No More Chances

40 1 0
                                        

"Love is better the second time around" daw sabi nila. Pero tignan natin kung totoo nga ito sa buhay nila Lester Ryan at Mich elle.

Writter:it is based on a #TRUESTORY

ps/..Pasensya po guys kung may mga typos at mali sa mga sentence or words na mababasa niyo. It is my first story po na gagawin. A real life story... Sana po magustuhan nyo.

CHARACTERS:

MICH ELLE FORD-ma appeal lang daw siya "sabi nya,hindi maganda"pasaway na babae, makulit, bunso sa 7 na magkakapatid, cry baby but brave at wagas magmahal.❤

LESTER RYAN BOXWELL-mabait, thoughtful boyfriend, only son at mahal nya girl friend nya.😘

So ito na, sisimulan ko na po ang kwento huh? Pagpasensyahan nyo po ang mga typos at wrong grammar ko. I'm not perfect po kasi eh.😉 So wag kayong basher huh, or mag comment nang hindi maganda. Pagsisikapan ko pong maging maganda ang flow ng story. Basahin nyo po ah? At eh add sa library at reading list nyo, Salamat ng madami in advance...😙😙😘😘

CHAPTER ONE

Mich elle's POV

Kasalukuyan nasa pwesto kami ng kaibigan kong si Ella sa pinagtatrabahuan naming mall. Nagkwento ba naman ang baliw na babaeng ito,at ini-inggit nya ako. Bumisita daw sila sa radio station na doon ng d-DJ ang matagal ko nang idol on air.. Nakaka-inggit nga siya. Huhuhu. Hanggang sa niyaya niya akong bumisita ulit doon pagkalabas namin sa trabaho.

"Sumama kana kasi mamaya. Sabay naman tayong mag-out mamaya eh."yaya niya.

"Sige! sasama ako mamaya gang"masayang sabi ko. Nai-excite na talaga ako gusto ko nang gumabi para maka out na kami at maka punta doon.

"Pero teka lang? May damit ka bang baon?"biglang tanong niya.

Napa smile ako,"Oo naman ako pa? Alam mo naman na always ready ako no?"sabay wink sa kanya.

"Ang landi mo gang no? May pa wink wink kapang nalalaman!hahaha",sabay tawa.

"Malandi ako pero virgin!"tyaka ko siya nginitian ng napakatamis.

"Oo na nga! Birhen ka na."tumawa na din sya.

Nakalimutan kong tanungin siya kung anong oras kami pupunta sa station. Nakabalik na kasi siya sa pwesto niya pagkatpos naming mag-usap. Kaya mamayang meryinda ko nalang siya tatanungin. Pero sobrang na excite na talaga akong maka punta sa station para ma meet ko na si idol PAPA LITO ko.

Nag meryinda na nga kami at sinabi nya na din sa akin na after daw naming maghapunan pupunta na kami doon...

Nasa apartment kami ngayon ni Ella at kumakain."Hinatid ako kahapon ni Papa Lito kagabi gang,kasi nga gabi na daw." Kinikilig na pahayag niya.

"WOW! Talaga gang? Grabe ka huh? Ikaw na talaga ang maganda gang El."namamanghang sabi ko.

"Hahah! Hindi ko nga din in-expect na ihatid niya ako kagabi eh. As in gang,ang gwapo gwapo niya talaga."patuloy na habang ngumunguya, at kilig na kilig pa din.

"Hoy! Babae ka! Umayos ka nga muna. Mabulunan ka sana. Nang matahimik ka. Hahaha."pang-aasar ko sa kanya. Pasaway naman kasi kumakain pa. Pero ako din kinikilig sa mga sinasabi nya. Tapos na din kaming kumain.

Kaya dito kami sa apartment niya dumiretso kasi nga medyo malayo ang sa akin. Baka matagalan kami kung uuwi pa ako. Saka may dala naman akong extra na panlabas. Mini short at body fit ang dala ko. Gala lang naman kasi kaya yon ang dala ko,mas kumportable ako sa ganito.

Habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Sinabihan niya akong mauna na ako sa cr para tamang pagkatapos niya mag hugas, tapos na din ako sa cr. Para mabilis at makaalis na kami. Hindi din sya halatang excited.

Malapit na kami sa station at mas lalo lang akong nai-excite.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No More ChancesWhere stories live. Discover now