04:Sino ang tunay kong mga kabigan?

8 4 0
                                    

Sino ang Tunay Kong mga Kaibigan?

“Marami akong natututuhan dahil kay Cori. Kapag kasama ko siya, marami akong nakikilala, nagagawa ko ang hindi ko pa nasusubukan, at enjoy na enjoy ako. Nagbago ang mundo ko dahil naging kaibigan ko siya!”—Tara. *

Sa tingin mo ba’y imposibleng magkaroon ng ganiyang kaibigan? Kung oo, huwag masiraan ng loob. Marami kang puwedeng maging kaibigan sa mga kakilala mo. Tutulungan ka ng artikulong ito na malaman kung sino sila.

‘NAPALILIBUTAN ako ng mga kaibigan pero wala akong kaibigan.’ Ganiyan ang paglalarawan ng 21-anyos na si Shayna sa sitwasyon kapag marami ngang kasama ang isa pero hindi naman siya talagang close sa sinuman sa kanila. Baka lalo nang nadarama iyan ng mga kasali sa isang social network.

“Puwedeng napakahaba ng ‘friends list’ mo at para kang popular at hinahangaan,” ang sabi ng 22-anyos na si Serena, “pero ang totoo, hanggang listahan lang ’yon.” *

Alin ang mas gusto mo —daan-daang pangalan sa ‘friends list’ o iilang kaibigan pero tunay naman? Bagaman parehong may bentaha ang mga ito, ang tunay na kaibigan ay aalalay sa iyo sa pagharap sa mga hamon sa buhay at tutulong pa nga sa iyo na maging mas mabuting tao. (1 Corinto 16:17, 18 ) Gamiting batayan ang sumusunod na mga katangian para malaman mo kung sino sa iyong mga kakilala ang tunay na kaibigan.




ANG TUNAY NA KAIBIGAN AY MAPAGKAKATIWALAAN

“Sinasabi sa akin ng kaibigan ko ang mga sekreto niya, kaya akala ko mapagkakatiwalaan ko rin siya ng mga sekreto ko. Minsan sinabi ko sa kaniya kung sino ang crush ko. Nagkamali ako! Ipinagkalat niya agad iyon!”—Beverly.

“Nasasabi ko sa kaibigan kong si Alan ang anumang bagay, at alam kong hindi niya iyon ipagsasabi.”—Calvin.

Sino sa dalawa ang may tunay na kaibigan? Sino sa mga kaibigan mo ang mapaghihingahan mo ng iyong niloloob? * Sinasabi ng Bibliya na “ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon.”— Kawikaan 17:17 .

MGA TIP SA TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN

1. Sikaping magkaroon ng tunay na mga kaibigan, hindi lang basta maraming kakilala. “Maganda kung marami kang kakilala. Pero kahit sa isang malaking grupo, hahanapin mo pa rin ang ilan na kapalagayang-loob mo na.”—Karen.

2. Maging tunay na kaibigan. “Ang gusto ko sa mga kaibigan, y’ong tapat at mapagkakatiwalaan, kaya sinisikap ko ring maging gayon sa kanila.”—Evelyn.

3. Ipakita ang pagpapahalaga.
“Para ipakita sa kaibigan ko na pinahahalagahan ko siya, binibigyan ko siya ng card o regalo.”—Kellie.

Isulat sa ibaba ang pangalan ng dalawang kaibigan na mapagkakatiwalaan mo.
1. ․․․․․
2. ․․․․․

ANG TUNAY NA KAIBIGAN AY MAPAGSAKRIPISYO


“Sa pagkakaibigan, may mga panahong mas matatag ang isa kaysa sa kaniyang kaibigan. Alam ng tunay na kaibigan kung kailangan mo ng tulong at handa siyang umalalay sa iyo. Siyempre, umaasa rin ang kaibigang iyon na tutulungan mo siya kapag siya naman ang nangangailangan ng tulong.”—Kellie.

“Nang mamatay si Inay, mayroon akong bagong kaibigan. Hindi pa kami masyadong close noon, pero may plano kaming dalawa na dumalo sa isang kasalan. Nagkataon naman, kasabay ito ng serbisyo para sa libing ni Inay. Nagulat ako nang pumunta siya sa libing imbes na sa kasalan. Noon ko napatunayan na isa siyang tunay na kaibigan!”—Lena.

Sino sa mga kaibigan mo ang mapagsakripisyo? ‘Hahanapin ng tunay na kaibigan, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao.’— 1 Corinto 10:24 .

EXPEL THE DARKNESS Where stories live. Discover now