her family so nag reply lang ako ng ok.

ganyan yan si tita eh kahit walang occasion mag aaya bigla, nakasanayan na din kasi namin magkakapamilya yan na kapag may vacant time kaming lahat magsasalo-salo kami kasi minsan nalang daw kami magkakakasama-sama kaya pumapayag kami pag nag-aaya siya at tsaka mag-aaya lang naman yan kapag sigurado siya na lahat pwede sa araw at oras yan eh. kaya panigurado completo kaming lahat ngayon

and by the way si tita veronica kapatid siya ng mommy ko mom's older sister ang nagmamay-ari ng willston restaurant married na siya with tito klint they have 3 kids panganay si kuya robe 20 years old na siya graduate na ng college pero wala pang trabaho nag sstay lang sa bahay nila, si gian naman pangalawa lalaki rin kasing edad ko lang pero hindi kami magkapareho ng pinapasukang school at ang bunso si dianne nag-iisang anak na babae ni tito at tita kaya princess nila yun 12 years old na din siya

               **restaurant**

nandito na ako sa labas ng restaurant ng tita ko to tell you the truth hindi ito ordinaryong resto. kasi dito expensive ang mga pagkain, kumbaga pang mayaman lang ang mga pagkain dito,

kung makikita mo ito mula sa labas hindi gaanong malaki ang makikita mong lugar sa loob pero pag nakapasok kana mapapa-wow ka sa bubungad sayo kasi mula palang sa entrance door makikita mo kung gaano ka ganda ang mga na sa loob nito, yung mga designs nila very creative at kung gaanong kalaki ng space, maraming tables, every tables may two chairs for couples at meron ding pang barkada na tables not to mention may second floor ito at third floor sa second floor din katulad lang sa first floor ang pinagkaiba lang sa second floor may for family tables..

sa third floor, dun ang lugar kung saan kami magdi-dinner ng sabay-sabay with mom's siblings and their families.

Pumasok na ako at dumiretso sa 3rd floor kasi nag txt ulit si mommy na ako nalang daw ang kulang dun kaya nagmadali na akong umakyat

bago pa ako tuluyang nakapunta sa pupuntahan ko may napansin akong pamilyar na lalaki at dun ko lang narealize na ang one of the six heartthrob pala ang isang to na si russel with a girl and I think sa school lang din na pinapasokan ko ang babaeng yun nag-aaral kasi nakita ko na siya nung nakaraang araw napatingin si russel sa direksyon ko kaya umiwas agad ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy nang umakyat

pag pasok ko naabutan ko sila sa loob na nag-uusap usap at tama ako completo kaming lahat napatingin sila sa direksyon ko ng mapansin nila ako

"oh, nandito na pala si triezha so shall we start to eat now the food is getting cold" tito klint said tita veronica's husband,

Hiiiii guyssss :-) sorry kung ngayon lang ulit nakapag-update si me busy na kasi masyado sa school eh but dont worry I'll try my very best to update as soon as posible pero hindi ako magpro-promise sa inyo ha. sinasabi ko lang,

Sige yun lang:-)

Please Vote And Comment Guys...

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 13, 2017 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

The Campus HeartthrobKde žijí příběhy. Začni objevovat