CHAPTER 6: She's Mine!

Start from the beginning
                                    

"Grabe,ikaw pa ngayon ang galit ah?Tsk!Kakaiba talaga!" aniya at umupo sa tabi ko.

Kinuha nito ang kinakain ko na blueberry cake at saka sumubo.Loko to ah!Nang agaw pa ng pagkain.Hindi ko alam pero hinayaan ko lang itong kainin iyon.

"Hoy!Dahan dahan sa pagkain.Grabe,ganyan kaba kagutom?"

Tumingin muna ito sakin at sumenyas ng tubig.Binigyan ko naman.

"Ngayon lang ako kumain simula kaninang umaga eh.." sagot nito.Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa sinabe nyang iyon.

Bakit nagpapalipas sya ng gutom eh gayong may pera naman sya!

Bigla kong naalala ang baon ko na kanin sa bag.
Nakasanayan ko na kasi na magbaon lagi.
Mahirap kasi makipagsisikan sa canteen lalo na kapag madami ang estudyante.

Kaya maaga ako nagigising lagi para magluto ng baon ko.

Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ito.

"Here.Sayo na lang..ubusin mo yan ha!" sabi ko at nilapag sa mesa ang kanin at ulam.

"Nagbabaon ka?Wag na sayo yan eh..kainin mo na lang..okay na ako dito" bahagya nya pang tinaas ang kapirasong blueberry cake na nasa harap nya.

Natawa na lang ako.

"Nah,busog na ako sayo na yan.You should eat this sayang naman ang effort ko sa pagluluto nito.." nakangiti ko na sabi habang binubuksan ang dalawang lunch box.

"Dahil luto mo 'to kakainin ko" aniya sabay subo.

Pinanuod ko lang ito habang kumakain.

"Stop staring me tss." aniya sabay iwas ng tingin.

Hindi ko sya pinansin.Eh sa natutuwa ako panoorin sya eh bakit ba?

"Kyaaah my god! Nandito sila..."

"Girl pakisapak nga ako baka nananaginip ako eh..Omy..Grey is real!!"

What the hell!!? Feeling ko mababasag ang eardrums ko sa kakasigaw nila!

"Tsk!Kahit kailan talaga aissh!" rinig kong bulong ni Kaeden.Problema nito?

"Hey!may sina----" someone cut me off.

"Yo!Captain sarap ng kain natin ah!" - Red.

Sila na naman?Nasabi ko na bang ang sakit nila sa ulo?Well nakilala ko sila sa hospital last week.Bakit nandito sila?

"Di ka man lang nag aya tsk!" - ani Gab at nginitian ako.Ngumiti naman ako pabalik.

Grabe!Halos matunaw na ako sa titig ng mga babae ngayon sa canteen.Tusukin ko mga mata nila eh.

"Yo!Shane.Kamusta?" bati naman ni Levi.At akmang hahawakan ang braso ko.

"Don't touch her bastard!" pababanta ni Kaeden.Nagkamot na lang ng ulo si Levi.

Napakasungit talaga ng lalaki na 'to.

"Sus!Pahingi na lang pagkain captain.." ani Clark.

"No.Bumili ka ng iyo!"
ani Kaeden at inilayo ang lunch box.Gusto ko na lang matawa sa kanila.

"Tangna!Kadamutan mo captain..tara pare bili tayo..hahaha " ani Kurt sabay hila kay Clark.

Sumunod na din ang iba.

Ang ingay nila.Pero aaminin ko masaya naman sila kasama.
Actually nakakausap ko na din sila.Madalas ay inaasar nila ako.Maliban lang kay Calvin at Ryou na parehong tahimik.

And speaking of Ryou parang hindi ko yata sya nakita.

"Hey Cal nasan si Ryou?" tanong ko.

"Wala eh.May lakad yata.." sagot nito sakin at ngumiti.

Sht!Nasabi ko na ba na ang gwapo ni Calvin?Napaka tahimik nga lang na tao.
Actually lahat naman sila ay gwapo.Kaya hindi na ako nagtataka na pinagkakaguluhan sila.

Lumitaw ang malalim nitong dimple.Ang cute!Kurutin ko kaya?Baka magalit.

Pero ang cute kasi eh!

*PINCH*

"Ouch!" sigaw nito.
Hala!napalakas yata.Hinimas nito ang kanyang mukha.

Napalingon din samin lahat.Including him.Napakamot na lang ako sa batok.

Tumayo ito at lumapit samin.

"What are you doing!?" sabi nito saka tinapunan ang namumulang mukha ni Calvin.

Hala!Kawawa naman baka magpasa!

"Hey! Okay lang di naman masakit eh" ani Calvin saka muling ngumiti sakin.

Really?Akala ko magagalit sya but he smiled at me instead.

Si Calvin ba talaga 'to?Baka namamalik mata lang ako.

"Tsk!wag mo syang ngitian.Babatukan kita!" ani Kaeden at siniko si Calvin."At Ikaw! Sino ba nagsabi sayo na kurutin mo si Calvin?Dito ka nga!" nakasimangot nitong sabi saka ako hinila sa tabi nya.

Napailing na lang si Calvin sa ginawa nito.
Samantalang ako nakayuko lang.
Bigla na lang ako nahiya sa kanila!

"Yun oh!Possesive si cap.Hahaha " pang aasar ni Levi.

Kahit kailan ay sya lagi ang pasimuno ng kalukuhan.

"Kurutin mo nga din aki Shane.Hahaha " dugtong naman ng kumain na si Red.

Sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Manahimik nga kayo!Kaya ayaw ko na nandito kayo eh!Nakakahiya kayo kasama tsk!" litanya ni Kaeden.Saka iniligpit ang lunch box na ginamit nya.

"Aray!Putcha.Sakit nun captain ah!" dagdag pa ni Xian na nakahawak pa sa dibdib nito.

Natatawa na lang ako sa mga kalokohan nila.

Inilibot ko ang paningin ko.At gusto ko na lang bigla maglaho sa kinatatayuan ko ng makita ko na sobrang talim ng tingin sakin ng mga kababaihan na nasa paligid namin.

Holycow!Is this what it really takes to be his girl? Or should i say to be with them?Gosh!

Feeling ko kung nakakamatay lang ang tingin nila kanina pa ako pinaglamayan!-___-

"Oh!natahimik ka dyan?" tanong ni Kaeden.
Inirapan ko lang ito.

"Patay ka ngayon captain!" pang aasar ni Gab na nasa tabi lang ni Kaeden.

Umakto ng suntok si Kaeden kay Gab alam kong biro lang iyon.

Agad naman akong hinila ni Clark.

"Fck!I said don't touch her!She's mine and mine alone! " ani Kaeden saka ako nito hinila.

Yong totoo?kanina pa nila ako hinihila?

Kinuha nito ang bag nya saka ako nito hinawakan sa kamay.

Ayan na naman!Halos magwala na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Bwesit talaga ang lalaki na 'to!

Lagi nya na lang ginagawang abnormal ang puso ko!

"Ayieeh!dumadamoves ka na naman captain tingna!wag mo kami inggitin!" panunukso pa nila.

Umismid lang si Kaeden sa mga ito!

"Tomorrow 5am sharp!Ayoko ng late or else you'll see!" pagkasabi nya noon ay naglakad na kami.

"Bye! Shane..ingat ka ki captain" - boses ni Ivan.

"Matinik pa naman yan.Hahahaha " dagdag pa ni Red.

Hindi ko na lang sila pinansin.Feeling ko kasi sobrang pula na ng mukha ko.

Gosh!Gusto ko na lang maglaho.



***

(A/N : I so Love Ryou and Calvin talaga! Hahaha :) Kahit wala silang POV at hindi nagsasalita Haha well ganun talaga silent type sila pareho eh!

Ayon lang :) Pasuporta na lang nitong story nito.

PS: Baka lahat ng TS  (Thunder Stealer) ay magkaroon ng side story! Well,pinag iisipan ko pa naman HAHA !

LMA Naman tayo!

TYPOS/GRAMMARS!SORRY 😊
PleaseVote!
Thankyou:*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imperfectly Perfect Love (T.S Series#1)Where stories live. Discover now