Ikaw pa rin - 49

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey... What's wrong?" Bulong ko malapit sa tenga niya. Humigpit yung yakap niya sakin. 

"Chris? Paano...Paano kung mangyari rin sa akin yun? Baby..." Sabi niya at humagulgol. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Erika, hindi. Okay? At ano naman kung mangyari din yun sayo? Nandito naman ako, Ba." 

Tumingala siya sakin at nakita ko yung mga luha na patuloy na tumutulo sa mga pisngi. Umiling iling siya. 

"No, Chris. Hindi yun eh. Paano kung may naiwan din akong tao sa past? Paano kung yung taong yun ay naipangakuan ko rin ng...ng..." Hindi niya tinuloy yung sinabi niya at nagiiyak lang. Kinulong ko yung mukha niya sa mga palad ko. Habang siya naman ay nakayakap pa rin sa bewang ko. 

"Hey baby, listen. Kahit may amnesia o  magkaron ka man nun, hinding hindi kita iiwan. Hell. Wala akong paki kung may naiwan ka mang tao sa nakaraan. Wala akong paki. Ang mahalaga sakin ngayon ay ikaw. Iyong present natin. Kaya, wag ka na mag overthink, okay?" Tumango tango siya sinabi ko. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. 

 "I love you, Chris." 

"I love you more, baby. Forever." 

--- 

Ang mga nakaraang araw ay naging isang malaking pagsubok samin ni Erika. This time, tinotoo na ni tito Albert na paglayuin kaming dalawa. 

Bawal na akong pumunta sa bahay nila, bawal ko siyang ihatid sundo, bawal kaming makita na magkasama sa school... Pero buti na lang, hindi pa kinukuha ni tito yung phone ni Erika. Doon na lang kami nakakapagusap pero minsan nakikita kami ng palihim. 

Pero ngayong araw, may kakaiba. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagrereply sakin si Erika. And shit, I'm fcking worried! 

Nakailang tawag na rin ako sa kanya, pero wala. Magga-gabi na pero wala pa rin akong na narereceive na tawag o text mula sa kanya. 

Nanlulumo akong umupo sa kama ko.  Lord, tulungan niyo kami ni Erika...  

*Babyyyyy! I love youuuuuu!* 

Napatalon ako ng marinig yung recorded voice na yun. Si Erika yon at yun ang inassign ko na alert tone pag siya na ang tumatawag at nagtetext. 

Yung pagalala sa puso ko kanina... Ngayon, napalitan na ng saya. 

"BABY! Anong nang------" Agad na sabi ko ng sagutin ko ang tawag niya. 

Tumigil ako sa pagsasalita ng ibang boses yung sumagot sakin. 

"Chris?! Si Julia to! Nalaglag ata to ng bodyguard na kasama niya kanina, pero hindi yun yung importante. Aalis siya mamayang seven p.m! Hindi nila gagamitin yung private plane nila. Kaninam habang nandito sila, binigyan ko siya ng phone na parang relo. Itetext ko sayo kung ano yung number nun. We're counting on you. Team ChrisKa kami eh." 

Hindi ako nakapagsalita. Gulat na gulat ako sa mga pangyayari. Aalis? Bakit?! 

Tinignan ko yung oras sa wristwatch ko, 6:15 pm. Aabot pa ba ako neto? Umiling ako. Kung hindi ako aabot, bahala na. Basta kailangan kong matakas si Erika.

Kinuha ko yung leather jacket to at sinuot ko to. Lumapit ako sa side table ng kama ko at binuksan yung drawer. Kinuha ko yung susi ko dun. 

Pumunta ako agad agad sa garage namin. Lumapit ako sa isang sasakyan na may takip. Tinaggal ko ito at napangisi. Isang Ducati 848 EVO Dark ang gagamitin ko ngayong gabi. 

"Hi sweetie, I missed you." Bulong ko at sumakay na sa motor. 

Wait for me, baby. Wait for me. 

__________________________________________________

Sorry for the long wait! 

Follow me on twitter: @PaulineTanio && @hdibwattpad

Wechat: erickatanio 

VOTE. COMMENT. SPREAD THE LOVE. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon