Simula ng bagong Kahapon

668 14 8
                                    

"Ahm, hindi mo po ba gagamitin yung panyo ko?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, pede ko ba siyang itago na lang, ngayon lang kasi may nagbigay sa akin ng panyo eh. Tsaka ang cute kasi nung design, plain white." sagot ni Jenina.

"Cute? Eh 'di ba nga plain white? Paano yun naging cute?"

"Siguro kasi cute rin yung nagbigay," tumawa siya saglit at tiningnan ako ng may ngiti sa kanyang mukha, " Pero syempre joke lang yun, naisip ko lang kasi na wala pa akong nakikitang gumagamit ng puting panyo kasi nga dumihin,pero yung sayo malinis tapos mabango. Gusto ko siya itago." sabi ulit niya. Napatingin ako sa malayo tapos bumuntong hininga. 

" Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo maging masaya sa harapan ko.  Nilapitan nga kita kahit umiiyak ka kanina, kaya walang dahilan para iwan kita kung iiyak ka ngayon sa harapan ko  para ilabas  yang nasa saloob mo." bigla akong natigilan. Bakit ko ba nasabi yun? Baka lalo ko lang mapasama ang loob niya! Teka paano kung mag walk-out siya dahi sa pinagsasabi ko?  Hala, ba't ba ganito na lang ang pag-aalala ko sa kanya?

 Bigla siyang huminto sa paglakad. Tumigil din ako at nilingon siya ng bigla niya ako yakapin. Isinubsob niya ang mukha niya sa polo ko. Kahit na nakaharang anng dalawa niyang palad upang saluhin ang mukha niya, naramdaman kong lumuluha siya.  Andaming walang katiyakang   emosyon ang sunod-sunod kong naramdaman.

Ipinatong ko ang kaliwa kong kamay sa batok niya at bahagya itong tinapik-tapik. Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ay ang pagbuhos ng nilalaman ng kanyang saloobin.

"Teka, baka puro sipon na yung polo ko?" biro ko sa kanya. Bigla siyang suminghot, at suminghot at suminghot pa ulit. "Hala pano ba yan, hindi ko napigilan?" sabi niya sa akin.  "Di bale,  may t-shirt pa naman akong panloob, pwede ko namang hubarin yan at sa bahay na lang labhan."  Lalo niyang isinubsob ang sarili  sa aking dibdib.  Napaisip ko, hindi kaya lubus lubusin nito na gawing bimpo ang polo ko? Bigla siyang tumayo at muli nakita ko ang cute niyang mukha kapag umiiyak.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdamang kong kaba na parang masaya, pero isa lang ang sigurado, gusto kong makita siyang masaya na ako ang dahilan. 

"Don't worry, joke ko lang din yung pagsinghot-singhot, kaso nabasa ko ata talaga yang polo mo."

sabi niya. "Kuya, ano nga pa lang name mo?"

-itutuloy-

Panyo :D [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon