Page 20

1.8K 95 2
                                    

   Dale

  Habang nasa sasakyan sila ni Timmy ng umagang yun ay di niya maiwasang hindi maasiwa kay Timmy. Madami kasing nangyari na hindi niya maipaliwanag kung bakit sobra siyang apektado. Lalo na nang makita niya kaninang umaga si Timmy na nakaunderwear lang at... Hindi na niya inisip pa yung sumunod dahil parang maduduwal siya.

  "Sir Dale? Ano po ba ang dahilan bakit ganun nalang kayo kagalit kay Tommy?" biglang tanong ni Timmy sa kanya. Hindi ito nakatingin sa kanya. Siguro ay intimidated parin ito sa kanya.

"Paano mo naman nasabi na galit ako sa kanya? Marami ba siyang kinukwento tungkol sa akin Mr. Chan?" maingat niyang tanong. Gusto niyang malaman kung ano pa ang nalalaman nito tungkol sa kanya. Ayaw niyang uminit nanaman ang dugo niya.

"Noong nagkakilala kami ni Tommy, akala ko ordinaryong empleyado lang siya sa kompanya ninyo. Pero mataas pala ang kanyang posisyon. Wala naman akong masiyadong nalalaman tungkol sa inyo pero nasasabi niya lang sakin na may galit ka sa kanya."

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Hindi parin siya sigurado kung may mapapala ba siya sa pag gamit niya kay Timmy para malaman ang mga plano ni Tommy. Mahirap kalabanin si Tommy dahil sa malapit si Mr. Grant dito. At kailangan niyang malaman ang mga plano ni Tommy. Para magawa niya yun, si Timmy ang kailangan niya.

"I have a proposal for you. Dodoblehin ko ang sasahurin mo every pay check na matatanggap mo. Pero may isang bagay ka na gagawin para sakin." pangiti niyang saad kay Timmy. Napatingin ito sa kanya na tila binabasa ang kanyang isipan.

"You will tell me his meetings and anything that has to do with him and Mr. Grant.. Yun ang pambayad mo sa lahat ng ginawa mo sakin at may bunos ka pa?"

Napatikhim si Timmy. Hindi siguro ito handa sa kanyang kagustuhan. Kailangan na pumanig ito sa kanya. He is valuable enough para hindi niya ito makuha.

"Kung yun lang po ang paraan para makabawi ako sa nagawa ko.. Gagawin ko po ang gusto niyo." walang pagtutol na sagot nito. Pero nakatutok parin ito sa kanilang dinadaanan.

"Good. And I will expect that you will give me the service that I want from you. Pero di pwedeng malaman ni Tommy that I asked you to do this. I hired you. He has the control over you. So better choose the one who given you this chance. Sana alam mo kung sino ang papanigan mo."

Mula nang magkasundo na sila ay di na ulit sila nag usap hanggang sa marating nila ang kompanya. Bago paman makababa si Timmy sa kotse ay pinigilan na siya ni Dale.

"I have something to say. Dapat hindi magbago ang pakitungo mo kay Tommy. You have to remain the same. But today I will try to shake him up. I want you to be late for a few minutes. I just want to see how much he values you." pangiting saad ni Dale. Pakiramdam niya ay magiging mas maganda ang working environment niya. May challenge lahat. Its between him, the Fake CEO at si Tommy. And one more thing. That feeling that he is figuring out while he is looking in Timmy's eyes.

"Ahhmm.. Sir Dale. Sa hagdan nalang ako dadaan para mas matagal akong makarating doon." paalam ni Timmy sa kanya at lumakad na nga ito.

Now all he has to do is to shake things up for Tommy. Nagiging mas interesado siya sa idea na matatalo niya nang tuluyan si Tommy and he will prove to everyone na siya ang magaling. Maging sa kanyang ama na muling nagpakita sa kanya after a long time. Hindi niya makukuha sa kanya ang The Colors. Sa kanya mapupunta ang pamumuno dito.

The day passed by so fast. Natapos lahat ng meetings niya sa kanyang mga prospected investors. Yun ang naiisip niya para mas tumaas ang kanyang kapit sa board.. He needs money. He needs funding for projects na magpapaganda pa lalo sa kanyang reputasyon.

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon