I Was Kidnapped

10.3K 388 51
                                    

I wrote this story way back 2012. Kaya sorry in advance because ang corny nito, swear. Ayun. Valentine's Gift ko sa inyo. Kroo kroo. Sorry corny talaga 'to.

Happy Valentine's everyone!

Credits to threestarstothesun for the cover <3

-

I Was Kidnapped

by towaitforeternity

Book cover: Xuan loc Xuan

-

"HAPPY BIRTHDAY AMETHYST YU!" sigaw ng barkada ko.

Nasa isang bar kami ngayon. Reserved para sa amin ang buong bar. Ang layo nga nito mula sa amin e. Hindi ko din alam kung bakit dito nila naisipang magcelebrate e, ang dami dami namang bar sa Manila. Weird talaga ng mga 'to. Pero thankful parin ako sa kanila. Since highschool nandyan na sila, hanggang ngayong nakagraduate na kami, nandyan parin sila.

"Amethyst! Nasaan si Travis?" tanong ni Shelly na sumisinok-sinok pa dahil sobrang daming nainom. Apat na oras na kaya kami dito.

Napairap naman ako sa kawalan dahil sa tanong niya. Hindi ko nga alam! Never niya akong hinayaang magbar nang hindi siya kasama! To think na birthday ko ngayon at wala siyang regalo?! Okay lang naman na wala siyang regalo pero nag-expect parin ako e.

"Hindi ko alam." Walang gana kong sagot at kumuha ulit ng isa pang bote ng beer.

"Baka nambabae na!" sabi ni Michelli kaya tinignan ko nang masama. "Joke lang." biglang bawi niya.

Travis Villanueva, 20 years old. 6 years ko nang boyfriend. Gwapo, matangkad, mabait, matalino, suplado sa babae, campus crush since highschool. Mahal ko. Mahal ako. First girlfriend niya ako, first boyfriend ko siya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.

Tinignan ko ang barkada ko. Para silang mga baliw na nagkakantahan habang umiinom. Lasing ba talaga sila? Hindi sila namumula or what. Kung hindi lang sila ganyan kumilos, iisipin ko talagang hindi sila lasing.

"Ilang taon ka na ulit, Amethyst?" tanong ni Paolo.

"Lasing ka ba?" Ang shunga lang ng tanong, Amethyst? "Malamang 20 na." sabay irap ko.

"Sungit."

Di ko nalang siya pinansin. Ugh! Travis, where are you now?! Di ako sanay na wala ka sa tabi ko ngayong birthday ko pa!

Lumingon ako sa orasan sa bar at nakita kong 3am na.

"Oy mga baliw, di pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanila.

"3am na pala?" sabi ni Lea sabay hagalpak ng tawa.

Mga baliw talaga.

-

"Bye Amethyst! Uwi na kami! Happy Birthday! Salamat sa libre!" sabay sabay nilang sinabi. Nagpractice?

"Gusto mong sumabay pauwi?" tanong ni Paolo habang nakaturo sa sasakyan niya.

"Ayoko nga. Mabangga pa tayo. Sasakay nalang ako diyan sa kanto. Mag-ingat kayo mga baliw!"

"Ikaw ang mag-ingat! Baka makidnap ka diyan!" sabi ni Michelli na binatukan ni Shelly. "Joke lang ulit."

Hinintay ko muna silang umalis bago ako tumalikod at naglakad. Grabe. Ang dilim. Hindi naman ako matatakutin. Sadyang madilim lang talaga. Walang kailaw-ilaw sa mga poste. Shete. Dapat pala sumabay na ako sa kanila. Bakit ba kasi ang layo pa nang bar na 'to?!

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero tumigil ako nung nakarinig ako ng footsteps. Lumingon ako pero wala namang tao. Err...baka guni guni ko lang.

Nakarinig ako ng tatlong yabag ng mga paa.

I Was KidnappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon