TADHANA

12 0 0
                                        

Author's rant: I really don't want to write any Filipino story in here but  I was required to do this as one of the requirements. So since i just can't leave just hanging around my laptop might as well post it and let you guys read it. This is actually inspired by one of the web series i have been watching. Hope you like it. It's a short story actually. Please don't forget to vote and leave your comments.

Isa itong maikling kwento ng pag-ibig. 

- Simulan na natin ang kwento - 

Agusto 9, 2025

Malamig ang dampi ng hangin sa aking balat. Naririnig ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Makulimlim na ang langit na tila nag-aagawan na ang liwanag at dilim. Ako naman ay nakatayo sa gilid malapit sa railings, nakatanaw sa malayo. Nilanghap ko ang sariwang hangin at hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko sa aking kapaligiran. May mga magbabarkadang nagkwenkwentuhan, magpapamilyang sabay-sabay naglalakad at mga magkasintahang magkahawak kamay. Napangiti ako dahil kay saya nilang tingnan, lahat nakangiti at nagsasayahan. Lumingon ako pakaliwa at kanan napabuntong-hininga ako. Nakakailang mag-isa sa ganitong kapaligiran lahat ay may kasama. Napabuntong hininga na naman ako ulit. Parate nalang ba talagang ganito. Palaging ako ang naghihintay? Hindi na ba siya magbabago? Kung sabagay ito ang pinili ko.

Mula sa aking kinatatayuan sa railings ay lumipat ako sa isang bakanteng upuan. Pinagmasdan kong muli ang langit kay ganda talaga nito; ang unti-unting pagkawala ng araw habang unti-unti ring lumilitaw ang buwan.

Maganda sana ito kung nandito lamang siya.

Habang nakatanaw sa malayo napaisip ako kung bakit pinili kong ulitin ang mga pangyayaring ito? Bakit ko ba ito ginagawa sa aking sarili? Ah dahil sa pag-ibig sabi sa akin ni Gina dati.

Nagising ako sa malalim kong pag-iisip ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext. Si Gina pala ang matalik kong kaibigan mula pa sa high school. Besh asan ka ngayon? Agad ko naman itong sinagot. Nasa parke malapit sa dalampasigan sa aming lugar. Bakit? Ilang minuto ang lumipas at tumunog ulit ang aking cellphone. Anong ginagawa mo jan? Naghihintay ka na naman ano? Napangiti ako sa reply ni Gina. Naiimagine kong nakabusangot na naman ito at nakakunot ang noo. Oo. Hinihintay ko si Terence. Alam mo namang anibersaryo namin ngayon. May pupuntahan daw kami eh. Pagkasend ko ng reply ilang minuto lang ay sumagot na ito agad. Late na naman ang mokong noh. Hay besh! Ewan ko ba sa iyo. Paulit-ulit lang naman yan eh. Wala ka bang planong baguhin yan? Pagkabasa ko sa text ni Gina ay napabuntong hiniga ako. Hindi ko na ito sinagot at ipinasok nalang sa bag ang cellphone.

Baguhin? Bakit hindi ko baguhin? Napangiti ako ng kaunti. Gina matagal ko na itong binago. Habang iniisip yun ay dinala ako ng aking alaala 10 taon na ang nakararaan.

Marso 13, 2015

Nagising akong masakit ang aking katawan. May maraming nakatusok sa iba't ibang bahagi at may oxygen mask na nakatakip sa aking bibig. Nang ipihit ko ang aking ulo sa gilid nakita ko ang aking inang natutulog. Hirap na hirap akong igalaw ang aking mga kamay ngunit makalipas ang maraming pagsubok ay naigalaw ko rin ang aking mga daliri. Hinaplos ko ang ulo ng aking ina. Agad siyang nagising at pagkakita sa aking ay gulat na gulat ito at agad na humagolgol.

"Shiela, Shiela.. anak sa wakas ay gising ka na rin." Yun lamang ang paulit-ulit niyang sinasambit habang hinahaplos ang aking mukha. Agad na tinawag ng aking ina ang mga doktor at nurse. Agad naman akong sinuri ng mga ito at makalipas lang ng ilang oras ay tinanggal na nila lahat ng nakakabit sa akin na may kunot sa noo dahil sa sobrang pagtataka.

"Misis himala talaga ang nangyayari sa inyong anak ngayon. Kagabi lang sinuri namin siya ngunit hindi ganito ka ganda ang resulta ng mga exam niya ngunit ngayon masasabi ko nang ilang linggo lang ay maaari na siyang lumabas." Puno ng pagkamanghang saad ng doktor. Panay ang pasasalamat ng aking ina sa Diyos pati na rin sa mga doktor dahil sa himalang nangyari.

TadhanaWhere stories live. Discover now