GAB'S POV: 





Katatapos lang namin kumain ng mga kadepartment ko. Hindi din naman ako masyadong nakakain kasi hindi mawala sa isip ko yung itsura ni VINCE nung umalis sya kanina.

Wala naman talaga akong balak sumama dito, gusto ko lang malaman ang magiging reaction ni VINCE. Kung TOTOPAKIN ba sya? Yun yung ineexpect ko kaso HINDI nangyari. Nasasaktan ako kasi alam ko na nasaktan ko sya. 

"tara punta na tayo sa PADIS.. alas nuwebe na" 

Sa may RSM Calamba kasi kami kumain.. sa medyo tapat nun yung PADIS POINT. (casper :hindi ko lang alam kung bukas pa yun.. ang tagal ko ng hindi nakapunta dun..hahaha) 

"guys kayo na lang, medyo masakit ang ulo ko hindi din ako makakapag enjoy" 

"ganun ba? Hatid na kita GAB" 

Tinanggihan ko ang alok ni Paul na ihahatid ako. Malapit lang naman ang bahay ko. May kinuha akong bahay para malapit sa trabaho. Naisip ko na yung ibabayad ko sa pag rent ng boarding haus sa bahay ko na lang ihuhulog.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa Jollibee, di ba sabi ko hindi ako masyadong nakakain kanina. Halos dalawang subo nga lang yun. At ngayon ko naramdaman na gutom pala ako. Grabe VILLALUZ ang ginagawa mo sa akin. 

Pagdating ko ng bahay. Nagulat ako kasi andun yung sasakyan nya. Pero wala naman sya dun. Pagpasok ko ng gate andun sya busy sa paglalaro ng DART sa may terrace. Siguro umakyat lang sya sa bakod para makapasok, 

kung katulad nya ang akyat- bahay kahit gabi gabi siguro nya akong akyatin. Ansabeh naman? hahaha

Hindi nya napansin na dumating ako busy talaga sya sa paglalaro, kaso LIMA sa tira.. WALA talagang TINAMAAN. Laglag sa sahig lahat. 

"Grabe VINCE.. Wala ka man lang TINAMAAN? Ang laki laki nyang board" 

Nagulat sya sa pag imik ko. Pero yung itsura ng mata nya ganun pa din katulad kanina nung iwan nya ako. Nasaktan ko ba talaga sya? 

"Masisisi mo ba ako? IKAW lang ata ang TAMA sa buhay ko" 

Seryosong sabi nya. Ayaw ko na ganyan sya. Mas gusto ko na tinotopak na lang sya kesa ganito na alam ko na nasasaktan sya.Pagtira nya nung huling PIN. BULL'S EYE. 

"IKAW lang din ang kailangan ko para maging TAMA ang buhay ko. Ang laki lang ng TAMA ko sayo. TAMANG TAMA dito" 

Pagharap nya hawak hawak nya yung tapat ng puso nya. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun? Nasasaktan na nga sya pero nagagawa pa rin nya akong pakiligin.

At hindi ko din alam kung anong meron sa akin. Nasasaktan ako kasi nasaktan ko sya pero hindi ko din maiwasan na hindi kiligin. 

"alam mo naman kung saan yung spare key ng bahay hindi ka pa PUMASOK kumain ka na ba? Buti dalawa tong dala ko" 

Nilampasan ko na lang sya. Hindi ko talaga kaya na makita sya na ganyan.BAkit nga ba sya dito sa may terrace tumambay pwede naman syang pumasok sa bahay ko, o sa puso ko o sa buhay ko o kahit anung pagpasok pa ang naiisip nyo.

Ang lakas mo lang talaga sa akin VINCE MICHAEL VILLALUZ. 

......................................................................................... 

Kagabi ko lang nalaman yung sa WATTY AWARD. Pagbukas ko sa FB page nila. Tiningnan ko yung mga previous post. May nakita akong isa na nagnominate sa akin sa "PERVERT WRITER OF THE YEAR" ang tawa ko naman..hahaha 

Hindi ko alam kung kailan ang UPDATE. Ayaw kong mangako kasi lasing akong uuwi sa sabado ng umaga.hahaha Sinong taga Laguna kitakitz sa PUERTO PANSOL sa friday ng gabi.hahaha 

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon