Prologue

6 0 0
                                        


"Masaya ako dahil nakasama kita ng mahabang panahon.... Sana ay gawin mo ring masayang sandali ang susunod na mamahalin mo...", "Bakit naman? Para namang mawawala ka niyan! Bakit? Iiwan mo na ba ako??"... Nung sandaling iyon... nabingi ako sa katahimikan ng kapaligiran at sa kinakatauyan naming dalawa ni Sandra. Napatingin ako sa mata niyang puno ng kalungkutan. Ilang minuto rin kaming nakatingin sa malayo habang pinagmamasdan ang maulap na kalangitan. Nung sandaling iyon.. ayoko nang lumayo at humiwalay sa piling niya...
Pero habang pinagmamasdan ko siya unti-unting naglalaho ang kanyang wangis... Tinatanong ko siya ngunit habang binibigkas niya ang bawat salita, tanging buka lamang ng kanyang mga labi.. hindi ko marinig ang kanyang boses... Pilit ko man intindihin.. kaso bigla na lamang ako napabangon sa aking kama... Isang mahabang panaginip lang pala.

HilingHistórias para pegar e não largar. Descubra agora