Chapter 4

183 8 0
                                    














Dianne's PoV





Maagang natapos ang unang klase dahil introducing lang ang ginawa at checking ng attendance. It's our break time at buti  na lang hindi sabay-sabay ang pag-dismiss ng bawat level, dahil kung nangyari yun malamang siksikan dito sa cafeteria.




May sarili akong puwesto dito sa cafeteria at siyempre kasama ko si Phoebs, nagtungo agad kami sa aming puwesto dahil nakakangalay rin maglakad at tumayo na lang dito, hindi naman lalapit samin yung pagkain.



"Yan, anong kakainin mo? Ako na oorder." Sabi sa akin ni Phoebs.




"Just sandwich and softdrinks na lang." Sabi ko, busog pa naman ako dahil kumain naman ako kanina.




Pagkasabi ko kay Phoebe nung kakainin ko ay agad na siyang umalis at pumila  sa counter. Napansin kong dumadami na ang studyante siguro dismiss na sila. Mukhang mapupuno itong cafeteria buti na lang meron kaming sariling pwesto at siyempre kami lang dalawa ni Phoebe ang pwede dito.


Dumating na si Phoebs dala ang mga foods na inorder niya. Spaghetti and softdrinks ang kanya. Nagsimula na kaming kumain ng biglang...




"Pwede ba makiupo?" Guess who? Si Mr. Yabang lang naman, at anong sabi niya makiupo? Huh!



"At sinong may sabing pwede kang umupo diyan?" Sabi ko sa kanya dahil nakaupo na siya sa tabi ni Phoebe na hindi na naman mapakali. Tss, kinikilig na naman siya at mukhang hindi na siya makagalaw sa kinauupuan niya.




"Wala na kasing maupuan kasi puno na kita mo naman diba? At tsaka bakit ba ang sungit-sungit mo? Meron ka ba ngayon?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya dahil nakakabwiset lalo.




"Hindi mo ba alam na bawal umupo dito?" Tanong ko sa kanya at nagtaka naman siya. Siguro hindi niya alam kung sino ako at hindi niya narinig ang sinabi ng prof tungkol sa akin dahil nga late ang Mr. Yabang na ito. Tinaasan ko siya ng kilay.





"Bakit naman bawal? Sayo ba itong upuan at lamesa? Binili mo ba? May pangalan mo? Exclusive for you only?" Sabi niya at tiningnan pa kung may makikita siyang pangalan dun. Sa paraan na pagkakasabi niya para siyang nang-aasar pa siya na nga lang ang makikiupo dito.







"Umalis ka na dito habang nakakapagtimpi pa ako, kung ayaw mong makitikim sa akin." Mahinahon kong sabi pero sa loob-loob ko gusto ko ng manapak.






"Bakit b--"









"Ah Andrei? Umalis ka na lang please." Wow! Salamat naman at nakuha ng magsalita nitong babaeng to. Mukhang nagulat si Mr. Yabang Kay Phoebe.






"Teka nga, teka nga, bakit nyo ba ako pinapaalis? Hindi ba kayo marunong mag-share?" Tanong niya sa amin ni Phoebe.





"Sa mga taong kagaya mo? Hindi, kaya  pwede ba lumayas ka na sa harapan ko at kanina pa kitang gustong sapakin!!!" Napasigaw na talaga ako dahil nanggigigil na ako dito sa lalaking ito ah. Napansin kong napatingin na sa amin ang ilang estudyante at nagbubulungan na.






"Ahm Andrei please hanap ka na lang ng ibang pwesto na pwede kang makiupo bago pa lumaki eksena dito oh nagtitinginan na yung mga ibang students eh." Sabi ni Phoebe sa tonong mahinahon.





"Hindi ako aalis dito kahit anong sabihin niyo." Sabi niya at nagsimula ng kumain.






I just rolled my eyes. Ghad this guy! Umupo na lang din ako at kinain na yung pagkain ko napatingin sa akin si Phoebs at binigyan niya ako ng okay-lang-ba-na-dito-siya-umupo-look. I just answer her with a heavy sigh. Wala na rin naman kaming magagawa dahil nagsisimula ng kumain ang lalaking yun.




Addicted LoveWhere stories live. Discover now