TWELVE - From Lovers to Bestfriends

820 44 14
                                    


Kate Margaux's POV . . . .

Nang matapos kami kumain, nag-aya si Dad na manuod raw kami ng movie. Sobrang nagbago na sila Mommy't Daddy, hindi naman sila ganyan dati eh.

Sinet-up na ni Zac yung DVD't TV at tsaka ito umupo.

Zac - Dad - Mom - Ako

Ganyan yung pagkaka-sunod sunod namin sa upuan.

***ringg ***ringgg

Napatingin kaming tatlo kay Zac, cellphone niya kasi yung nagri-ring eh.

"Excuse lang po." sabi nito at lumayo na.

"Hon, baka ayun yung mahal ni Liam na tinutukoy niya." sabi ni Dad.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Mommy.

"Andrea yung tumawag eh." sagot ni Daddy.

"Akala ko ba walang pakialam yung babae? Bakit natawag eh gabing-gabi na." sabi ni Mommy.

Pshhh! Oo nga naman. Bakit kasi tawag ng tawag, gabing gabi na kaya (kahit 7:30 pa lang). Halatang-halata siya eh. Kababaeng tao, siya yung tatawag sa lalaki. Pshh!

"Dad, Tita, kailangan ko pong umalis." pagpapa-paalam ni Zac.

Psh! *rolled eyes*

"Bakit, anak?" tanong ni Dad.

"May sakit po kasi si Andrea, nag-iisa lang po siya sa apartment." sagot ni Zac.

Jusko naman! Nag-iinarte lang yun eh.

"Zac, grabe ka naman. Kadadating lang ni Mommy't Daddy, aalis ka agad." sabi ko sakanya.

"Don't mind her, Liam. Okay lang sa amin ng Dad mo. Sige na, go ahead! Ingat ka hah!" sabi ni Mommy.

Arghhh! Napaka naman ni Mommy eh.

"Oo nga, anak. Gamitin mo muna yung kotse ni Kate." sabi ni Daddy.

Wow hah! Letse talaga.

"Pasama ako!" nasabi ko na lang.

Oo na, desperada na ko. Eh paano kung rape-in lang pala ni Andrea si Zac. No! Hindi ako papayag. Pshh!

"Anak, wag na. Moment nila yun eh. Panira ka lang dun eh." sabi ni Mommy.

Arghh! Mommy, napaka-supportive naman talaga eh. -.-

"Sige po, alis na ko." sabi ni Zac at lumabas na.

Bwiset! Di man lang ako sinama. Napaka naman. Ako na nga yung nagprisinta, hindi pa din ako sinama.

Bwiset talagaaa!!!

"Mommy naman kasi, bakit may pag-kontra pa." sabi ko kay Mommy.

"Bakit ba gustong-gusto mong sumama?" tanong ni Mommy.

Bakit nga ba? Haysss.

"Kotse ko kasi yung gagamitin. Babantayan ko sana habang naka-park, pag nawala ba yun ibibili niyo ko ng bago? Pshh!" sabi ko kila Mommy.

"Oo naman, wala kang gagamitin eh." sabi ni Dad.

Arghhh!! Bwiset eh noh!! Magsama-sama nga sila.

"Tutulog na ko." sabi ko.

"Anak, mamaya naman. Ang ganda-ganda ng pinapanuod natin eh." sabi ni Mommy.

"Wow naman, Mommy. Nanunuod ka pala? Nagdadaldal lang naman kayo ni Daddy eh." sabi ko.

"Aba! Nanunuod kaya ako." sabi ni Daddy.

"Weh? Daddy? Sige nga, bakit gustong gumanti nung main character?" tanong ko.

Living with my Step Brother (JaDine)Where stories live. Discover now