Chapter 27: Seen zone

Start from the beginning
                                    

"Ano nga kase yung effort??!" May pagkainis na sabi ko

"Effort, yan yung susuyuin mo yung isang babae, bibigyan ng bulaklak, chocolate, etc." Sabi nya, napaisip naman ako. Tanggapin nya kaya?? Bahala na basta magawa ko ang EFFORT na 'yun! Hehehe!

Nang makarating kame sa large hall ay walang ingay at gaya nga ng sabi ko LARGE HALL kaya large din ang pinto.

"Buksan ko na ha?" napatingin ako kay Juliuse na may halong pag tataka, bubuksan nalang mag papaalam pa saakin.

"Buksan mo!" May pagkainis na sabi ko. Binuksan nya ang pinto at bumungad saakin ang ang mga decorations sa large hall

Pumasok na kame sa loob at sinalubong naman kameng ng lahat. Lumapit saamin si Vam na pawis na pawis

"Mukang nahuli na 'ata kame" nahihiyang sabi ko pero umiling lang sya

"Hindi naman sa totoo lang ay kalahati palang 'yan ng hall" sabi ni Vam

(O_O)

Tumingin ako sa paligid at tama nga si Vam kalahati palang at yung kahating part ng hall ay wala pa, mukang matatagalan pa kame.

"Ohh sya tama na daldalan mag umpisa na kayo" sabi ni Vam na aktong lalabas na ng pintuan ng pero pinigilan ko sya

"San punta dude?" Tanong ko

"Hahanapin ko yung prinsesa ko" sabi nya at ngumiti ng malake at saka nagtuloy na sa pag labas

Prinsesa?? Sino yung prinsesa nya? Kaylan pa sya naging prinsipe?

"Hoy!! Tulala ka nanaman d'yan iniisip mo si Jane??" Nakangising sabi ni Julise

"Hindi naman sya nawawala sa isip ko ehh" Nakangiting sabi ko at nag umpisa na sa pag dedecorate ng large hall

1 hours later

Nahinto ako sa pag dedecorate ng biglang bumukas ang pinto ng large hall kaya lahat ng attensyon ay nandoon. Napangiti ako ng makita ko si Jane pero tiningnan nya lang ako tapos umiwas na kaaad sya ng tingin

T R I P L E S E E N Z O N E

(ToT)

Sabi ko nga hindi nya ako ngingitian, expectation ko lang pala, hirap umasa dude!

Napatingin ako kay Kill at ang sama ng tingin nya saakin, kaya naman napaiwas ako ng tingin. Tatlong araw na ang nakalipas hindi ko parin magawan ng paraan para mag kabati kame ni Jane my loves! Huhuhu

(ToT)

10 hour later

Nag disisyon na ang lahat na magpahinga dahil alas-otso na ng umaga at halata na ang pagod ng lahat dahil tagaktak na ang pawis nila at syempre ako rin, nabaling ang tingin ko kay Kill at laking gulat ko ng wala akong makitang kahit isang butil ng pawis

Napaka misteryosa talaga ng babaeng to, matagal ko na syang napapansin lahat kameng mga spiders ay namimisteryosohan sakanya, at naalala ko yung sinabe nya kay Joy

"Wag ka masyadong mainip Marry Joy malalaman kung sino ako sa darating na webes ang kaarawan ko at ang araw ng mask party"

Kinilabutan ako nung sabihin nya iyon lahat ng balahibo ko ay nag taasan, nung mga oras na 'yun ay tiningnan ko silang lahat at ramdam ko ang takot sakanila kaya napaisip ako

Sino kaba talaga Kill...

"Hoy!! Railey!!" Napatingin ako sa tumatawag saakin at nakita ko si Juliuse na namumula na sa inis "Tulala ka nanaman ilang beses na kitang tinatawag!" Inis na sabi ni Juliuse

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now