Page 17

1.8K 91 4
                                    

  Timmy

   Wala siyang ibang naririnig kundi ang paulit ulit na sinabi sa kanya ni Tommy.

"Mahal kita..." at hindi yun huminto nang hindi siya hinawakan sa mukha ni Tommy. Bigla siyang bumalik sa kanyang wisyo at tiningnan niya si Tommy na gulong gulo parin. Ano bang ibig sabihin nito sa kanya? Bakla si Tommy? Nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki?

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. You don't have to answer anything. Alam ko nagugulat ka parin. Linakasan ko na ang loob ko kasi di ko na alam kung kelan pa ang tamang panahon para sabihin 'to sayo.." mabigat na sambit ni Tommy bago siya bumaling sa ibang deriksyon. Hindi naman magawang magsalita ni Timmy.

Para siyang naputulan ng dila. Wala siyang masabi kasi hindi niya alam kung paano tatanggapin ang sinabi sa kanya ni Tommy.

"Noon paman, that time na nakita kita sa kapitbahay namin habang hinahanap mo ang pamangkin mo, nakaramdam na ako ng kakaiba. Even before that, napanaginipan  na kita. Hindi ko alam ng ibig sabihin ng panaginip na yun pero alam ko na ikaw ang taong yun. I even liked you more nung mas nakilala na kita. Kung paano ka magsalita. Napapatawa mo ako sa mga simpleng biro mo. Nag eenjoy ako sa mga panahon na kasama kita. Kapag hindi kita nakikita medyo malungkot ako. At nag aalala ako kapag may hindi magandang nangyayari sayo." pagpapatuloy pa ni Tommy..

Wala paring imik si Timmy sa kanyang kinalalagyan. Tiningnan siya ulit ni Tommy na parang nawawalan narin ng pasensiya sa kanyang katahimikan.

  "Wala ka manlang bang sasabihin Timmy? I just confided my feelings for you.. Wala lang ba sayo ang mga sinabi ko?"

Napatingin si Timmy kay Tommy at blanko parin ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng pagkatulala at gulong gulo ang isip niya.

"Pwede bang bumaba nalang ako dito? Para kasing hindi ko kaya na katabi ka.. Hindi ako gaya ng iniisip mo.. Aalis na ako Tommy...." natataranta parin siya bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo. Ang hirap para sa kanya i analyze ang mga nangyayari sa kanya.

Ano ba ang pinasok niya? Bakit bigla siyang napasok sa isang magulong sitwasyon? At ang magulong sitwasyon na yun ay nadagdagan pa ng pagkalito niya sa mga bagay.

Alam niya sa sarili niya na simula nang magkakilala sila ni Dale ay may kakaiba na siyang nararamdaman dito.. Pero bakit bigla nalang din umamin sa kanya si Tommy ng kanyang nararamdaman. Napapalibutan na siya ng maraming katanungan sa kanyang isip. Ano ba ang dapat niyang gawin? Ang ba ang dapat niyang isipin?

Hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa isang familiar na lugar. Yung lugar kung saan niya unang nakilala si Tommy. Hindi niya maiwasang hindi puntahan ang looban nito pero sa pagkakataon na yun ay sarado yun. Alam niya sa sarili niya na malaki ang epekto sa kanya mg sinabi sa kanya ni Tommy.

May kung anong kalokohan ang pumasok sa isip niya. Babalik siya sa company. At gusto niyang patunayan ang kanyang nararamdaman. Kailangan niyang mapatunayan na normal siya. Walang epekto sa kanya ang kung ano man ang gagawin ng kapwa lalaki niya sa kanya. At si Dale ang naisip niyang makita.

Si Dale ang naiisip niyang makakapagpaliwanag sa kanya sa lahat ng nangyayari sa isip niya. Siguro nasisiraan na siya. Sa dami banamang nangyari sa araw na yun. Iyon na ang huling kalokohan na gagawin niya. At kung anuman ang mangyari. Handa siya sa kalalabasan nito. Basta mapatunayan niya lang yun.

Nakarating siya sa The Colors at malapit nang magdilim. Siguro ay hindi pa nakakaalis si Dale doon. At hindi nga siya nagkamali. Nalaman niya sa mga magiging katrabaho niya na nandoon pa ito. Kumatok siya sa pinto ng opisina at pumasok na siya. Bahala na kung may makita siyang kung ano basta gusto niya nang malaman lahat ng sagot sa tanong niya sa araw na yun.

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon