"Ano bang pinuputok ng kili kili mo jan?" natatawang tanong ko sa kanya kaya napalingon agad ang lola mo. 




"Charot. Joke lang.  Ano ba kasing problema mo jan?" tanong ko uli.  Mukhang wrong timing ang pajojoke ko.  Hahaha oo tama yung nabasa niyo.  Aba, kahit naman medyo 
nerdy ako uso pa din sakin ang mga walley na joke nayan. 




"Nothing.  Nawalan ako bigla makipagusap sayo" iritang tono niya sakin.



"Hahaha tamo ka pala"




Gab's POV




"Buti nalang talaga nakisama yung bell no?" natatawang sambit ni Alex sa likod ko kaya napalingon ako bigla.




"Oo nga no.  Hahaha. May sasabihin pa sana ang lola mo" ani naman ni Hailey sa tabi ko na nakalingon na kay Alex sa likod. Napaka chismosa talaga niya kahit kailan. 





"Di na tayo nakakausad sa lesson dahil sa pananaway nila ay" ani ko.




"Oo nga.  Hahaha edi mas okay yun.  Para konti lang ang rereviewhin sa exam" rinig kong sagot ni Iggy. Lakas ng pandinig niya ha.



*tok tok tok*



"Excuse po"





Halos lahat kami ay napalingon sa may pinto ng bigla na namang nay kumatok. "Wala na naman si ma'am?" pabulong na tanong ni Alex samin pero wala namang sumagot.  Mukha nga atang wala na naman si ma'am. 






"Sino pong president ng klase niyo?" tanong niya samin habang nasa labas pa din ng pinto at hawak ang parang libro ni ma'am.





"Yohan"




Nakita kong mabilis na tumayo si yohan sa upuan niya at tahimik na inayos ang salamin na suot tsaka tuluyang naglakad sa direksyon ng pinto. May papagawa na naman siguro.




"Yah sana uwian na"  lumingon ako sa parte nina matt at halata sa mga mukha na uwing uwi na.  Lalo na yung magaling kong kapatid.  Kahit kailan talaga yung isang yun.





"Hannaaaaah!" sigaw ni yohan kay hannah kaya agad itong lumapit sa unahan.  Ngayon ko lang napansin na wala na pala yung lalaki kanina. 




"Oyasss?"




"Isulat mo daw to-" agad kong nilabas ang notebook sa advance chemistry dahil obvious naman na wala si ma'am.  Napapansin ko na madalas ng wala yung ibang mga teachers ngayon sa di ko alam na dahilan. Baka lang talaga busy sila o kaya may inuutos si madame principal.




"Hannah san daw yan?"





"Sa notebook mga bes" sagot niya pabalik at nagsimula ng magsulat. 





Napalingon kay Hailey ng bigla na lang gumalaw ang upuan niya.  Yun pala hinahanap lang yung earphones.  Hanga din talaga ako sa isang to dahil parang di siya makakapagsulat ng maayos ng walang tugtog. May sarili na naman siyang mundo. 





"Gabby sino nakaupo dito?"





Napaiktad nalang ako sa kawalan ng biglang nasa harapan ko na si Matt.  Kabute ba siya o ano? kung san san nalang sumusulpot ang koya mo.



"Si Sam pero-"





"Paupo muna.  Nasa unahan na naman siguro yun" nakangiting sambit niya sakin kaya wala na din akong nagawa.  Pero wala naman akong karapatan magalit kung uupo man siya sa upuan ni Sam.  Di ko naman yun pag aari eh.  Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat dahil baka di pa ako makatapos.





Worst Section Where stories live. Discover now