Sana ako nalang...

18 2 1
                                        


Being your admirer is not a joke, is not that easy, its so hard and its so Complicated.

Ikaw yung tipo ng lalaking masasabing dapat seryosohin ng mga magiging girlfriend mo, ikaw yung tipo ng lalaking maalalahanin, rumerespeto, magalang at mapagmahal. Ikaw yung lalaking gagawin mo ang lahat para sa babaeng minamahal mo. Ikaw yung lalaking Papangarapin ng lahat .

Kompleto na ang nga ugali sayu, ikaw yung matatawag na IDEAL BOY. Sino ba kasing hindi mahuhulog sayu? Sino ba kasing hindi ka magugustuhan? 
 
 
Nung naglaro kayu ng basketball, talagang nanuod ako, hindi ako tumili, hindi ako nagcheer pero sa isip at puso ko, proud na proud ako sayu. Nakakailan kang shoot, tuwang tuwa ang lahat sayu, at pati ako, tuwang tuwa ang puso ko sa mga nagagawa mo.
 
 
Dumating ang Prom natin, ikaw agad ang inaasahan kong maari kong makasayaw, pero hindi ako nagkamali, nakasayaw kita. Salamat sa kaibigan mo at iniwan niya ako sa gitna ng dance floor, tinitigan mo ako, at biglang nilapitan at sinayaw. Nakatitig ako sa mata mo, nakatago sa mascara ang pagmamahal ko sayu, takot ako na malaman mo ito. Nakatitig lang ako sayu, ganun kadin.Nung natapos ang sayaw, hinalikan mo ang kamay ko at nagpaalam "Salamat sa sayaw na ito" ramdam ko ang pagtalon ng puso ko.

 
Minsan, iniisip ko siguro nagugustuhan mo na ako, siguro nakilala mo na ako at napamahal kana saakin.Siguro hinahanap mo na ako at naghahandang gumawa ng unang hakbang sa Istorya natin.
 

Pero nalaman ko, May nililigawan ka, grabe ka umeeffort, kahit ako naging kasabwat, nasaksihan ko ang pagiging sweet mo, binigyan mo kami ng tig-isang heart shape na may sulat.Ang naibigay mo saakin ay..
 

Everytime i see you, my world stop, my heart beats fast , i feel some butterflies in my stomach and i feel my Eyes turns to a heart.

Nung aking mabasa, napangiti ako, ito kasi ang nararamdaman ko kada nakikita kita, pero ikaw, nararamdaman mo ito sa iba.

Naging kayu, umabot ng ilang buwan, at tumagal ng taon, at heto ako, nakatutok parin sayu.Kahit nung kolehiyo na tayu, pinaglandas tayu, parehas tayu ng pinag-aaralan, at ikaw, kayu parin ng Niligawan mo.Inggit na inggit ako..Sana ako nalang iyon. 
 

Lagi kong tinatanong sa sarili ko, pano kaya maging gilfriend ng isang katulad mo? Paank kaya kung ako magkasakit? Paano mo ako alagaan? Kung nagagalit ba ako? Paano mo ko lalambingin? Kung kinikilig ako? Paano mo ako aasarin?
  
Kung nalulungkot ba ako? Papasayahin mo ba ako? Hindi mo kaya ako sasaktan? Papakainin at magiging nurse ba kita kung may-sakit ako? Dadalhan mo ba ako ng pagkain pagmeron ako? Iintindihin mo ba ako kung moody ako?

Nakikita kita sa paaralan, kasama ang girlfriend mo, pero nakita kitang lumuluha, parang sinasaktan ang dibdib ko sa nakikita ko, na ikaw ay umiiyan dahil gusto kanang iwan ng girlfriend mo, meron siyang mahal, pero hindi ikaw.
 
 
Umalis ang girlfriend mo, at naglakas loob akong lapitan ka, binigyan kita ng panyo, at humagulgol ka sa iyak, masasabi kong lubos ka kung magmahal.Iba ka kung magmahal.

Naging mag-kaibigan, naging masaya tayu, may iyakan at galit kung minsan. Nagkakatampuhan pero naayos agad.Hinsi ko sinabi ang lahat sayu,yung sa prom dahil natatakot ako. Lagi na ako yung kasama mo.Lagi na ako ang nasa tabi mo.

Hanggang sa umasa na ako, umasa akong nagugustuhan mo ako, umasa akong liligawan mo na ako, umasa akong mahal mo na din ako.

Pero hindi, hanggang kaibigan lang ang turing mo saakin.Hanggang kapatid lang..hanggang duon lang..

Hinayaan ko yun, dahil mahal kita. Kinalimutan natin iyon at mas lalo tayong naging malapit sa isat isa,
  
 
pero..

Nandito ako ngayun, naglalakad papalapit sayu, at ikaw? Nakikita kitang naluluha sa nangyayari, ito ang pinangarap mo, ito yung lubos mong hinihintay, ito yung gusto mong mangyare, ito yung kinukwento mo saakin na gusto mong matupad, ito ba yun..... ito na natupad na ang kahilingan mong mag-pakasal.
 
 
Ang saya saya mo, napakasaya mo.
 

Malapit na ako sayu, ngumiti ka saakin, ngumiti ako pabalik saiyo, hinalikan mo ang pisngi ko. Pinunasan mo ang luhang dapat ay papatak na sa mga mata ko at sabi mo pa " ayoko ng ganyan, maging masaya lang tayu ha" hinalikan mo ang noo ko, at umupo na ako.
 
 
Napatingin ang lahat sa likod, bumukas ang pintuan, siya...
 
 

Siya ang pinakahihintay mo, ang babaeng papakasalan mo. Siya, siya ang makakasama mo habang buhay, siya ang mamahalin mo, siya ang aalagaan, siya ang bibigyan mo ng pagkain kung nagugutom.
 
 
Magtratrabaho ka para sakanya, magpupurisigi ka para sakanya.gagawin mo ang lahat para sakanya.

Iba na ngayun ang ngiti mo kaysa sa ipinakita mo saakin, iba to.Masayang masaya ka ngayun, habang kanina masaya ka lang.

Nilahad mo ang kamy mo sakanya at inilalayan at nagsimula ang seremonya.
 
 
Ito na ang oras na magbibigay kayu ng vow sa isat isa. Una kang nagsalita.
 
 

"Ilang taon, ilang taon kitang hinintay.Ilang tao kita hinanap. Pero ngayon nasa harapan na kita. Nasa harapan na tayu ng panginoon. Mag-iisang dibdib at magmamahal hanggang wagas. Ipapangako ko sayu na magtratrabaho ako para sayu at sa magiging anak natin, ipapangako ko sayo na ikaw lang ang mamahalin ipapangako ko na papakainin kita sa oras na ayaw mong kumain, bibigyan kita ng gamot sa oras na ikay magkasakit. Hahalikan kita bago matulog at yayakapin kasama ang anak natin. Pangarap ko ito, pangarap ko na mabasbasan ng panginoon na kasama ka, at nagyun nadito na tayu. Pangako ikaw lang"  niyakap mo siya.Masayang masaya kayong dalawa.

"Ladies and Gentlemen ,i may now present to you, husband and wife. Groom you may now kiss the bride"   unti unting pumatak ang luha ko , aking pinunasan ito at sabay sabing..

Sana ako nalang..

Sana Ako Nalang... (One shot)Stories to obsess over. Discover now