*RIIIIIIIIIIIIIINNNGGG* (tunog yan ng alarm clock yan...Wag ng umangal!)
Wait. 5 minutes pa! Antok pa ako eh. Tae talaga pag first day of classes eh. Katamad!
*RIIIIIIIIINNNGGG RIIIIIIIIINNNNGGGG RIIIIIINNGGG*
Aish. Letche. Oo na....oo na. Babango na! Letche tong alarm clock na to eh. 5 minutes lang, ayaw pa ako pagbigyan.
Tumayo na rin ako at pinatay yung alarm clock. As usual, do the morning rituals. Pagkatapos ko maligo, magbihis, at mag-ayos ng aking sarili, lumabas na ako ng kwarto. As usual ulit, wala nanaman akong kasabay kumain ng breakfast.
Si mama kasi maagang umaalis ng bahay kasi may work pa siya.
Si papa naman, nandun sa ibang bansa inaasikaso yung business namin.
Si kuya naman, ayun, laging tanghali kung gumising. Gigising man siya ng mas maaga, wala na ako sa bahay.
Si bunso naman kasama ni papa. Doon na pinag-aral ni papa si bunso para daw may kasama siya. Dapat nga ako yung isasama nun doon eh. HELL NO! Ayoko doon. Buti na lang gusto ni bunso doon kaya siya na lang yung sumama.
Anyway, masyado na akong napakwento. Di pa pala ako nagpapakilala -__________-
I'm Sabrina Audrey Hernandez. 16 years old. You can call me Sabrina. My bestfriends call me Sab. Pero kung hindi kita ka-close, Sabrina ang itawag mo sa akin. Oo na, sige na. Aaminin ko, I'm not that nice. Hindi lahat ng tao nakakasundo ko.
Mataray ba ako? Oo.
Spoiled? Oo.
Mabait? Hmmm...Siguro?
Matalino? NAMAN! (Haha. Ang yabang! Pagpasensyahan niyo na!)
Pranka? Mas lalong oo! Ayoko kasi ng paligoy-ligoy eh. Kung may gusto akong sabihin, sinasabi ko agad. My time is too precious for other people's shits. Haha.
But don't judge me just because of the attitudes that I told you. Kilalanin niyo muna ako. K?
Pagkatapos ko kumain ng breakfast, sumakay na ako ng sasakyan at nagpahatid kay manong papuntang school. 6:30 am na nang makarating kami doon.
"Pick me up at 1 pm sharp." Pagkasabi ko nun, bumaba agad ako ng kotse. Nakita ko kasi yung dalawang bruha eh.
***
"Hey Sab! How are you?" si Avery, isa sa mga bestfriends ko. Mabait, mayaman, magandang babae. Matalino? Uhmm...minsan. Hahaha! Matalino siya sa academics, pero sa ibang bagay ewan ko lang. Tatanga kasi minsan. Hahaha :D Pero don't worry, sanay na siyang tawaging "tanga-tanga" oe "engot".
"Okay ka na ba?" si Phoebe. Mabait, mayaman, matalino, at palaging busy. Ewan ko ba dun, masyadong matalino kaya palaging busy. Tinitrain na kasi siya ng parents niya dun sa business nila eh. Kaya yun, bata pa eh workaholic na.
"Anong okay ka na ba? Nagkasakit ba ako ng hindi ko alam?" I answered innocently. Haha. Ayokong pag-usapan muna yun. Nababanas ako. Di ko rin muna ikwekwento sa inyo.
"Sus. If I know...." sabay nilang sabi.
"Tsk...stop it girls. Halika na nga!"
"Fine.."
***
Sa classroom.....
Buti na lang magkakaklase kami. Kaklase rin namin yung iba pa naming friends. Buti na lang magiging masaya itong senior year namin dito sa school. Last year na pala ito. College na kami after ng school year na to. Waaaah!
YOU ARE READING
Better Left Unsaid.
Teen FictionBasahin niyo na lang para malaman niyo kung tungkol saan itong story na to. Hahaha XD.
