"Bakit kaya wala si ma'am no?" rinig kong tanong niya. 



"Di ko din alam eh. Busy siguro"



"Baka nga"




Di na ako nagsalita dahil di ko din naman alam kung anong sasabihin.  At ganun din naman siya. Hays sana lang talaga bumalik na agad si Sam sa upuan niya para di na ako naiilang dito.  Wala rin naman akong makausap na iba dahil nakaearphones si Hailey.  Nganga tuloy ako.  Bat kasi iba ang presensya ni matt para sakin!? naiinis na ko sa sarili ko.




"Excute me"

"Ay haha sorry"




Ramdam kong mabilis na tumayo si matt sa inuupuan niya kanina ng dumating na si Sam. Hays.  Salamat nalang talaga. 




"Hannah? Mahaba pa ba ?" tanong ko kay hannah na patuloy pa din nagsusulat sa unahan. 




"Oo nga. Malapit na din naman magtime"  rinig kong sambit ni Alex. 


"5 minutes nalang oh" -Lincoln




"Bukas nalang natin ipagpatuloy. Bayaan niyo yan si ma'am haha" suggestion ni Vince na may pagtawa pa.  Akala lagi ay yanong galing niya sa mga ganong style. 




"Yohan, pano to?" aniya.





"Bukas nalang. Tinatamad na din ako eh. Sasabihin ko nalang na di natin agad natapos" nakangising sagot nito habang naglalakad paunahan.





"Hays. Buti nalang.  Kaya akoy sayo yohab eh" -Caleb



Agad kong kinublit si Hailey dahil halata namang wala siyang alam sa mga pinaguusapan dahil di niya nakikinig. Todo kasi lagi ang volume niya.  Kahit naman aong sabihin ko na baka mabingi keneme, hindi pa din nakikinig. Mas maganda daw kasi oag malakas para mas dama.




"Oy bes.  Bukas na daw ipagpapatuloy" ani ko habang tinatabi ang aking notebook. 




"Eh? Hays. Buti naman.  Ang sakit na ng daliri ko" ngiwi niya habang hawak pa din ang cellphone.






Mabilis na nagsitayuan yung mga kaklase ko kaya nagkagulo na naman.  Palibhasa walang teacher kaya nagsilabasan na yung iba. Nangunguna na dun sina Phoenix, Caleb,  Andrew at sina Lincoln. Deretso na naman siguro sila sa court o kaya sa computer shop. Maalin man dun sa dalawa. 




"Oy Gabby"




Lumingon ako sa tumawag at si kuya Gabriel pala at kasama niya na naman si Ate Mika.  Di na ako magtataka kung sila na. Malandi yung kapatid ko eh.  Hahaha. 




"Sasabay ka na ba samin umuwi?" tanong niya. 



"Hindi pa kuya. Kasabay ko si Hailey. May titingnan lang kami.  Uuwi din ako agad" bulyaw ko dahil ang ingay na ng paligid.



"HOOOOOY! MGA BES.  YUNG MGA CLEANERS JAN.  WAG KAYO TUMAKAS "




"Gabby nakita mo sina Andrew?" nilingon ko si Kaylee na may hawak na walis. "Naglabas man.  Kasama sina Caleb" ani ko. 





"Yah yari talaga sakin yun bukas.  Sige salamat" aniya sabay alis.  Nakakaasar talaga sa room na to pag uwian at walang teacher.  Riot eh.



"Haileeey!"




"Oo andito pa ko.  Bilisan mo jan" sigaw niya pabalik.  Nandun na pala agad sa labas ang bruha. 




Mabilis na akong nagayos ng gamit at naglagay ng kaunting polbo.  Masyado na akong pawisan sa oras na to dahil sa sobrang banas. 




"Gaaaaaabbbbbby!" nilingon ko si Chloe dahil sa pagtawag niya. Parang laging nalulunod ang isang yun.




"Bakit?" medyo iritang tono ko para makahalata na sila. 



"Pahinging polbo.  Hihihi alam kong meron ka.  Labyuuuuu" aniya. Hays. Sabi ko nga supplier ako ng polbo. 



"Salamat. Byers"



Mabilis akong lumabas ng room dahil nagsisigawan na naman sina Kaylee sa mga cleaners na tumakas.  Sanay na din naman ako sa ganun kaso basta.  Riot.



"Ang tagal mo naman" reklamo ni Hailey. 



"Tara na nga"



------

Keep Voting!💜

Worst Section Место, где живут истории. Откройте их для себя