Chapter 6: Meet Jane Varona

ابدأ من البداية
                                    

Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdman akong nilalang sa aking likod. May hawak siyang patalim at nakatutok iyon sa aking leeg.

“Ang lakas naman ng loob mong lumabas nang umaga! Sino'ng nagbigay sa 'yo ng pirmiso?!” tanong niya sa matigas na boses. Kasing tigas ng mukha niya.

“Kailangan ko pa ba ng pirmiso?” Iniinis ko siya para makapag-inat-inat naman ako kahit kaunti. Sana masiyahan ako sa pakikipaglaro sa nilalang na 'to.

“Pagkabilang ko ng sampu kailangan nasa loob ka na ng kuwarto mo, papalampasin ko 'to,” sabi niya na ikinangisi ko.

“Isa.” Nag-umpisa na siyang magbilang.

“Dalawa,” mapang-asar kong tinuloy ang pagbibilang.

“Nang iinis ka ba?!”

“Hindi ba halata?” Pang-iinis ko pa lalo.

Narinig ko ang paglangitngit ng kaniyang ngipit na mas lalo kong ikinangisi. “Magpaalam ka na. May huli ka bang sasabihin bago ka mamatay?” Kahit nasa likod ko siya, alam kong nakangisi siya upang itago ang kaniyang pagka-inis.

“Ang huli kong sasabihin? Bakit? Mapapatay mo ba ako? Ginamit ko ang teleportation ko at pumunta sa likod niya. Tinutok ko sa leeg niya ang kuko ko na mas matalim pa sa katana. “Any last word?” Hindi pa man siya nakakapagsalita, ginilitan ko na ang kaniyang leeg niya gamit ang aking matalim na kuko. Ngayon ko lang naisip. Bakit ko pa siya tinanong ng 'any last word' kung tinuluyan ko na siya at hindi man lang hinayaang magsalita? Hayaan na nga. Napatay ko na, eh.

Nawala na rin ang mga nagmamasid sa akin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad, pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang nang biglang may lumipad na namang patalim sa kinatatayuan ko. Hindi ko na 'to inilagan, bagkus ay sinalo ko ito at pinagmasdan. Hindi ito basta-bastang patalim dahil may naka-ukit dito na isang alakdan.

Napangisi na lang ako, "Nice, nice. He want to play with me? Then I will give him a game that he will never forget."

Makita ko pa lang ang alakdan na naka-ukit sa patalim, alam ko na kaagad kung sino ang may kagagawan nito.

Ah, basta! Kung ano man ang gusto niyang gawin, bahala siya! Asahan niya na makikisakay ako sa trip niya. Kung patayan ang gusto niya, sige! Game na game ako.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nang makarating ako sa mini grocery ay nakita ko sa mukha nila ang pagkagulat nang makita akong pumasok. Siguro nagulat sila dahil ngayon pa lang sila nakakita ng dyosa.

“What?” Walang gana kong tanong. Mabilis naman silang umiling. Hindi ko na lang sila pinansin. Kumuha na ako ng push cart dahil marami-rami rin ang bibilhin ko.

Inuna ko na 'yong bilihan ng mga karne. Apat na kilong karne ng manok at tatlong kilong karne ng baboy. Nang matapos na ako sa karne, sa gulayan naman ako. Patatas, carrots, sibuyas, kamatis—teka! Nasaan 'yong bawang?

“Miss, nasaan 'yong bawang?” tanong ko sa isang saleslady.

“Sorry Ma'am, pinagbabawal po ang bawang at asin dito,” tugon sa akin no'ng babae.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن