Chapter 1: Expelled

Start from the beginning
                                    

Pinuntahan ko sila at perehas silang tulala.

Ano'ng nangyari?

"Mom? Kuya? May problema po ba?" tanong ko.

"K-Killy." Parang nagulat pa sila nang makita ako.

"Bakit hindi pa po kayo pumasok sa loob? Ang init po rito sa labas, baka po umitim kayo," pabiro kong sabi.

"Killy, there's something that we need to tell you," malamig na sabi ni kuya pero mahahalata sa kaniyang mata ang kaba.

"What is it?" nagtataka kong tanong.

"D-Dad is... D-Dead," nakayukong sabi ni Kuya.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni kuya.

My dad... Is dead?

"W-What?" gulat kong tanong. "Stop joking kuya, hindi ka nakakatuwa."

Hindi... Hindi! Joke lang 'yon. Gusto lang akong asarin ni Kuya. Ano ba?! Bakit ba siya gano'n?! Masamang biro 'yon, eh!

"It's not a joke, Killy." Nang sabihin 'yon ni Mom, parang tumigil ang mundo ko.

N-No! It can't be!

"P-Pero p-paano?" Naguguluhan kong tanong.

"Heart Attack," sagot ni Mom.

"Heart Attack? Anong ibig n'yong sabihin? Anong heart attack?!"

"Tinago ni Dad sa atin na may sakit siya sa puso. Nalaman lang namin no'ng sinugod namin siya kay tata Benji. Tapos ang sabi ni tata Benji ay may sakit daw sa puso si Dad, at iyon ang dahilan ng pagkamatay niya." Paliwanag ni kuya.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now