Chapter 4

64 1 0
                                    

Dawn's POV

"Nag-usap pala kayo?" tanong sakin ni Erin

Andito kami sa condo ko ngayon. Sabay kami pupunta sa rehearsals. Isang araw na din ang lumipas nang mangyari yung kina Ryle. Naging maayos din naman yung usapan nila. Di pa sila okay na okay pero atleast di na naapektuhan yung trabaho namin sa mga personal na problema namin.

"Yup. Humingi ako ng pasensya sa ginawa ni Ryle."

"Yun lang? Wag mo ko chinacharot Dawn. At bat ka nagsosorry sa kanya? Tama lang ang ginawa ni Ryle. Buti nga sakanya! Kulang pa nga yon."

Heto na naman tayo. Lord, bakit ko po naging kaibigan ang isang Erin Gaile Ocampo?

"Alam mo isa kapang kunsintidor eh. Anong tama? Mali yun. Lahat naman nadadaan sa matinong usapan. Atsaka isa pa, himingi na ng tawad yun tao. Okay na."

"Anong okay?! Kahit kailan talaga Dawn Simonette ang lambot mo! Isang sorry lang okay na? Walang katumbas ang lahat ng ginawa nya sayo! Dapat dun pinapatay para mabawasan ang mga taong katulad nya! Ako ang naiistress sayo girrrrl! Kung ako ikaw sasabihin ko talaga na mapapatawad ko lang sya kung tatalon sya sa building. Hay naku! Bat ba tayo friends?"

"Alam mo tinatanong ko nga rin yan sa sarili ko." Sabi ko sabay tawa.

Hinagisan nya ako ng unan na nasalo ko naman. "Walang hiya ka." Tugon nya tsaka tumawa na rin.

"Langya ka rin. Kaya nga siguro friends tayo." Sabi ko sakanya habang tumatawa pa rin. "Pero bakla, pagbigyan mo nalang ako. Ilang years na rin akong tigang." Biro ko sakanya sabay kindat.

"Baliw!" Sabi nya bago nya ako kinutusan. "Lagi ka nalang namin pinagbibigyan! Pero seryoso... Humanap ka nalang ng iba. Wag na yung lalaking yun. Masasaktan ka lang ulit."

"Ayiie concerned." Pang-aasar ko sabay kiliti sa kanya.

"Don't me. Halika na nga. Separate rehearsals tayo ngayon noh?"

"Yup. Highlight kami ni Zeus sa Friday. Gagawa kami ibang choreo."

"Ba't ba kasi kayo magkapartner? Sana nagsolo nalang sha di na iniba yung nagawa nating sayaw. Kainis!"

"Meant to be daw kasi kami."

"Wanko sayo! Dali na!"

"Oo na! Oo na! Atat neto.."

----------------------------------------------------------------------
STUDIO

"5 6 7 8! and 1 and 2 and 3 and 4 and 5 6 7 turn! and pose!... Good job guys! Now, all you have to do is review your dance sa "Love Me Like You Do". Yun ang magiging opening natin ha? Ganito kasi ang flow; LMLYD-Hashtrends enter-Hashtrends exit-kayo ulit with the new choreo." Pag iinstruct sa amin ng choreographer. "Gets?"

"Okay po." Zeus and I answered in chorus.

"Alright! Maiwan ko na kayo. Makakauwi narin kayo pagkatapos nyo ipolish ang LMLYD. Okay?" Yun lang at nagpaalam na sya.

Nagrehearse na kami ni Zeus. Ilang beses din namin pinaulit-ulit ang LMLYD bago namin naperfect.

"Okay na siguro yun. Bukas nalang ulit tayo magpractice." Sabi ko sakanya.

Tumango lang sya bilang sagot. "Ah Dawn?"

"Hmm?" Sagot ko ng hindi sya nililingon. Inaayos ko na kasi ang bag ko.

"Can I take you out for dinner?"

Napatingin ako sa kanya. Ano daw? He's asking me out? I gave him a what-do-you-mean-look.

"Well, I mean it's already 8 in the evening. Siguro nagugutom kana. Sabay na tayong kumain?"

Akala ko aayain na nya ako magdate. Umasa na naman ako girl! Pero okay lang magkasama naman kami. Hihi

"Oh sure! Bihis muna ako."

Tumungo na ako sa dressing room pero bago yun, nakita ko pa syang napasuntok sa hangin at ngiting-ngiti. What the hell does that mean? Napaisip ako.

----------------------------------------------------------------------

Mikee's POV

Wow may POV si oks! Ang saya! Btw, let me introduce myself first. I'm Mikee "Mikeeliling" Frances Agustin ang dyosa ng girltrends! Charot! Pero seryoso, ako talaga pinakamaganda sa lahat. 😉

Andito kami ni Erin sa mall ngayon kasama si Kamille. Sinamahan kasi namin itong bumili ng gown para sa debut ng kaibigan nya. Wala na dawng time para magpatahi.

Busyng busy akong namimili ng bag ng biglang sinabunotan ako ni Kamille. "Bruhaaa!"

"Aray ko! Bakit ba?!"

"Di ka kasi nakikinig. Tignan mo daliii!" Sabi nya sabay hila sakin sa may entrance ng store. "Diba si ate Dawn yun?"

"Saan?"

May tinuro sya sa may restau. "Yun oh!"

"Ay hala oo nga. Teka sino yang kasama nya?"

"Si Kuya Zeus ata."

"Erin Gaile!" Tawag ko kay Erin na focus na focus sa pamimili ng gown.

"Yes?" Aniya.

"Wag moko mayes yes jan! Halika dito!"

"Bakit ba?" Sabi nya paglapit.

"Si Dawn oh." Sabay turo sa restau na nasa tapat. "Guess who she's with."

"What the hell?! I'm calling her." Sabi nya sabay kuha ng phone at tinawagan ang maganda naming kaibigan. Niloud speaker pa!

In just few rings sinagot din.

"Hey!" bungad nya.

"Wag mokong mahey hey jan Dawn Simonette! Where are you?"

"Uhmm...at the mall near the studio. I'm having dinner with...uhm a friend! Yes, a friend."

"And who's that friend?"

"Hindi mo kilala eh. Si ano uhm si Jino. Classmate ko nung college."

"Tumingin ka sa boutique na nasa tapat ng restaurant na kinakainan nyo ng "friend" mo."

"Hooooly Crap..."

"Mag-uusap tayo mamaya. See you sa condo."

At inend call na ni Erin. Liningon namin si Dawn. Gulat na gulat itong nakatingin samin. Tinaasan ito ng kilay ni Erin. Naku!Patay kang bata ka. 😏










Where I BelongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora