Simula

7 1 3
                                        

"Oh, Gear! Ihanda mo na ang mga gamit mo para bukas ay wala ka ng gagawin" sigaw ni mama sa akin. Nasa kwarto kase ako samantalang siya ay nasa kusina. Hindi naman kase kalakihan ang aming bahay kaya maririnig ko pa rin ang boses niya.

Hays! I dont know. Bat hindi ako excited sa pagpunta namin sa Cagayan De Oro bukas. Boring siguro doon! Gusto ko sanang manatili dito sa Bulacan ngunit ayaw naman nila mama. Minsan na nga lang daw ako maka dalaw kina lola ay hindi pa ako sasama.

Doon rin ang lugar kung saan sila nagtagpo ng landas ni papa (Naks naman) nag-aaral kase si mama sa Xavier University doon, si Tita Malou ang nag papa-aral sa kaniya kaya mula Batangas ay doon siya tumira sa CDO upang makapag-aral. At doon niya nakita si papa na isang Engineering student. Si mama naman ay Accounting student.

Away pa sila noon ng away dahil lang sa medyas ni mama na aksidenteng naputikan ni papa. Pag nagkikita raw sila sa University ay matalim na tinitignan ni mama si papa. Si papa naman dahil sa ayaw niya raw na may taong may galit sa kaniya ay humingi siya ng tawad ulit kay mama, at ayun doon na nag simula ang lahat. Medyas lang ang katapat! Naging sila naman ni papa at sila'y nanirahan dito sa Bulacan at ako at si Jason ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nag-impake ako ng gamit, konting damit lang ang dadalhin ko! Kung maubusan man ako ng damit bibili nalang ako doon, may ipon naman din ako for shopping!

"Ateeeeeeeeee" sabi ng aking napaka dyosang kapatid habang tumitili!

Ang shuklang ito! Confirmed na telege.

"Ate, natanggap ko na yung inorder ko na rashguard. Loka ang ganda" sabi niya sabay wagay-way ng isang crop rashguard na color pink.

"Tigil tigilan mo ako sa kabaklaan mo, Jason!" tugon ko. Bushet! Ang gwapo niya para maging bakla.

"Dont worry, ate. Mag tw-twinning tayo" sabi naman niya at winagay-way naman ang isa pang crop rashguard na kulay black.

"What the, sayo talaga yung pink?" tanong ko.

Tumango naman siya. Napapikit nalang ako. Kahit alam ko naman na yung black talaga yung sa kaniya. Alam ko na hindi siya lalabag sa kasunduan. Pero, bakit kadalasan sa mga bakla ngayon ay gwapo? Bakit po, lord?

--

Maaga kaming nagising dahil sa ingay ni mama. Sa kwarto ko kase natulog si Jason dahil nanood kami ng K-Drama ng sabay! Jusko, nagsisi ako. Kung manonood ako ng Love in the Moonlight ng mag isa, mas maiintindihan ko pa yung episode, eh. Pag kasama ko itong shuklang ito, puro batok, suntok, sabunot ang mapapala ko.

And yes, tanggap na ni mama at papa si Jason. Wala na silang magagawa pa! Pero meron paring limitations si Jason kahit tanggap na siya!


"Maghanda na kayo before 10 ay dapat nasa airport na tayo" sabi ni papa sa amin.

"Hays! Sana maraming gwapo sa Cagayan" sabi naman ng aking kapatid! Kagabi rin ay may kasunduan kaming Jessy ang dapat kong itawag sa kaniya. If I break the rules? Kailangan ko lang namang magbayad ng 20 pesos.

"Tsk, walang gwapo doon" sagot ko naman. Gwapo? Tssss -___- mas gwapo parin si Lynol no!

"Jusko! Napaka loyal mo po, slow clap. Wag T-A-N-G-A bes, gumising ka sa katotohanang may mahal siyang naka shades" sagot niya naman na parang narinig niya ang nasaisip ko, narinig niya ang tungkol sa loyalty ko sa kagwapohang taglay ni Lynol. But, loka! Shades? Eyeglasses yun.

"Heh, crush lang yun. Di ko pa siya mahal" sagot ko sa kaniyang sabay irap.

Nilagay ko ang aking mga bagahe sa sala at naligo na! Naka gray crop top lang ako, high waist jeans at allwhite converse shoes. Naglagay rin ako ng konting powder at nag lipstick bago bumaba. Handang-handa na sina mama. Yung kapatid ko naman ay bihis panlalake, pero may flower crown naman sa ulo niya! May kasundu-an kase sila ni papa pag lalabas ang panlalakeng damit muna ang susuotin niya upang di siya mabastos ng ibang tao! Hindi naman kase lahat ng tao ay maiintindihan ka kung ano at sino ka.

"I'm so exciteeeeeeed" tili ni Jason! Nandito na kase ang taxi para sa biyahe namin papuntang airport! Walang car bes, ano na?

"Heh! Ano naman gagawin natin, doon?" sagot ko sabay irap! Takte, iniisip ko palang kung ga'no ka boring doon ay hindi ko na kaya, parang gusto ko nalang umatras.


Buong biyahe papuntang airport ay natulog lang ako! Medyo malayo rin kase ang distance ng bahay at airport! Mga 9:30 na ng nakarating kami, 30 mins nalang ay flight na namin.

Jusko! Mga 2 or 3 months daw kami doon! Mamimiss ko ang Bulacan, hindi ko kayaaaa. Roowts, hindi ko kayang hindi makita si Lynol sa totoo lang. Ang gwapo niyang mukha, matangos niyang ilong at ang labi niyang mapupula. Para siyang isang member ng isang Kpop group.

Lynol Perez. Ano ba ang meron sa'yo? Bakit ikaw ang nagustuhan ko at kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan ka ay hindi ko magawa. Oo, may mahal kang iba at dapat ay mag move on na ako sa pagnanasa ko sayo pero kapag pilit kong sinasabi na naka move on na ako kahit hindi naman ay mas lalong lumalaki yung pagkakagusto ko sa kaniya!

Pero speaking of CDO. Sana naman pagkarating namin sa Cagayan ay makakita ako ng mala Elijah Montefalco, or mameet ko ang author ng Until Trilogy. But then, private at kahit ang mga taga roon ay hindi alam ang bahay or exact location ng bahay niya.

"Mga anak. Hali na!" sabi ni Papa. Langya! Kanina pa pala ako tulala.
----

Cagayan De Oro. Nandito na ako, nandito na kami. Bakit ba ayaw na ayaw ko sa iyo? Bakit ba parang walang kaliga-ligaya ang nararamdaman ko kahit parang masaya ang mga tao dito.

Napasinghap ako. Sana ay hindi tama ang mga nararamdaman ko! Sana kaligayahan ang madama ko sa pagpunta namin dito! Tinignan ko ang kapatid ko na masayang tumitingin sa bintana ng taxi.

"Wow! Malapit lang pala sa mall ang bahay nila Tita?" tanong pa niya kay Papa.


"Oo nak. Sasakay ka lang ng rela ay makakarating ka na sa Ayala Mall kung sa Ketkai naman ang punta mo ay sasakay ka lang din ng Jeep" sagot ni papa sa kaniya!


"Wala po bang mga resorts dito, pa?" tanong naman niya ulit.


Bumaling ako sa kaniya! Medyo may interest kase ako sa mga beach and resorts kaya nakinig na rin ako sa sagot ni papa.


"Marami nak. Pero mas marami around Jasaan and Balingasag. Dont worry nung nag video call kami ng Tita mo ay ipapasyal daw kayo ng pinsan ninyong si Vince kasama ang mga kabarkada niya" sagot naman ni papa.


Sana naman ay maging mabait sila sa amin or maging mabait ako sa kanila. Hindi ako pala-kaibigan. Sa Bulacan, si Jessa at Reina lang ang friends ko. Friends na masasabi kong tunay! Sa panahon ngayon mahirap ng maniwala.



Hays! Cagayan De oro please be good to me!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer LoveStories to obsess over. Discover now