“thank you po tita , Tito at kayo pa mismo ang naghatid sundo sa amin .” Sabi ni Jomar habang binebeso ang nanay ko .
“Wala iyon iho . Mababait ang mga magulang mo . They are Hospitable , No doubt , lumaki kang mabuting bata .” Sabi ni Dad kay Jomar habang kinakamayan ito . Sina Ryle naman at Belle kinakausap na si Mama at mukhang masaya sila sa usapan nila .
“Hoy Bebs ! Tignan mo ang mama mo . Sinisiraan ka sa amin .” Sabi ni Belle habang tumatawa . Agad naman akong pumunta sa kanila at iniwan si Dad kasama si Jomar . At nag uusap din sila .
“Ma , ano na naman ba ang pinagsasabi nyo po sa kanila .?”
“Wala . Sinabi ko lang naman na masama ang boses mo lalo na kapag nagcoconcert ka .”
Sa sinabing iyon ni mama ay naramdaman ko ang kilay kong umarkong mas mataas pa ata sa bundok apo . Hinila ko ang mama ko at inilayo sa mga kaibigan kong hindi pa rin matigil sa katatawa .
“Sinabi mo sa kanila ?” tanong ko kay mama na may halong tiis sa boses . Mahirap na . Baka makarate ako ni mama . Black belter daw ito sa karate noong high school sabi noong mga kaklase nya na mga ninang ko .
“Sorry anak . Napasarap ang kwento ko doon sa batang si Ryle .”
“Ma .!” Sabi ko at nag walk out . Karapatan ko ang mag walk out . Ang panget kong boses ang aking deepest and darkest secret . Kahit ang banda ay hindi pa ako narinig kumanta . Tinatago ko talaga . Nirereserve ko ang aking magic voice kapag nakipag kantahan na ako kay Taylor Swift . Iyon ang pangarap ko . Makasabay kumanta kay Taylor Swift kahit tatlong kanta lang . Take note ‘lang’ . At mahalikan sya sa pisngi at magpapicture sa kanya ng sampung pose na kami lang dalawa at walang mag po photo bomb . Iba na kasi ang trip ng mga kabataan ngayon . (Kabataan talaga ang ginamit kong terminolohiya ?) Naalala ko tuloy noong nag perform kami sa bandang luneta . May nakita akong old classmate . Magpapapicture sana kami kay Belle kaya lang ayaw nya . Ngayon pala may masamang layunin , Walang ginawa kung hindi mag photobomb . Sa mga nanay dyan . Paki bantayan po ang mga anak nyo ano ? Kung ano ano ang maisip e’
“Oh anak ! Wag mong sabihing galit ka ulit ?”
“Hindi po . Kaya lang , ngayong alam na nila ang aking deepest and darkest secret , Sigurado akong pag titripan ako ng mga iyon .
“Mababait ang mga kaibigan mo .”
“Alam ko po . Mababait sila pag may ibang tao . Kapag kami kami nalang , Lumalabas na ang mga pangil nyan .” Sabi ko . Tinignan ko sila Ryle , Jomar at Belle . At mukhang narinig nila ang sinasabi ko kay mama dahil binigyan nila ako ng weirdong look . Ang – lagot-ka-sa-amin-hintayin-mo-lang-umalis-ang-mama-mo-look .
“Tignan mo po .” Sabay tro sa mga kaibigan . Para naman silang Transformers na nasira . Ang bilis ! Nakakuha agad ng titignan at mahahawakan . Si Belle , Nagtext kumwari . Si Ryle bubuksan ang Van kunwaring may kinukuhang bagay bagay . Si Jomar naman ay inayos ang sintas . Mga Walang H .
“Wala naman ah . Ikaw talaga .” umiling na lang si mama at pumasok na . Sinundan si Papa .
“KAYO MGA ----.”
“Bebs ! Tignan mo ito dali dali .! Siguradong mag hahyperventilate ka sa makikita mo bilis !” Hindi ko pa sila masesermon inunahan na ako ni Belle at dali dali akong hinila . Pati tuloy ang mga mokong nakitingin sa cellphone ni Belle !
“OWMYGOSH ! TOTOO TO DIBA ?! OWMYGEE.! TO THE N’TH LEVEL !!!”
Nagtatalon ako sa tuwa dahil sa nabasa ko . Alam nyo ba kung ano ?
MAY CONCERT DAW SI TAY . DITO ! SA PILIPINAS ! sorry . nabingi ko ba kayo ? sorry naman . excited lang . Wala ng patawad ?
“Oh ! Baby Bebs . kanina lang tuwang tuwa ka bat ngayon nag dadrama ka ? Hoy ! baka iba na yan ah . Pa check up ka kaya .” Sabi ni Ryle habang inaabot ang panyo nya sa akin .
“Ikaw Ryle ! Kung wala kang matinong sasabihin , Lubayan mo ako ano . Sinisira mo ang mommentum .” Sabi ko kay Ryle at saka pinunasan an pailan ilang luha na tumatakas sa mata ko . Pero iba ang luhan ito , nanggaling sa kanang mata ang unang patak . Tears ofjoy daw pag ganun .
“Mommentum ? Anong malay mo sa mommentum ? Wala ka naman na ibang alam kung hindi Tay . Tay . at Tay .”
Sabi naman ni Jomar .
“Ay girl . Joke lang daw pala . Heto oh .” at inaabot nya sa akin ang cellphone nya .Napatahimik ang dalawa kong kaibigan sa sinabi ni Belle . Sa cellphone nya nalaman ko ang lahat at sumaya , naiyak pa nga e’. Sa cellphone din ba nya ako masasaktan .? Dahan dahan kong inaabot ang cellphone galing sa kanya pero hindi ko pa nakukuha ay kinuha na nya agad at saka tumakbo sa likuran ni Jomar . “Joke lang .” Sabi nya at nag peace sign pa ang gaga . “Belle .?” Sabi ko sa kanya at akmang lalapitan ko para makalbo ay panay naman ang depensa nya gamit ang katawan ni Jomar .
“Sorry na nga . Joke lang .” Sabi uli at saka pinandipensa ulit si Jomar .
Si Ryle naman ay walang ginawa kung hindi tignan ang cellphone nya . Nakuhanan nya ata ako noong malungkot kong inaabot ang cellphone ni Belle .
Si Jomar , nakataas ang kamay habang walang magawa dahil nasa likod nya si Belle at panay ang hila sa damit nito dahil ayaw nyang maabutan ko . Mat tanong ako ?
Mga kaibigan ko ba talaga ang mga taong ito .? Parang iba ata sila sa iba ? Kung sabagay . Malubak turnilyo sa ulo ng mga ‘to e’ kaya hindi na ako magtataka kung ganyan sila .
Kasi kung hindi sila ganyan ? Hindi ko sila kaibigan at hindi siguro ako ang nakakuha ng pinaka best na kaibigan sa mundo . So , sorry nalang guys . I have the best five people here . Mommy Irene , Daddy Albert , Ryle , Jomar and Belle . They are the best people in the world .
---
Author’s note :
Hi ! Sabaw ba ? Sorry ha ? Ganyan lang kaya ko e’. Magparamdam naman ang mga bumabasa neto . Para kilala ko kung sino ang mananabunot sa akin . Dahil sa kapangahasan kong gamitin ang pangalan ni Miss Taylor Swift sa walang kwentang kwentong ito .
Birthday ko pala . Batiin nyo naman ako . Kahit ayoko pa magbirthday . I don’t know . I just want to grow up .
Bebs
