"Ah opo. Ano po bang gusto ni Justin. I mean, likes and dislikes?" I asked manang. I wanna know more things about Justin.

"Lumaki siya na puro kasambahay lang ang kasama dahil ang mga magulang niya ay abala sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Mabait naman yan si Justin eh. Bigla lang tumahimik noong nagbreak sila nung nobya niya noon." Kwento sa akin ni manang. Si Ella yung nobya niya? Or iba pa?

"Ah ganun po ba?"

"Oo, minsan lang kasi magdala ng babae si justin dito eh. Pangalawa ka palang iha.." So, I'm the second one? After Ella? Si Ella ba? Ewan. What about his dislikes?

"Eh ano pong mga gusto niya?"

"Amm, ang alam ko mahilig siya sa babaeng maeffort eh? Nakalimutan ko na iha ang gusto niya eh. Siya nga pala, bakit ang aga mo nagising?" tanong ni manang sa akin. Effort? What kind of effort?

"Di ko nga po alam kung bakit napaaga gising ko. Manang, pwede niyo po ba akong tulungan magluto for Justin? Yung favorite niya po?" tanong ko kay manang. yun lang ang naisip ko eh? Cook for him? I don't know how to cook.

"Ah osige. Tamang-tama, mamamalengke ako. Hintayin mo ako ah? Maaga pa naman eh? Tanghali gigising ang mga iyon."

"Ah, samahan ko na po kayo?" Nakakahiya naman kung hindi ko siya sasamahan.

"Ay wag na. Matatagalan lang ako kapag mayroong kasama. Hintayin mo nalang ako dito!" Sigaw ni manang habang kinukuha yung pitaka niya at listahan then she went out.

I decided to explore the resort while waiting for manang to come back. Sa paglilibot ko, I can say, Justin's a rich kid. And Justin has an older brother? Hindi obvious kay Justin na may kapatid siya ah? Para kasi siyang walang kapatid kung umasta eh. Napaka moody niyang lalaki. Minsan nga, napagkakamalan ko siyang gay eh. Masyado kasing maarte eh.

 After one hour, I saw manang walking into the house. Sumunod  ako. Yeey! I'm excited na to cook!

"Hi manang! tulungan ko na po kayo?" tanong ko kay manang habang pumapasok sa door sa likod kung nasaan yung kitchen.

"Huwag na iha. Sandali nalang naman ito. Simulan na natin magluto." sabi ni manang habang nilalabas yung engriedients. 

 "Ah sige po." 

"Marunong ka ba maghiwa?" tanong sa akin ni manang. Marunong naman ako maghiwa kasi minsan, tinutulungan ko din magluto sila Manang at mang Kanor sa bahay eh.

"Ah opo. Just tell me what to do nalang po. Ako po magluluto." sagot ko kay manang. Gusto ko, ako yung gagawa, para I can say na ako talaga yung nagluto.

Tinuro sa akin ni manang yung exact na laki nung spices na gagamitin and yung pork na gagamitin para sa sinigang na baboy. Hindi naman kami nagkaproblema when it comes to rice kasi meron namang rice cooker.

Natapos kami ng bandang 8:46 am. Mukhang wala pang gising sakanila ah? Mga drunkards.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Where stories live. Discover now