Kring Kring
"Hmmmm" Kinakapa ko na ang orasan na nasa side table malapit sa kama ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras.
"Waishi! malalate na ako!" dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Kasalanan talaga to ng ex ni Linette. Grabe di ko inakalang magagawa ni Liam kay Linette na maghanap ng iba. Tsk. Pareho lang sila ng ex ko.
"Magandang hapon iha. Nagmamadali ka ata ngayon?" bati ng landlady ng apartment na tinitirhan ko.
"Opo, Mamay. Mahuhuli na po kasi ako sa trabaho." sabi ko naman habang nilo-lock ang pinto ng apartment ko.
"O'sya sige dalian mo na. Mag-iingat ka!"
"Opo! Babye Mamay!
Nagmamadali akong tumabo dahil baka pag-initan na naman ako ng kasamahan ko sa trabaho. May galit ata sakin yon kalalaking tao daming satsat lalo na pag may kapabayaan akong nagagawa. Talo pa ang tatay niya na may-ari ng restaurant na pinag-tatrabahunan ko.
Dahil sa pagmamadali ko hindi ko nakita ang isang bato sa dinaraanan ko.
"Aray naman!" Bayan bat ba kasi nandyan kang bato ka? lintanya ko sa isip
"Okay ka lang?" tanong ng isang boses lalaki
"Pasensya na po." sagot ko ng hindi tumitungin sakanya at dali-daling bumangon para tumakbo na muli. Nang makarating ako sa restau ay nagpalit na ako ng uniporme ko.
Hindi ko napansin na nagkasugat pala ako sa kamay dahil sa pagkalampa ko kanina. Iniihipan ko ang sugat ko ng makita si Mark, ang katrabaho kong may galit sakin.
"Pst. Mark! Sorry late ako. Madami atang tao kanina, nahirapan ka ba kanina?" tanong ko. Dalawa lang kasi kami na nag-seserve ng mga order ng customers dahil wala sina Evolyn at Dale.
"Nah. Mahirap padin naman kahit nandito ka o wala." yan na naman.
Inaaral niya na kasi kung paano pamahalaan tong restau. Buwan-buwan inaasign siya ng tatay niya sa ibang stations para naman daw maranasan niya ang hirap ng pagtatrabaho ng mga magiging empleyado niya. Iniisip sguro ng tatayniya na tatratuhin kami ng anak niya na parang kasamahan lang sa trabaho at hindi biliang empleyado niya lang.
"Psh. Konting tiis na lang naman ika na mamamahala nito. Para san yang mga bulaklak na yan?" tukoy ko sa bouquet ng rosas na hawak niya.
"Isa sa costumer ang gusto surpresahiang girlfriend niya para sa birthday nito... Oh yung amay mo...''
"Ah wala to nadapa kasi ako kani..."
"Ang taba ng kamay mo." Aba't tong taong to talaga
Hinayaan ko nalang siya ng may marinig akong tawag mula sa isang costumer. Naging abala ako sa aking trabaho ng makaramdam na ako ng gutom. Hindi nga pala ako nakakain ng kanin sa sobrang pagmamadali ko.
Kumakain ako sa isang gilid ng mapansin kong napadaan si Mark at tumingin sakin na abala at nagmamadali sa pagkain. Nahiya naman ako kaya mas binilisan ko pa ang pagkain dahil mamaya isnaban na naman ako nito.
Malapit ng matapos ang shift ko sa araw na'to. Nang mapatingin ako sa bagong dating na tinitiyak kong magkasintahandahil ito lang naman ang ex boyfriend ko.
Teka? EX KO? WAISHI NAMANG KAMALASAN MERON AKO?! Aba't iba na ang babaeng kasama niya ngayon ah? Kala ko pa naman wala na silang iwanan ng Trixie na yon. Aba kung umasta yun noon parang siya pa ang na-agrabyado eh siya nga ang nang-agaw.
YOU ARE READING
Encounter with Him
Short StoryThe story with the other boy, who turned my worst day to best.
