Chapter 41 - Fix you

Start from the beginning
                                    

Hays, akala ko pa naman sabay kaming kakain ng almusal.

>_>

Looking forward pa naman ako sa breakfast.

Umupo ako sa may dining table at inilapag ang box na bigay niya.

Galit pa kaya siya?

Ni hindi man lang nagpaalam. >_>

***

Kalagitnaan na ng movie na pinapanood ko ng dumating si Andrei.

Nakasuot siya ng 3/4 na long sleeves, stripes na black and white at maong pants.

At ternong naka stripes din ako na blue and white naman.

"Nagusap ba tayo?" natatawang sabi ko sa kanya. Napangiti siya.

"Baka tadhana." sambit niya at napangiti rin.

Hindi ko pinansin ang narinig at tsaka pinatay ang tv.

"San ba tayo pla?"tanong ko pa habang inaayos ang bag ko.

"Secret. Hehe. Basta sana magenjoy ka."

Hindi ko na siya kinulit pa at nadiretso na kami sa kotse niya. Sosyal talaga. Dream car tlaga.

*O*

Nagplay siya ng music at minsang napapakanta siya at npapasabay din ako.

Nagkwentuhan kami tungkol sa school, sa mga professors namin, sa mga subject habang nasa byahe.

Matapos ang halos isang oras, nakarating kami sa isang ecology park.

Ruthven Garden ang tawag dito. Sikat na lugar ito at sobrang ganda daw dito. Napapanood ko lang 'to sa tv ah.

Bumaba kami at nangingiting niyaya ako ni Andrei papasok matapos niyang kunin ang isang basket sa compartment ng sasakyan.

"Niyaya mo ako dito para magpicnic?"

"Alam ko namang matagal mo ng gustong pumunta dito." sagot niya.

"Tanda mo pa 'yun? Tsaka parang isang beses ko lang ata nabanggit sayo ang tungkol dun."

"Recorded kaya lahat ng sinasabi mo sakin." pang-aasar niya.

Tama siya. Pictures pa lang halos matulala na ako dahil sa sobrang ganda at peaceful ng lugar. Lalo na ung sunset.

"Oo na! Oo na! Tara na nga."sambit ko pa at muling npangiti habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin.

Npapaligiran kami ng mga puno at dahil sa okasyon ngayon, puro mga magboyfriend at girlfriend ang nkakasalubong namin.

Ano pa ba ang aasahan?

>_>

Nakita ko ang entrance na may mga nkapilang tao. Ito siguro ang registration. Medyo may kahabaan ang pila. May mga bata, may mga grupo ng kabataan at pamilya rin. Sa pagkaka-alam ko, may kamahalan din ang lugar na 'to. Hmm. Tapos may limit lang ata ang admission nila.

Medyo napabilis ang lakad ko at pumila agad.

Naeexcite naman ako. Makakapagrelax-relax ako dito.

Nilingon ko si Andrei para i-check kung nakapila na din siya pero aba ang bata, tinawanan lang ako.

"Cha, di na tayo kailangang pumila. Nagpareserve na ako."

"Huh? Pwede 'yun?" tanong ko pa at hinila niya ako paalis ng pila. Bahagya namang nagtinginan ang mga kasunod ko sa pila.

Napatango naman siya at naglakad na kami papasok ng gate na npapalibutan ng mga vines. Hinarang kami ng guard pero may pinakita lang si Andrei sa wallet niya at chineck ang mga bag namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Only Exception (Slow update)Where stories live. Discover now