Chapter 1: First Call

54 13 39
                                        

"Okay ka lang ba brod, kaya mo ba mag-on air ngayon?" tanong ni Denby sakin.

"Kaya ko brod, medyo nahihilo lang ako pero mauupo lang naman ako doon sa loob eh. Huwag ka nalang maingay kay boss ha!" sagot ko habang nakasandal sa pader.

Nalasing nanaman kasi ako kagabi pagkatapos ng gig sa may Malate inabot na kami nga umaga. Ang sakit parin ng ulo ko, may hangover parin ata ako.

Hindi talaga sapat ang kitaan ngayon sa mga bar. Medyo umunti na rin kasi ang mga nagkukuha ng live bands dahil sa mga naglalabasang mga EDM Dj's. Hindi na kagaya dati na kaliwa't kanan ang mga gig namin.

Kaya tuloy napilitan akong magtrabaho pa dito sa bulok na radio station na to bilang Disk Jockey sa night shift. Okay sana kung trip ko din mga pinapapatugtog dito. Eh mga sobrang luma na ng mga nasa playlist nila eh.

Pero kailangan ko talaga ng pera ngayon kaya kakainin ko na ang pride ko. Aba! naka anim na buwan na din ako dito ah. Kahit papaano nakakabayad ako sa apartment ko. Salamat kay Denby na kaboardmate ko ipinasok ako dito.

Kelan kaya ako makakakita ng magandang trabaho. Yung mga kababata ko magaganda na ang career, may Engineer, pulis at yung iba nakapag-abroad na din. Sana naman makilala ko na din ang taong magtuturo sakin kung papaanong mabuhay ng masaya.

Simula pa kasi pagkabata ko lagi nalang sakit ang nararamdaman ko. Hays! tama na nga ang pag-eemote ko, pinapapasok na ako sa DJ booth.

Pagpasok ko sa loob naamoy ko nanaman ang amoy ng CD cabinet namin. Amoy lumang aparador, kasing luma ng mga CD's na nakadisplay.

Halos pabagsak akong napaupo sa upuan. Nahihilo pa talaga ako, antagal kong nakaupo sa harap ng audio consule nang sumenyas na si Denby na air time ko na. Naka on-air na pala ako.

Isinuot ko na ang headset ko at nagsimula na magsalita sa microphone.

"Hi! good evening listeners of Radio 104.3 your source of vintage and definitive music from the year 70's up to late 80's. The era of great music. I'm opening our show with a very sentimental song from an English composer Mike Batt, here's "The Closest Thing to Crazy".

What a heart warming song, and did you know that this song was also performed by a very lovely lady Katty Melua? Yes thats right. And now I will be playing your requested songs. Just call me here 629-2156."

Hays! eto nanaman sa mga request portion. Puro nanaman mga seniors ang makakausap ko. Kesyo magrerequest daw siya ng ganitong kanta para sa namatay na niyang asawa. Ano to punerarya?

Tapos meron pang mga magpaprank calls na mga walang magawang teenagers na magrerequest ng mga One Direction songs. Hello! 70's to late 80's lang nga pinapatugtog ko dito. Eh hindi pa nga ata pinapanganak sila Harry Styles noong panahon na yun eh. Kahit gusto ko man hindi pwede baka matanggal ako sa trabaho.

Meron pang mga magjojoke ng "Hello kuya! buti pa ang mga kantang pinapatugtog mo may forever! ikaw wala!"

Nakakainis lang, lagi ko nga sinasabihan si Denby na kung pwede naman i-filter naman niya yung mga tumatawag. Kaso hindi naman daw siya psychic para mabasa ang mga utak ng mga callers.

Ayan na sumesenyas na siya may caller na.

"We are live on air! Yes hello? who's on the line?" tanong ko sa caller.

"Hi po Mr. DJ Kurt..Im Violet. Can I make a request?" sagot niya.

Nagulat ako sa boses niya. Ang ganda ng boses parang anghel ang kausap ko. Pero nagtaka ako kasi magrerequest siya ng lumang kanta, eh bata pa naman ang boses niya. Kaya kinausap ko ulit siya.

"Yes of course miss Violet. And your calling from?"

"Im from Alabang."

"Okay what is your request?"

"Pwede mo bang patugtugin ang "If you don't know me by now" ng Simply Red?" sagot niya.


"Okay, your wish is my command! And to whom it is your dedicating this song?" tanong ko.

"Sayo Mr. Kurt." sagot niya.

Kaya nagulat ako. Sino namang normal na babae ang magrerequest ng lumang kanta para sakin? Kilala ko kaya ito o nagtitrip lang? Kaya tinanong ko ulit.

"Wow that's sweet miss Violet and thank you, but do I know you? bakit mo sa akin dinededicate ang kanta?" curios na tanong ko.

"Well, I'm an abid listener of your show. Lagi ako nakikinig sayo before ako matulog. Lately kasi napapansin ko na parang malungkot ang boses mo. Sana kung ano man yang nararamdaman mo, maging okay ka na. Para marinig ko ulit yung magandang boses mo at makapag-play ka pa ng mga magagandang songs." sagot niya.

Sa narinig kung yun sa kanya pakiramdam ko parang gumaan ang loob ko. Ngayon nalang ulit akong nakarinig ng ganoon ka sincere at kaconcern na tao sa akin. Parang naluluha pa ako kasi sa time na to kailangan ko talaga ng ganong mga salita..

Your Frequency (On Going)Stories to obsess over. Discover now