Paunawa :
Itong story na ito ay hindi love story. Pero tignan natin baka magbago ang isip ko pag dating ng araw. Ito kasi ay mga ‘thoughts’ ko lang as a ‘fan’ . Mga bagay bagay na reaction, emosyon o kahit ano pa sa isang fan. So, kung gusto mo pang ituloy, scroll lang baby . At kung ayaw mo naman, 'Exit' button Brads.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Maingay na nag coconcert . Sinasabayan ang bawat lyrics ng kanta nya... ni Taylor Alison Swift. Yes, swiftie po ako mga pare. People forget, pero ako ata kahit makalimutan na ni Miss Tay ang mga lyrics ng kanta nya, ako ata hindi. Siguro , kahit tumanda ko. Alam na alam ko pa rin ang mga lyrics ng kanta nya . Ikaw ba naman na araw araw gawing concert hall ang kwarto e’
Ako nga pala si Bebs,16 years old . Panganay at kasalukuyang bunsong anak ng mag asawang Albert at Irene. In short, nag iisang anak po ako at high school pa lang ako sa eskwelahan dyan sa kabilang Barangay. Hindi ko na sasabihin kung ano ang pangalan ng skwelahan dahil baka makilala ako ng mga readers nito. Private person kasi ako. At medyo loner. Kokonti lang ang mga kaibigan ko but I assure you, they are the real one. Naniniwala kasi ako na hindi naman kailangan ng maraming kaibigan e’ as long as masaya ka, good influence sila at kapag nagigipit ka parati silang nandyan, I think tama na ang konting iyon. Diba? Mag smile ang mga katulad ko .
“SUSMAYOSEP NAMAN BEBS! KUNG GUSTO MONG MAKINIG. MAKINIG KA NALANG! WAG MO NG SABAYAN! NAKAKAHIYA SA MGA KAPIT BAHAY NA NAGLABA”
Ouch! Nasaktan ako doon ah. Pangit ba boses ko? Kung maka husga naman si mama akala mo hindi ako nasasaktan. Masama bang maging fan ? Masama bang maging masaya? MASAMA BANG MAGDRAMA?
*teary eyed, standing ovation *
“You’re so sweet mom “ sabi ko sa kanya sabay hug .
“Ayan! Dyan ka magaling! Kapag naiinis na ako tatayo ka tapos teary eyed kapa. Tss”
“I love you.
“Che !” sabi naman ni mo sabay walk out .
“Oh napano mommy mo ?” tanong ni papa na kakarating lang galing trabaho
“Wala po dad. Pabayanan nyo na, may RED alert’ “
Sabi ko sabay kiss sa cheeks nya. Nginitian naman nya ako .
“Hinaan mo naman kasi ang boses mo “
Sabi ni dad sabay pat sa ulo ko. “Teka, paanong?”
“Hanggang sa kanto naririnig ko “ Sabi ni dad habang paalis .
“Dad! Ganoon na ba kalakas?” sigaw ko kay dad pero hindi na sya sumagot pa at umiling na lang . Naku! Napalakas ata talaga yung concert ko kanina. Hays. Wapakels lang ako, as long as masaya ako .
