'Bakit lagi nalang ako? Puro ako. Ako na ba talaga ang pinakamalas na tao sa mundo? Lampa na, mahirap na, ulila pa. Bakit ba sa akin napunta lahat ng kamalasan?'
"Aray!" napahawak ako sa paa ko. Natalisod ako sa maliit na bato. Maliit na ah! Hay.. Kamalas-malasan nga naman.
"Hindi naman siguro talaga ako malas? Maganda naman kasi ako." sabi ko sa sarili ko. Humarap ako sa isang sasakyan na nakaparada sa tabing kalsada. Tiningnan ko ang repleksyon ng mukha ko. Maka-Carla ang amo ng mukha ko. May dimples din ako sa pwet. De joke, sa pisngi syempre, sa mukha ako nakatingin eh. Matangos ang ilong ko. Maganda ang mga mata ko at mabrown ito. Baka kaya may lahi akong Marian no? Sinapok ko yung sarili ko sa iniisip ko. Nagpatuloy na ako maglakad.
Sa lola ko ako nakatira, sa may tabi ng ilog yung bahay. Bawal tumira dun pero kailangan namin ng matitirhan eh. Kaya ayun no choice. Hahanap ako ng makakain namin.
"Aray! Pangalawa na to ah!" sabi ko. Natalisod nanaman ako. Tiningnan ko iyong nakatalisod sa akin. Akala ko bato, pero nang pulutin ko ay isang singsing. Ang ganda-ganda. May parang 8 na nakapahiga. ∞ yan ang itsura. Nagkislap ang mga mata ko. "Magkakapera na kami!" sigaw ko sa sobrang tuwa. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Baka may makarinig sa akin. Manakaw pa ang kayamanan ko. Lumingon-lingon ako sa paligid kung may nakarinig sa sinabi ko. Wala naman akong napansing kakaiba. Isinuot ko yung singsing sa isang mahabang tali na napulot ako at itinali sa leeg ko kung saan nakatago iyon sa loob ng damit ko.
"Muntik ko na makalimutan! Kailangan pala namin ng makakain." Pumunta ako sa isang tindahan. Tutulong ako sa pagbebenta kasi kilala naman nila ako. Hindi naman ako bobo kasi nakatapos naman ako ng elementarya bago namatay ang mga magulang ko.
Lumipas ang maghapon at nakakuha ako ng 80 pesos saka kaunting ulam dahil madami silang naging benta. Umuwi naman ako agad.
"Lola! May ulam na tayo!" sabi ko. Nakita ko si lolang nakaupo sa isang bangkong mababa.
"O sige. Naku kang bata ka. Gabi nanaman ang inabot mo sa labas." sabi niya habang tumatayo at papunta sa maliit naming kusina. "Halika na. Nakapaghain na ako." sigaw ni lola mula sa kusina. Agad naman akong tumakbo doon.
Kumain kami at kinwentuhan niya ako ng mga nakaraan niya at ng mga magulang ko. Tawa lang kami ng tawa. Pagdating ng gabi ay nahimbing na kami ng tulog. Hindi ko pa din binanggit yung tungkol sa napulot ko. Ibenta ko kaya to?
-
Umaga nanaman. May panggastos kami para sa araw na ito kaya hindi ko kailangan magtrabaho sa tindahan na yun. Lumabas ako at naupo sa may tapat ng isang bahay. Bagong ligo ako at nagsuot ng isang maaliwalas na baro.
"Ang ganda ganda mo talaga Jasha." narinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko. Napalingon naman ako at ngumiti dito. Tinabihan niya ako sa bangko. "Bakit hindi ka mag-artista?" sabi niya sa akin.
"Naku. Wala po akong pambili ng mga damit o kung ano mang gastos yun. Alam kong magastos ang pagaartista dahil may artista akong kaklase." sabi ko. Tumango-tango naman ang kapitbahay namin.
"Malay mo. Maaaring yun ang maging daan ng pagasenso mo." sabi niya at tinapik ng mahina ang balikat ko. Nginitian ko lang siya.
Tumayo na ako at naglibot sa bayan. May nadaanan akong bilihan ng mga alahas. Dito ko kaya ibenta? Pumasok ako at tumingin tingin sa mga binebenta nila.
"Hello mam. Ano pong hanap niyo?" tanong sa akin ng sales clerk.
"Ate meron kayong singsing na parang may 8 yung design pero pahiga?" tanong ko.
"Opo mam. Pero karamihan ay mga couple rings. Tingnan nyo na din po." at inakay niya ako malapit sa estante ng mga may couple ring. Nabasa ko ang nakalagay na pangalan. "∞INFINITY∞" Tumingin-tingin pa ako bago ako lumabas.
YOU ARE READING
Infinity?
Short StoryMay naging lucky charm ka na din bang itinuring? Siya kasi, unconciously ay naging lucky charm niya ang 'Infinity'.
