Unfinished Business 24

Comenzar desde el principio
                                    

Hinikpitan ko naman ang hawak sa may balikat nya

Para bang ipinahihiwatig ko na hindi ko sya bibitawan at hahayaan

Kung ayaw nyang sabihin ang nangyari kanina ayos lang

Aantayin ko na lang ang tamang panahon para pag usapan ang bagay na yun

"Alam kong gusto mong malaman yung nangyari sakin kanina" biglang sabi ni Rachel

"Ayos lang kung ayaw mong sabihin" mahina kong sabi sa kanya

"Okay lang sakin, baka magamit natin tong naalala ko para sa kaso ko" sabi nya at tumingin sakin

Kaya naman napatingin na din ako sa kanya

"May lalaki akong nakita" pag uumpisa nya

Napakunot pa ang noo nya na tila ba inaalala pa nya ang mga naalala nya

"Tinawag nya akong babe at sya rin ang dahilan kung bakit ako nahulog at nakahandusay" dugtong nya sa kwento nya

"So boyfriend mo sya?" Paninigurado ko

Napatango naman sya bilang sagot

Napaisip naman ako kung bakit walang nabanggit na boyfriend si Aileen..

"Naaalala mo pa ba ang mukha ng lalaki?" Tanong ko sa kanya

"oo naaalala ko pa" sagot nya

Tumayo ako at kumuha ng bond paper at lapis

"Sige ilarawan mo at i da-drawing ko" sabi ko sa kanya

Marunong ako mag drawing kaya magagamit ko ito para mai-skecth ang mukha nung lalaking sinasabi nya

Kailangan naming mai identified kung sino ang lalaking ito. Malapit na kaming magtagumpay para after naming maipakulong yung lalaking yun aasikasuhin naman namin ang paghahanap sa pamilya ni Rachel...

Iginuhit ko lang ang bawat detalyeng sinasabi ni Rachel

...

Pinagmamasdan naming maigi ang sketch ng lalaking sinasabi ni Rachel

"Yan nga, sya nga yan" paninigurado ni Rachel sakin

"Kailangan nating matukoy ang pagkakakilanlan nya." Sabi ko sa kanya

Napatango tango naman sya bilang pagsang ayon

"kahit naging boyfriend mo sya. Wala pa rin itong consideration. Kailangan nyang makulong" nasabi ko nalang out of nowhere.

Rad POV

Sabi ni Joven aalis daw kami at ipapakita nya dun sa Coach daw nya dati yung sketch para daw malaman namin kung sino yung lalaking yon

Kaya ako nakabuntot na naman sa kanya

Papasok na kami sa shop nang tanungin nya ako

"Sasama ka ba sa loob?" Tanong nya sakin

Umiling ako at sinabing aantayin ko nalang sya

"Sige, sandali lang naman ako eh!" Sabi nya sakin at umalis na sya

Naupo lang ako malapit sa may railings

Iniisip ko kung sino yung lalaki
na nakita ko kanina nung sumakit yung ulo ko

Kinakain na ako ng malalim kong pag iisip hanggang sa parang may naramdaman akong nakatingin sa akin

Minsan ko nang naramdaman ang pakiramdam na ito.

Kaparehong kapareho nang naramdaman ko sa Hospital

biglang nag pop up sa utak ko yung babaeng creepy..

Automatic na nagpalinga linga ako sa paligid..

Dapat pala sumama nalang ako kay Joven eh..

Bigla akong napatingin sa may gawing kaliwa ko at sa di kalayuan may natanaw ako na babae..

Naka

Tingin

Sya

Sakin...

Dun ko lang natukoy na ang babaeng nakita ko sa Hospital at babaeng nakikita ko ngayon

Ay

I-isa...

Nagtataka ako kung bakit sya nandito....

Malayo kami sa Laguna...

"Pssst" bigla akong napatingin sa likuran ko nang may marinig ako sa likuran ko pero wala naman akong nakita

Dahan dahan akong napatingin sa harapan ko nang may naramdaman akong parang may taong malapit sakin

"Its you again" sabi nya na dahilan kung bakit ako nagulat

At bahagya pang napa atras mula sa kinauupuan ko.

Parang nalunok ko ang dila ko dahil di ko magawang makapagsalita

Ngumiti sya na naging dahilan para lalo akong kilabutan

"Takot ka saken" nakangisi nyang sabi

At sinundan nya naman ng tawa

"S-si-sino ka?, ba-bakit m-mo ako n-nakikita?" Tanong ko sa kanya ng nabawi ko na ang lakas ko mula sa pagkakagulat pero di pa rin nawawala sakin ang takot lalo na't nandito parin sya

Nakakakilabot ang presensya nya

Dahan dahan syang umupo sa tabi ko

Sa mga oras na to gustong gusto ko nang kumaripas ng takbo

"Kung iniisip mo na takbuhan ako, wag ka nang magtangka pa" sabi nya sakin

At maya maya ay parang may kinuha sya sa likuran nya

Napalunok nalang ako sa nakita kong hawak nya

ramdam ko na rin ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba

Isang matulis na kutsilyo ang inilabas nya nakita ko rin na may mga stains pa ito ng dugo..

Tiningnan nya ito at napatingin din sakin

Isang nakakakilabot na tingin na naman ang ibinigay nya sakin

Para akong naninigas at di makagalaw

Nasan kana ba Joven

Para na akong maiiyak dahil sa takot

Ang mas ikinilabot ng balat ko ay nung unti unti nyang inilapit ang hawak nyang kutsilyo at itinapat sa leeg ko.

Ang nakakabahala pa naramdaman ko ang malamig na kutsilyo na hawak nya

Na-nahahawakan n-nya ako

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng unti unti na nya itong nilalagyan ng pwersa.

..

Katapusan ko na ba?

Follow me,
+Queen_Hyacinth...

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora