CHAPTER 3

403 22 2
                                    


CHRISTINE POV'S...



"Red??" Bumukas ang pinto at nakita ko si Red. Umatras kami ng unti.


"Bro gus--" sabi ni Gab ng biglang magsalita si Red.




"Hindi mo siya pwedeng kunin. Dito lang siya sa akin." Sabi niya ng seryoso at tumingin kay Gab tapos tingin sa akin.




Humakbang siya palapit sa akin. Tiningnan niya ako sa mata, ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.



"Christine..please dito ka lang. Dito ka lang please... gagawin ko ang lahat basta dito ka lang." Sabi niya sa akin.




Nakaramdam na lang ako ng saya. Parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang saya. Niyakap ko siya pabalik at nagsimula na akong umiyak.





"Salamat Red." Sabi ko sa kanya. Binitiwan niya ako tsaka siya humarap kay Gab na nasa likod niya lang.






Bigla siyang lumuhod sa harap ni Gab. Tsaka yumuko.





"Gab please... wag mo siyang kunin sa akin." Umupo ako at hinawakan ko ang magkabilang braso niya.





"Red.. tumayo ka diyan." Bulong ko sa kanya. Pero ayaw niyang tumayo.





"Gab, mahal ko si Christine. Mahal na mahal. Kaya kung pwede lang... kahit ako na ang maging ama ng bata. Aakuin ko na lang ang bata. Wag mo lang kunin sa akin si Christine... Please Gab." Sabi niya habang nakaluhod sa harap ni Gab.





Umiiyak na siya. Nakikita ko ang mga patak na luha na tumutulo at napupunta sa sahig.





Umupo si Gab sa harap ni Red para magpantay sila.





"Bro... kahit na gustong gusto ko si Christine... alam kong kaibigan niya lang ako. At hanggang doon lang ako. Dahil nirerespeto ko kayo. Lalo na ngayon at alam ko nang hindi mo susukuan si Christine." Sabi niya.




Napatingala si Red. Tapos tumayo si Gab. Kaya tumayo na rin kami.





"Anong ibig mong sabihin??" Takang tanong ni Red.





"Bro... prank lang ang lahat. Hindi totoong buntis si Christine." Sabi niya na parang natatawa. Tinapik niya pa sa braso si Red.





"Ano?" Sabi niya tapos humarap sa akin.





"Sorry love. Napagtripan lang ka kasi namin. Sorry talaga love." Sabi ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit.





"Huh??" Tanging sabi niya.





Binitawan ko siya tapos hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin ako sa mga mata niya.






"Love hindi ako buntis. Ito kasing si JM. Sabi niya makakatulong daw sa akin ito kung gagawin ko. Kaya... nagpapasalamat ako kasi maganda ang naging resulta ng prank." Sabi ko.





"So... hindi ka buntis." Sabi niya. Tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.





"Oo nga. Ano ba yan love, ang hina mo." Sabi ko sakanya.





"Sorry rin Red. Ang gusto lang talaga namin, ay malaman kung hanggang saan o hanggang kailan mo kayang ipagtanggol tong kaibigan namin. Sorry talaga." Sabi ni JM. Sabay peace sign.





"Talaga." Sabi niya. Tapos tumalon talon pa siyang parang bata.





"Akala ko pa naman may magiging kahati ako sayo." Sabi niya na tuwang tuwa.





Bigla niya akong niyakap nga mahigpit.




"I love you.. i love you.. mahal na mahal kita." Sabi niya sa akin.





"Ahh... excuse me lang ha?? Masyado kasi kayong sweet. Pwede ba.. tigil tigilan niyo yang ginagawa niyo." Sabi ni Alex.




"Kaya nga. May mga bata kaya dito." Sabi naman ni Tiffany.





"Oo na." Sabi ko sa kanila.





Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tapos hinawakan niya ang kamay ko.





"Basta love, kahit anong mangyari mahal na mahal kita." Sabi niya.





"I love you love." Sabi niya.





"I love you too." Sagot ko sa kanya.




"I love you more." Sabi niya ulit.





THE END...

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N
Comment and vote... thank you

The Prank Where stories live. Discover now