Chapter 2: School Days.6 (Last Part)

1.5K 17 0
                                    

Johan

Quizzes.Tests.LongTests.Projects.Requirements.QuarterExams

FINALLY!! huling araw na ngayon sa school dahil, SEM-BREAK NAAAA! Yes hindi ko na makikita sina Bianca at Jan na magkasama ng almost 1 week! Pero hindi ko pa sure kung ano ang gagawin ko sa sembreak. Walang humpay na shopping?, puntahan si kuya cj sa US?, Mag-party? or CHARITY WORKS! hahaha kasi naman kung shopping... nakakaamad. Puntahan si kuya cj, 2 weeks lang hindi sulit!, kung party.. Hindi ako papayagan ni Jan. Pero who cares? try ko kahit isang beses lang. And charity works! Big yes!! Excited na tuloy ako mag-sembreak

. Pero bago yan, papasok muna ako syempre! ;)

Miriam College, October 29'10, 6:00am

Inagahan ko talagang pumasok. Hindi na ako dumaan ng Ateneo, straight to classroom na ako. As expected, sina Jan at Bianca andun, tinitigan ako ni Jan, tinitigan ko din siya. Ramdam ko sa mga mata niya na gusto niya akong lapitan. Pero andun kasi si Bianca kaya hindi niya magawa. Masyado na siyang nauuto ni Bianca ah! bahala nga siya! Buhay niya naman yun. Umupo na ako sa upuan ko.

 Nagulat ako kasi may note sa desk ko na nakalagay "I'm sorry" Lahat ng kaklase ko tumingin sa akin. Alam ko naman kung kanino galing yun eh. Kay Jan. Pero syempre pa-walang-alam effect muna ako.

 "Kanino toh? baka may umupo sa upuan ko nagkamali ng pinaglagyan ng sorry oh." sabi ko sa kanila. Naririnig nila Bianca at Jan yun. Nakatingin lang si Jan sa akin.

"Walang sasagot? Itatapon ko na toh ha." sabi ko sa kanila. Syempre pinanindigan ko. Tinapon ko yun sa basurahan. At bumalik na sa classroom. Lahat ng kaklase ko nakatingin pa din sa akin.

 "what?" sabi ko nanaman na parang nairita. At yun Thank God inalis na nila yung mga mata nila sa akin.

 Habang si Jan naman tumayo, "Aalis na ako Bianca." sabi niya,

“Bye Jan!!” ngumiting sabi ni Bianca. Halatang nagpapainggit ang malandi.

Pero napansin ko si Jan yung pag-papaalam niya kay Bianca parang malungkot,dismayado,maiiyak. Kung pwede lang sanang habulin siya at sabihin na "sorry jan." Kaso, hindi eh. Ayoko, hindi naman ako ang lumayo sa kanya. 

6:15am

Dumating na si Miss Alonzo. My announcement daw siya. Ako naman hindi mapakali excited ng sobra.

 Ngiting wagas ako ng bulungan ako ni Alex "huy babae!" sabi niya.

 "bakit?" sagot ko naman

"bakit parang ang saya mo? walang problema?" hirit niya.

 "enebe, kelangan ko maging masaya diba sembreak na bukas! eh pag-uwi ko may surprise pa sina mommy at daddy sa akin." sagot ko sa kanya.

 "oh connect nun?" sabi niya

 "eh basta, na-eexcite ako sa iaannounce ni Ms. Alonzo!" ayun at natahimik rin siya.

Morning Routines, at yun nakatayo na si Ms. Alonzo sa amin.

 "Good Morning Class! Since that today will be our last day before our semestral break begins. The administration of the school announced that today, will be a shortened classes." Ano? totoo ba yung narinig ko?

 SHORTENED CLASSES!! WOHOOOOOOOOOOO!

Ang saya naman ngayon!

May dugtong pa si Miss Alonzo, pero at this time nagtagalog siya. "Thank you sa parents ni Johan kasi sila ang nagrequest nun."

Tapos lahat ng classmates ko napa "woooooah" Ako naman kinulit ulit ni Alex "yun pala eh kaya masaya! bakit hindi mo sinabi sakin yun?" tanong niya.

Lucky I'm inlove with my Bestfriend :) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon