Ikaw pa rin - 49

86.1K 1.3K 125
                                    

Christian's POV 

Hinaplos ko yung mukha ni Erika at kiniss niya sa noo. Kasalukuyan siyang natutulog sa balikat ko ngayon. 

Sobrang nagalala talaga ako kay Erika nung malaman kong dinala si Julia sa ospital. Malamang sa malamang, siya yung sobrang naapektuhan. Best friend niya, eh. 

Naramdaman kong gumalaw si Erika. Unti unti siyang nagmulat ng mata at tumingin sakin. Kinushot kusot niya pa ang mga mata niya. Napangiti ako, ang cute cute talaga ng girlfriend ko. Sa tingin ko, hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay kung mawawala siya sa tabi ko. 

"Chris?" Mahinang sabi niya. Umayos siya ng upo at tumitig sakin. 

"Yes, baby?" 

Yumuko siya at mas lalong sumiksik sakin. Nasa bewang niya yung mga kamay ko kaya mas lalo ko din siyang nilapit sakin. Hinawakan niya yung laylayan ng tshirt ko at pinaglaruan ito. 

"Uhmm... Kamusta si Julia?" Ngumiti ulit ako. Sht, para na akong bakla.

Nilapit ko yung ulo niya sakin at kiniss siya ulit sa noo.

"She's fine, baby. Don't worry. Actually, nasa isang private room na siya. Tara na?" Tumango siya bilang sagot.

Tumayo na ako at nilahad ko yung kamay ko sa kanya. Agad agad rin naman niya itong kinuha at ngumiti sakin. Ngumiti din ako pabalik. 

Yan ang mas gusto ko kay Erika, yung nakangiti. Ayokong nakikita siyang umiiyak, kasi para akong mamatay pag nakikita ko siya sa ganung sitwasyon. 

--- 

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Erika, agad agad siyang tumakbo papunta kay Julia. Tumango naman ako kay Diego na nasa tabi ng kama ni Juls. 

"Pinagalala mo akong bruha ko! Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Erika kay Julia.

"Naalog yung utak ko bes." Seryosong sabi ni Julia. Samantalang yung baby ko naman, ayun... Tawa ng tawa. Napailing na lang ako habang nakangiti. 

"Sus! Wag ka ngang nagbibiro jan!" Sabi ni Erika sabay hampas kay Julia. 

Nakita kong may binulong si Julia kay Erika na nagpatahimik dito. Tumingin ako kay Erika at nakatingin siya sakin. Gets ko na. Ngumiti ako sa kanya at lumabas na. Kailangan nila ng oras magusap ng bestfriend niya kaya hahayaan ko muna siya sa loob.

 Alam ko na naman yung nangyari kay Julia. Sinabi sakin nila Tita kanina habang tulog si Erika.

"Chris." Tawag sakin ni Diego. Di ko namalayan nandito na pala siya sa tabi ko.

"Bakit?" 

"Feeling ko... Siya yung------" Hindi na natuloy ni Diego yung sasabihin niya dahil biglang bumukas yung pinto at agad agad na lumabas si Erika.

Tumayo ako para salubungin sana siya kaso, siya na yung kusa na lumapit sakin at niyakap ako sa bewang. Niyakap ko din siya pabalik. Lumingon ako kay Diegs, tumango siya sakin.

"Next time na lang bro." He mouthed. 

Binaling ko yung atensyon ko sa babaeng nakayakap sakin. Hinaplos ko yung buhok niya. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon