Unfinished Business 24

343 15 5
                                    

Joven POV

Napatingin ako kay Rachel na ngayon ay mahimbing na natutulog..

Napatingin ako sa maamo nyang mukha..

Naguguluhan ako sa sinabi nya

'Sino ang may gawa sayo nun?'

'Bakit ka nya sinaktan?'

Marami pang katanungan ang nasa isip ko nang makarinig ako ng mga busina sa likuran namin

Dun ko lang napansin na naka Green lights na kaya nagmadali akong pinaadar ang sasakyan

Mga ilang minuto lang nakauwi na kami.

Ginising ko na sya at sinabing sa loob nalang nya ituloy ang pagtulog nya

Pagpasok namin sa loob naupo lang sya sa sofa

habang ako naman pumasok ako ng kwarto ko at duon naligo.

Pagbalik ko sa sala napansin ko na, kung ano ang ayos nya kanina sa  pagkakaupo, ganun pa rin hanggang ngayon.

Naupo ako sa tabi nya

Lumipas ang ilang minutong walang kibuan at tanging pag hinga lang namin ang maririnig..

"Ab-ghost" agaw pansin ko sa kanya..

Pero di sya sumagot

Inilagay ko ang braso ko sa sandalan ng sofa. Pero idinausdos ko ang braso ko at ang nakakatuwa naipatong ko ang braso ko sa kanya..

Nakatitig ako sa kanya at inaantay ko syang magsalita o mag react manlang

Pero di sya nag sasalita

Tinaggal naman nya ang braso ko sa pagkakaakbay sa kanya

"Uy" tawag ko ulit sa kanya

Napahinga naman sya ng malalim

"Joven, wag mo muna akong kulitin, pagod ako" protesta nya sakin.

Hayyy

"Rachel," tawag pansin ko sa kanya

Pero di sya sumagot at nakatulala Pa rin

"Okay, di na muna kita kukulitin saka nalang" nasabi ko nalang

Gusto kong malaman ang totoo

Kung ano yung sinasabi nya

Kung may naalala na ba sya

Pero mukhang nabigla sya sa pangyayari kanina

Tatayo na sana ako para lumabas muna kaso

Bigla nyang hinatak ang braso ko at iniupo ako sa kinauupuan ko kanina..

Napatingin naman ako sa kanya

Dahil sa ginawa nya

Pero di pa rin sya nakatingin sakin at malalim pa rin ang iniisip

Kaya napatahimik na rin ako

"Dito ka lang" biglang sabi nya kaya bahagya pa akong napatingin sa kanya

Di ako kumibo at nagpatuloy naman sya sa sinasabi nya

"Ayokong mag isa" dugtong nya.

nanatili pa rin akong tahimik at maya maya ay kinuha nya ang braso ko at ibinalik kanina sa pagkakalagay ko sa balikat nya

Sumiksik naman sya sakin lalo

Hinayaan ko nalang sya dahil sa panahon na to kailangan nya ng makakaramay nya sa kalungkutan

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt