HUGOT#94

662 23 0
                                    

"IKAW AT AKO"

Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko sa kada araw, o kahit gabi.
Ako ay parang preso na masayang laging
merong ikaw na dumadalaw.
Ako ito, laging may simpleng
sulyap sa mayaman mong anyo.
Na sa tuwing pumapatak ang pawis mo, pinapalangin ko na sana.
Sana ako na lang yung panyo.

Masulyapan ko lang ang iyong ngiti, wala na ang maghapon kong pagod.
Ang iyong mga kamay na mala porselana, sa aking likod na ninanais kong humagod.
Lahat ng ito pangarap ko habang nakatitig sa malayo.
Ngunit nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na lahat ng ito ay malabo.

Kasi si ikaw, ay hindi pinapansin si ako. Tila ba bagong salta't dayo o baka di ko lang talaga matanggap.
Na IKAW at AKO ay malabong maging TAYO.

HUGOT NG MGA SAWI [ EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt