Mahal Mo Pa Ba Ako?

Magsimula sa umpisa
                                    

Tangina lang.

"Good morning, kumain ka na, nakahanda narin yung panligo mo pati 'yung school uniform mo."

Ilang buwan na ba?

Pitong buwan?

Pitong buwan na puro ganito. Maghahanda s'ya ng kakainin namin tuwing umaga, ihahanda n'ya lahat ng kakailanganin ko papuntang school.

Tapos sa gabi, matutulog tayo na parang wala lang.

Nakakasawa na.

Gabi-gabi lagi akong nagdadala ng babae sa bahay, baka lang din sakaling ikaw na mismo ang makipag-hiwalay.

Gabi-gabi iba ang katabi ko sa kwarto habang ikaw minsan sa sofa na nakakatulog.

Pitong buwan akong ganon, pero sa loob ng pitong buwang iyon hindi ka nagbago sa 'kin.

"Hindi ako makaka-uwi mamaya, may gagawin kami sa school, bumili ka nalang ng pagkain mo"

Kahit hindi kita pakitaan ng pag-aalaga, lagi ka paring nandyan para paalalahanan at alagaan ako.

Gabi-gabi akong may babae, gabi-gabi karing nahihirapan.

"Mahal mo na ba ako?"

Akala ko hindi ka na mag babago, akala ko hindi ka na mag sasawa.

Simula no'ng araw na 'yon, umuwi ako ng bahay natin na wala ka.

Walang babati ng magandang gabi sa 'kin.

Walang nagluto para sa 'kin.

Walang naghanda ng pang shower ko.

Walang nagpapa-alala sa 'kin ng mga gagawin ko.

Diba dapat masaya ako? Kasi wala s'ya?

Bakit ang lungkot ko? Bakit parang hindi kompleto ang araw ko?

Bakit nami-miss kita?

Tatlong araw kang hindi umuwi sa bahay, aaminin ko tatlong araw ding naging malungkot ang buhay ko.

Simula nang umuwi ka alam kung may nag iba.

Oo, naghahanda ka parin ng kakainin natin tuwing umaga, hinahanda mo parin ang lahat ng kailangan ko sa school, pero nag iba ka na.

Hindi mo na ako kinakausap.

Hindi mo na ako pinapa-alalahanan.

Hindi mo na ako nginingitian.

"Mahal mo na ba ako?"

Isang araw, nakita kitang masaya kasama ang isang lalaki.

Nagalit ako.

Nag selos ako.

Nasaktan ako.

Pero wala akong nagawa kundi panuorin kang masaya sa iba.

Ilang buwan narin ang lumipas, aaminin ko nami-miss ko na 'yong dating ikaw.

Nami-miss ko 'yong pag-aalala mo sa 'kin.

Nami-miss ko 'yong pagiging asawa mo sa 'kin.

Ang dami kong nami-miss sa'yo.

"Mahal mo na ba ako?"

Isang gabi, hindi ka na naman umuwi sa bahay. Tulad ng dati nalungkot ako ulit.

Hanggang sa dumating pa ang isang gabi at dalawang gabi, hindi ka parin umuuwi. Tulad ng dati nami-miss na naman kita.

"Mahal mo na ba ako?"

Isang araw nabasa ko ang text mo sa 'kin.

Naiyak ako, nasasaktan ako.

Ganon ba ako kasama sa'yo? Ganon ba kasakit ang sakit na dinulot ko sa'yo? Nag sawa ka naba kaya iniwan mo na ako?

"Mahal mo na ba ako?"

Sorry, kung nasaktan kita kaya please, umuwi ka na.

Sorry kung hindi ako naging mabuting asawa, please, umuwi ka na.

Halos isang linggo ka ng wala, isang linggo narin akong misirable,

Nami-miss na kita asawa ko.

Pag bumalik ka, promise! Ako naman ang mag-aalaga sa'yo. Ako naman ang mag-aasikaso sa'yo.

Hindi na ako madidiri sayo, hahalikan pa kita kahit saan mo gusto.

Kung gusto mo, mag papa-bottom narin ako sa'yo.

Kaya please, umuwi ka na. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka.

"Mahal mo na ba ako?"

Nag reply ako sa text mo.

"Umuwi ka na,Mahal na kita, ikaw? Mahal mo pa ba ako?"

***

Mahal Mo Pa Ba Ako? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon