CHAPTER 7: ANOTHER CHANCE:)

188 7 0
                                    

CHAPTER 7:

                   "VENICE, may bisita ka." bungad sakin ni aling MILA na pagbuksan nya ng pinto.

                   "Sino ho?" tanong ko habang nag iinat.

VENICE POV:

   Ilang minuto pa lang akong nakakabangon sa higaan ko ng may kumatok.

 Nagtataka ako.

Sino naman kaya ang bibisita sakin.  

Teka, hindi kaya si ANDREW ang bisita ko?

 Baka dala niya ang anak namin.

Nagbilang ako ng mga araw .

Tama, eksakto one week na mula ng manggaling ako sa bahay niya.

Baka nga naibalik na si ODESS ng lolo at lola niya.

                    "Ang nobyo mo. Kilala ko siya dahil nakikita ko na siya dati dito kapag pinupuntahan ka niya. May kasama siyang sanggol na napaka cute." sabi ni aling MILA.

  Halatang hindi alam ni Aling MILA na may anak na ako.

 kasi almost one year akong hindi umuwi dito.

 Kaya hindi niya nasaksihan ang paglobo ng aking tiyan..

 Gusto kong mapalundag sa sobrang excitement ng marinig ko ang mga sinabi ni aling MILA.

 Im sure sina ANDREW yun.

                    "Nasan ho sila?" agad naman akong lumabas para makita sila.

                    "Nasa bahay ko. Kanina pa raw kasi siya kumakatok pero wala naman nagbubukas sa kanya ng pinto. Niyaya ko munang umupo samin kasi mukhang nangangawit na siya sa pagtayo. May karga pa namang bata."

                    "Aling MILA salamat ho, pakisabi ho na gising na ako at pwede na sila pumasok dito."

                    "Sige sandali lang."

  Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng bahay.

 Inayos ko ang mga kalat na gamit sa sala.

 Kasi hindi ako nakapag ayos.

Maganda sana kong nakapaglagay ako ng mga decoration para maganda ang pakiramdam ng anak ko.

Hindi ko kasi akalain na ngayong araw kami magkikita ng anak ko.

 Hindi kasi ako nagbilang ng araw.

 Kapag kasi nagbilang ako,

 baka lalo akong mabaliw dahil sa pagkakainip ng isang linggo.

                   "We're here." boses yun ni ANDREW.

 Paglingon ko ay nasa pinto na sila.

Karga niya ang isang malusog na batang nakapink na bestida.

Nakasuot ito ng headbanD na katerno ng damit niya.

Tapos sa balikat naman ni ANDREW ay may nakasabit na bag.

Nakakatuwa yung hitsura niya.

Simpleng maong at tshirt ang suot niya.

                  "Ito na ba si ODESS?" grabe nangangatog  ang tuhod ko habang lumalapit ako sakanila. Halos hindi ako kumukurap.

"AMNESIA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon