Chapter 15.3.3

135K 1.8K 34
                                    

Jordan

"Sinabi ko lang naman gwapo ang Dad mo. Gwapo ka rin naman, 'no..." Ngumuso ako at kunwari ay tumingin sa labas. "...at mahal kita." Mariin kong kinagat ulit ang labi ko. Mamaya lang ay hindi na ako magtataka kapag nagdugo 'to kakakagat ko.

Nagniningning ang mga mata niyang sumulyap sa akin at narinig ko ang manipis niyang pagtawa.

"And I love you more, Mahal ko," sabi pa niya sabay kuha sa kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Even your hand smells so good. Damn..."

"Magmaneho ka na nga lang diyan!" Inagaw ko ang kamay ko at tila nagtatampong napanguso lang siya.

"Kamay na nga lang pinagtitiyagaan ko... Tsss..." Sinimangutan pa niya ako at noon ko na lang napansin na papasok na kami sa loob ng parking lot nang malaking condominium na tinutuluyan niya.

"Hindi mo naman kailangang pagtiyagaan ang kamay ko, Ty... Ibibigay ko naman kung gugustuhin mo..." Shit. Nasabi ko ba talaga 'yun?! Huh?! Seriously, Jordan?!

"Shit..." Mahina pa siyang napamura, pero wala namang sinabi pang iba.

Pumarada na siya sa isang tabi at nakipag-unahang bumaba para pagbuksan ako. Hindi ko naman magawang tumitig sa kanya habang inaalalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Nang makababa ako ay naramdaman ko ang marahang pagtulak niya sa akin pasandal sa kanyang sasakyan at agad akong hinalikan.

Napahawak lang ako sa kanyang leeg at gan'un din ang ginawa niya. Idiniin niya ang kanyang sarili sa akin at naipit ako sa pagitan niya at ng sasakyan.

"Please don't say those words to me, Jordan. Magpipigil ako hangga't kaya ko dahil mahal na mahal kita." Noon na siya humiwalay sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko palapit sa elevator.

Tahimik lang siya habang nakamata sa bilang ng floor na inaakyatan ng elevator. Tila mabigat din ang kanyang paghinga at parang gustong magsalita, pero 'di niya magawang ituloy. Oh my God, bakit ba ganito? Pakiramdam ko ay hindi ko na rin kaya. Ang pervert ko na yata pero ayoko rin namang nahihirapan siya nang dahil sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at walang pasabing kinabig ko siya sa leeg at hinalikan sa labi! Ako na talaga ang nag-initiate! Pero no! Hindi ko na rin kaya!

"Fuck! No~ Shit~" Pigil pa rin siyang tumugon sa mga halik ko. Pero nang dilaan ko ang lower lip niya ay noon na tuluyang gumuho ang depensa niya at mabilis na tumugon nang mas maalab sa mga halik ko.

Hinapit niya ang aking baywang habang hawak ang kahon ng brownies at ang isang kamay niya ay nasa batok ko. Halos mapuno nang tunog nang halikan naming dalawa ang elevator at naramdaman ko ang matigas niyang hinaharap sa tiyan ko.

"We need to stop, Mahal ko, may CCTV dito. Ayokong pagpiyestahan ka ng mga gago!" Pigil pang sabi niya habang titig na titig pa rin sa labi ko. Parehas kaming naghahabol nang hininga nang biglang tumunog ang elevator sa top floor at agad niya akong hinila palabas.

Hindi naman na rin siya nag-aksaya nang oras at agad na rin niyang ni-swipe ang card key. Agad naman ding nagbukas iyon at tensyonado pa siyang tumitig sa akin pagsara ng pinto.

"We cant—" Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at agad ko na ulit siyang hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung ano itong kamanyakang pumasok sa sistema ko at gusto kong maramdaman siya ng katawan ko. Mahal na mahal ko si Tyrone, iyon lang ang sigurado ko.

Agad niyang nabitiwan ang brownies na bigay ni Kirsten at agad na pinagapang ang kamay niya sa likuran ko. Ramdam ko ang panggigigil niya habang hinahalikan ako. Ramdam ko na rin agad ang pangangapal ng labi ko sa halik niya, pero ayokong tumigil siya kahit saglit. Tangna, Jordan! Nandito kayo dahil masakit ang ulo niya! My God, ready na ba talaga akong gawin namin 'to?! As in?!

CBTG Private PartsWhere stories live. Discover now