"Grabe! Napakagwapo n'ya sana kaso may sumpa!"
"Alam n'yo bang hindi na natagpuan si Lazie dahil sa nilapitan n'ya ang halimaw na yan!" Samut-saring malalakas na bulungan ang bumalot sa aming silid-aralan.
Lihim kong pinag masdan ang isang misteryosong lalaki, nag-iisa ito sa isang sulok at walang nagtatangkang kausapin s'ya dahil sa balitang may sumpa ito.
Mahawakan mo lang s'yay tila isa itong nagliliyab na apoy na s'yang tutuklap sa balat mo...
Tumingin ka lang sa mata n'yay tila hinihigop nito ang kaluluwa mo na s'yang tatapos sa buhay mo...
Takot ang lumukob sa buong sistema ko ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong tuklasin ang misteryo sa pagkatao nito.
Ano nga ba ang tinatagong lihim mo... Leifer kurt Ywail?
