All I ever needed (ONE SHOT)

61 2 0
                                    

Play the video. :)

Mo!” tawag ko sa babaeng nakatayo. Niyakap ko siya mula sa likuran at siniksik ang mukha ko sa batok niya.

Ibinaba niya ang telepono sa  lamesang nasa gilid namin. Mabilis niyang  tinanggal ang yakap ko at humarap sakin.

Paaaaak! Paaaaak!

Magkabilang sampal ang binigay niya sakin. Hinawakan ko ang mga pisngi ko at kunot noong takang takang tumingin sakanya.

Ano problema mo?” tanong ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat at niyugyog kaunti.

Wala siyang sinabi, ang tangi lang na nagawa niya ay punasan ang mga luhang naglalaglagan mula sa mata niya habang madiin ang titig sakin. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sakanya at kinuha ang telepono na nilapag niya kanina. Nakatitig lang siya sakin, puno ng galit at sakit ang mukha niya.

From: Nathan

Asan ka na? Andito na si China, hinihintay ka. Bilisan mo.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam anong gagawin ko sa oras na to. Isa lang tumatakbo sa isip ko. Inangat ko ang ulo ko, dahsn dahan akong tumingin sakanya. Pinunasan niya ang mata niya at muling tumingin sakin at-

Paaaak!

Shit!” yan lang ang nasabi niya. Isang malutong na sampal ang binigay niya ulit sakin. Hinawakan ko ang pisngi ko na pulang pula na sa sampal.

Mo, mo.. Di toto- pinutol niya ang pag sasalita ko.

BA-BAKETTT?!” sigaw niya sakin habang tinulak tulak ang dibdib ko at hihahampas.

Hinawakan ko ang mga kamay niya gamit ang isang kamay. “TAMA NA MAX!!” sigaw ko sakanya. Nakita ko siya na bahagyang nagulat.  Pero mas naagaw ang pansin ko ng mga mata niyang nagpupuyos sa galit.

Halos parang mabingi ako sa sigaw ko na umalingawngaw sa buong unit. Nanghina siya at bumagsak sa lapag. Nang makaipon siya marahil ng lakas. Pumasok siya sa kwarto, binuksan ang cabinet at nilabas ang maleta at mga damit. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa pinto ng tumingin siya sakin na namamaga na ang mga mata. Sinara niya ang zipper ng maleta. Pinunasan niya muna ang mata at mukha na basa ng luha. Wala akong lakas na kausapin o pigilan man lang siya.

Una, nakita ko kayong naghahalikan. Ta-tapos? Nung anniversary natin? Wala ka, kasi.. kasi kasama mo siya. May narinig kaba sakin? Ian? Tangina! Sobra na. Sobrang sakit ng ginagawa mo sakin!

Dalawang taon Ian. Wala akong ginawa kundi mahalin ka ng TOTOO!! Akala ko kasi matututunan mo kong mahalin.

Sana una palang sinabi mo na.. na ma-mahal mo padin ang babaeng yu-yun! Para kong tanga. Putangina! Ano pa nga ba aasahan ko sayo?! I met you as a jerk, you will always be one!” Naglakad siya at dinaanan ako. Muli niyang pinunasan ang mukha niya.

"Mo, mali ka ng iniisip. Makiiipagkita ko sakanya for closure. Mo.." lumuhod ako at niyakap ang maliit niyang baywang. May tumulong luha sa ulo ko, tinignan ko siya..

Ian please let me go. Stop lying to me. You've said that before. Pero inulit ko.. For the last time, I love you. Goodbye..” Tumalikod siya sakin at naglakad na, habang tumutulo nanaman ang mga luha niya. Di ko mapigilan na umagos sa mukha ko ang mga luha ko. Walang ni isang salitang lumabas sa bibig ko. Pinanuod ko lang siya makalayo.

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sakanya. Kulang pa ang sampal at murang natanggap ko mula sakanya. Tama naman siya e, lahat ginawa niya, lahat binigay niya.. pero niloko ko pa din siya. Binigay niya ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi. Pero di pa ko nakuntento.

Dapat nung bumalik si China sakin, di ko na hinayaan pang mapalapit kami ulit. Alam kong masasaktan ko si Max, kaya tinago ko. Pero ano nga ba ang ginawa ko? Nasaktan ko pa din naman siya.

Ngayon laking pagsisisi ko. Parang kalahati ng pagkatao ko, wala na ngayon. Siya lang.. All I ever needed in my life will always be her.

Isang taon na ang nakalipas mula nung lumabas siya ng pinto ng unit ko, alam ko, sa puntong yun, pati sa buhay ko mawawala na siya. Pero wala akong sinabi o ginawa para pigilan siya.

Nakakaya ko siyang lokohin dati dahil alam ko, at panatag ako na hindi niya ko iiwan. Kaya ngayon, na nakaya niya kong iwanan. Mali pala ko. Maling mali. Kapag pala nawala ang isang tao o bagay, tama nga, dun mo lang malalaman ang halaga nila sayo.

Madalad napapadpad ako sa tapat ng bahay niya pag nalalasing ako. Inaasahang lalabasin niya ko, kakausapin at makikipagbalikan muli sakin. Pero, wala na.. Tama napapagod din ang tao. Kahit pa gaano kalaki ang pagmamahal sayo ng tao, napapagod din to.

Beep.. Beep..

Tumingin ako sa sasakyan. Tumayo ako at umusog ng kaunti. Dumaan sakin ang sasakyan na lulan ang babaeng pinakawalan ko at pinaka mamahal ko. Mas gumanda siya, maaliwalas ang mukha niya.. Mukhang walang problema. Siguro talagang masaya siya ngayon na wala  na ko.

Diretso lang ang tingin niya sa daanan. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa makapasok ito sa garahe at isara ng katulong niya ang gate.

Umupo ako muli sa tapat ng gate.

Bakit ko nga ba niloko ang babaeng tumanggap sakin? Inalagaan ako sa panahong walang nagmamalasakit sakin. Sa oras na ang gulo gulo ng buhay ko. Pinrotektahan ako. At tinuruan akong may buhay pa pagkatapos ng lahat ng masasamang nangyari. Ang babaeng nagturo saking magmahal ulit. Ang babaeng nagmahal sakin ng walang kapalit.

Natigil ako sa pagiisip ng may tumama sa ulo, patak ng ulan. Ito ang unang beses na naulanan ako sa pagaabang ko dito. Siguro eto na ang senyales na kailangan ko ng tumigil. Dahil hinding hindi ko na mababawi ang lahat. Sana noon ko pa sinabi sakanya na mahal ko siya.

Basang basa na ako ng ulan nang maisip kong umalis na. Siguro hindi na ko muling babalik pa dito. Tatayo na sana ko ng maramdaman kong wala ng tumatama saking patak ng ulan. Inangat ko ang tingin ko.  Ngumiti lang ng mapait sakin ang babaeng nakatayo sa tabi ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak. Binitawan niya ang payong at niyakap niya ko. Ramdam ko ang pag galaw ng balikat niya, umiiyak siya.

Basang basa na kami ng ulan, pero ramdam ko ang init ng katawan niya. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso namin na halos tumalon.

Lumayo siya sakin. Napansin ko ang mugto niyang mga mata. Hinawakan niya ang pisngi ko, at pinunasan ang mga luhang umaagos. Ngumiti siya muli ng mapait. Sa unang beses muli na nakita ko siya ng malapitan, mali pala ako. Malaki ang eyebags niya, bakat na ang buto niya sa pisngi. Problemado siya.

Wala e. Tanga pa din ako. Mahal pa din kita.” At dun sa puntong yun napahagulgol na ko. Matapos ang lahat ng sakit at hirap na binigay ko sakanya. Andito siya sa tabi ko. Nakuha pa din niyang alalahanin ako. Mahal pa din niya ko. Hindi ako karapatdapat pero eto siya, tinanggap ako ulit ng maluwag.

 “I love you, Maxene. So much. Unang beses ko tong sasabihin sayo. Mahal na mahal kita.” Kumunot ang noo niya.

You said that thousand times already, Ian.” Bakas ang lungkot sa boses niya.

Yes. I said it before not coming from my heart. But this time, I swear I really know I mean it. This is what I really feel. I should have told you this before. Para di na nagkanda leche leche. Ang tanga ko.

Mahiba siyang tumawa. “I love you more.” sagot niya.

No. You can't love me more. Di na ko papayag na mas mahal mo ko. Mas mahal kita. Tatandaan mo yan. Di ko man masasabi o mapaparamdam, di man halata.. pero oo sobrang mahal na mahal kita. May pagaaway pa tayo na haharapin.. just hold on to my love. I promise I will do everything not to give you up.. Not to give up on us, on our love. You are all I will ever need, Maxene. Forever.

At ang mga huling salita ang nakapagpangiti sakanya ng napakatamis. Tumingkayad siya at hinalikan ako.

End :)

All I ever needed (ONE SHOT)Where stories live. Discover now