At sa hindi niya inaasahan ay pumasok bigla sa kanyang tahimik na opisina si Gerald. Ang tinuturing niya na pekeng CEO. Ang umaastang magaling pero wala naman talagang totoong kakayanan.

"Mr.Eizenger.. It's nice to see you. What brought you to my office?" may halong kaplastikan ang pagbati niya dito. Ayaw na ayaw niyang nakikipagplastikan pero he has no choice.

"Dale.. I have been hearing a lot of good things about you. And I wanna thank you for supporting me as the new CEO."

Hindi niya mabasa kung ano ang totoong ugali ni Gerald Eizenger. Para itong laging nakangiti. Ngiti na hindi naman totoo. Hindi parin malaman ng taong kanyang inutusan para alamin kung ano ang tunay na pagkatao ni Gerald Eizenger. Ang nalalaman palang niya ay mag.isa nalang ito sa buhay.. His dad passed away when he was very young. Other than that, wala na siyang nalalaman pa.

"I have to respect the decision of Mr. Grant and you being the holder of almost half of the company's share.. I think I don't have the reason not to entrust myself to you." pangiti niyang sagot dito.

He has to remain like this. Wala pa siyang magawa. But as soon as malaman na niya lahat ng paraan para mapaalis ito, hinding hindi na siya ngingiti pa dito.

"I have a party the next day. You have to be there.. I will expect you. I wanna have fun on that night.. See you." paalam nito sa kanya. Tumalikod na ito sa kanya at umalis na nang tuluyan.

Party? Naisip niya na iyon na ang paraan para mas lalo pa niyang makilala si Gerald.. At sigurado siyang may mangyayari sa party nito. Hindi pwedeng walang mangyari.

He left his office. Kailangan niyang malaman mula kay Timmy kung may plano ba sa araw na yun si Tommy. Kung may imemeet ito outside the office.

Pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Nairita siya dahil pakiramdam niya, linoloko lang siya nito sa pagpayag nito sa gusto niya. Hindi pwede. Wala siyang palalampasin sa kanyang mga kamay.

He was on his way to the parking area pero nagulat siya sa kanyang nakita.. He never thought that it will be something that will shock him.. Hindi niya inaasahan ang bagay na yun.

What is going on with his world? Bakit tila ba ang gulo na ng lahat para sa kanya? He felt something inside him. It was anger. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit pero ang nakikita niya ngayon ay sobrang nagpapasikip ng kanyang dibdib.. What the hell is wrong with him?

Kinuyom niya ang kanyang mga kaliwang kamay. He slowly approached them. Hindi niya kayang makita na hinahalikan ni Tommy si Timmy sa labi nito.

At isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Nabuwal sa pagkakatayo niya si Tommy at agad naman itong tumayo para ambaan din siya ng suntok..

Nagulat si Timmy sa ginawa niya.. Hindi siya nito mapipigilan. Pakiramdam niya may ninakaw nanaman si Tommy mula sa kanya. He can't understand that feeling. Hindi pa niya naramdaman yun kahit kailan. That feeling na may kinukuha mula sayo at gusto mong ipaglaban kung anong sayo.

Susuntukin niya sana ulit si Tommy pero napigilan na siya ni Timmy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng makita niya na malakas ang pagkakapigil sa kanya ni Timmy. Siguro nga ay si Tommy parin ang talagang susundin ni Timmy at hindi siya.

"What do you think your doing? Hindi na ba kayo nahiya? This is a public place and you two are doing a disgusting thing.. I will let this go this time.. Pero sa susunod na gumawa kayo ng kababuyan.. Wala nang makakaligtas sa inyong dalawa!! I can't believe that I will see this kind of immorality!!" galit niyang bulyaw kay Timmy at Tommy. Inaalalayan ni Timmy si Tommy para makatayo.

"Please Dale.. Wag mo nang sabihin sa iba ang nakita mo. It was just a misunderstanding. We did not mean to do something like that." pagmamakaawa sa kanya ni Tommy na natataranta parin.

Ang galit niya ay napalitan ng ngiti. Bakit nga ba di niya yun naisip agad? Ngayon hindi lang si Timmy ang hawak niya sa leeg.. Pati narin si Tommy. It might be just the perfect plan for him.

"Ayaw niyong malaman ng iba na you are homo? I did not really see this coming from you Tommy.. Akala ko panaman you were all that perfect? Paano mo nga ba nakuha ang favor ni Mr. Grant?? Are you blowing his junk?"

Hindi niya inasahan na palapit narin sa kanya ang isang suntok mula kay Tommy. Now he was on the ground. Nahilo siya sa lakas ng suntok na binigay sa kanya ni Tommy. His jaw was painful.

"Don't ever say those things Dale!! Wala kang alam!! Di mo alam ang sinasabi mo!!"

At tumakbo nga bigla si Tommy. Hindi na alam ni Timmy kung ano ang gagawin nito kung tutulungan siyang makatayo o hahabulin si Tommy..

"Now I know why you were so eager to know how it feels.. Nahawa ka na pala ng kabaklaan ni Tommy.." sabay tawa at hawak sa kanyang masakit paring panga.

"Hindi ko alam ang gagawin sa inyong dalawa ni Tommy.. Dahil simula nang pumasok ako sa buhay niyong dalawa.. Puro kaguluhan nalang ang nangyayari.. Siguro ng ay dapat na akong lumayo sa inyong dalawa.. Pasensiya na kung hindi ko mababayaran ang utang na loob ko sayo.. Pero sana ang paglayo ko sa inyong dalawa ay sapat na para hindi na lumaki pa ang gulo." mahinang sagot sa kanya ni Timmy.

Hindi ito makakibo. Siya din ay hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Nadala nga ba siya masiyado sa emosyon niya? Hindi siya ganito.. He always try to contain his emotions. Pero lahat ng yun nagbago ng makilala niya si Timmy.

Tumayo siya at pinilit na wag indahin ang sakit sa kanyang panga.. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang isip niya.. Nababaliw na nga siya siguro.

"I think I am going crazy.. Pero hindi ka makakaalis.. Walang aalis. If this is Tommy's game he wants me to play. Makikipaglaro ako sa kanya.." pangiti nanaman niyang sabi sa kanyang kaharap bago niya ito..

Halikan sa labi nito....

~~to be continued...

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon