"Friends in Disguise"

216 5 14
                                    

Too much alibis and excuses can destroy someone’s trust, it’s better to be straight forward than to live in a world of lies. Ika nga, mas magandang malaman ang katotohanan sa isang bagsakan, paunti – unti nga  pero unti unti ka naman pinapatay. Mas okei na yung isang bagsakan at least minsan ka lang masaktan.

 

……………………………………………………………………………………………………

 

  Sabi nila sensitive, hot-tempered, childish, snob at masungit ako, oo, aaminin ko, ganyan nga ako, nuong akala ko tanggap na nila ako kasi nagkaroon naman ako ng mga  kaibigan in almost 3 years kahit papaano, akala ko tanggap na nila lahat ng flaws ko, kasi ako tanggap na tanggap ko sila, pero hanggang akala lang pala yun kasi sa huli iniwan at pinamukha nila sa akin na kahit kalian hindi nila ako tinanggap. Sayang, sayang ang 3 years na samahan. Dahil lang ba sa simpleng away nag give up na sila? Ang unfair, ako yung na sa tama ako pa yung naging masama. Sa pagkakaalam ko, hindi naman sila ganyan dati ee. :(

****************************************************************************************

Way back Year 2011.

          Unang tapak namin sa bagong kabanata ng aming buhay. College na kami ! Hindi pa namin alam kung anong course ang kukunin namin sa CSU-SM that time, sabi ng isang close friend ko nung High School, si Michelle “Bakit kaya hindi BSBA ang kunin natin at least wala siyang board exam?” Natatawa nga ako ee kasi takot kami sa Board Exam. So yun nga, kinuha namina ng BSBA na kurso with Claudine, Gea, Joseph, Kernel and Cristel. Si Michelle?? Ayun nagtransfer ng ibang school sa CSU-Caritan, BSBA rin.

          First day of Classes, nakakaba ang pumasok, hindi lang ako, pati din ang mga kasama ko, kc bagong classmate at teacher naman ang makakasalamuha. Bagong classmate, bagong memories na naman ang mabubuo. Ano pa nga ba ang ginagawa kapag first day ng classes?? Syempre, introduce yourself na naman. Kabado ako that time, ako kc yung taong mahilig sa mahabang speech, nakakahiya pero nakaya rin naman. Marami kaming nakilala that time which is naging kaibigan ko na. Sila ay sina Jeric, Kristine, Sheena, Mariel, Christine. Ang saya nga ee. After nung introduction na yun, punta agad kami ng canteen, at duon kami talaga lahat nagkakilala ng lubusan. Smart silang lahat at masaya silang kasama, yun bang makita mo pa lang sila buo na ang araw mo, and minahal ko sila, bilang kaibigan at kapatid.

Ang saya lang kasi every weekend or mahaba habang vacant pasyal pasyal lang ang ginagawa kahit saan, hindi sila nawawalan ng jokes, tawa kami ng tawa that time.

Second Year College na kami.

          Maraming nangyari that year, sina ate abby, sheena, cristel ay nagshift ng ibang course, nahihirapan daw kasi sila sa course namin. Syempre nalungkot kami that time, magcoconflict na ang schedule namin at minsanan na lang namin silang makikita. Pero kahit ganun, okei lang, kasi kahit papaano nagkikita parin namn kami. Ganun pa rin naman ang takbo ng buhay naming hanggang sa matapos ang taon.

Summer na nuon. Kumuha kami ng units naming para kapag 4th year na kami ay wala na kami masyadong ginagawa. Masaya naman kami that time. Ngunit naniniwala ako na hindi lang puro lahat saya ang mayroon sa buhay. Nakakalungkot isipin kasi isa sa mga kaibigan namin ang nawala sa grupo, siya si Christine, nag away kasi kami nuon, lumaki siya ng lumaki, kasi nagagatungan ee. Sabi nga nila, ang away parang apoy, hindi lalaki kung hindi mo gagatungan.

"Friends in Disguise"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum