9: First Performance

155 6 3
                                    

Konni. This story will only span in about 15-20 chapters. Sa totoo lang isa ito sa pinakamahirap na nobelang isunusulat ko kaya matagal akong magupdate. I want it to be more realistic kasi. Kaya ang hirap talagang mag-isip. Pero sa mga sumusubaybay sa storyang ito. From the bottom of my hypothalamus maraming, maraming salamat po. Pic po ng SCANDAL yan waaaaay baaaaack 2006, napakabata noh? 15 palang si Rina nung time na yun;3

Xoxo,

CHiZUMi

---

Tomomi’s POV

“Narinig niyo ba ang bagong drummer na yun?”

“Palibhasa kasi puro mga magagaling na senpais ang kasama niya.”

“Sino ba naman ang hindi suswertihin kapag nakuha mo sina Mami-senpai at Haruna-senpai.”

“May pagkasipsip din yun ah.”

“Hindi naman masyadong magaling eh.”

     Dinig na dinig ko ang pagchichismis at pangungutya ng mga kapwa namin musicians sa restroom. Alam ko na sa una pa lang si Rina na ang tinutukoy nila. Hindi muna ako lumabas ng cubicle, baka kung ano’ng trobol pa ang sasalihan ko kung ipagtatanggol ko si Rina. Hindi naman sa plastic akong kaibigan, pero mas mabuti pa na manahimik na lamang ako. Nang marinig ko na lumabas na sila ng restroom, tsaka ako lumabas ng cubicle at tinignan ang sarili ko sa salamin.

     Hindi man ako ang pinaka-magaling na bassista dito sa buong Caless, alam ko sa sarili ko na I’m trying my best. Hindi rin kasi ako stand out dito, hindi kagaya nina Haruna at Mami na tinitingala ng mga estudyante. Naghugas ako ng kamay at inayos ang uniporme ko at ang buhok ko. Pagkatapos nun, lumabas na rin ako ng restroom.

     Tinext ako ni Mami na nandun daw sila sa labas. Hinanap ko sila at nakita ko naman sila na nagchichikahan sa ilalim ng puno ng sakura na nauupos na ang mga dahon. Panahon kasi ng taglagas ngayon. Napatingala ako sa mga nalalaglag na mga dahon ang ganda tignan, kahit na nakikita ko ito taon-taon wala pa rin tatalo pag nakita mo ito sa personal. Umupo ako sa tabi ni Mami at mukhang busying-busy ata ito sa ginagawang assignment niya.

“Sa Caless ba yan?” Tanong ko.

Umiling siya, “Sa school namen ito,” aniya. Tumango naman ako.

     “Ummm… Sabi daw ni Sir Hirano mag-praktis daw tayo kasi gusto niya raw tayo tumugtug dun sa isang bar ng kakilala niya.” Sabi ni Haruna. Napalaki naman ang mga mata ko. “Anuka mo!?” Excited na tanong ko. “Bar? Eh diba pangmatanda lang yun?” Medyo nagtatakang tanong ni Rina. “Music bar yun, Rina. Ibang bar na ang nasa utak mo eh,” sabi naman ni Mami na patuloy pa rin sa paggawa ng assignments niya. “Sabi ni Sir Hirano sa susunod na linggo daw tayo magsisimula. Sabado mga alas siete ng gabi.” Nakita ko ang excitement sa mga mata ni Haruna, kaya hindi ko rin mapigilang ma-excite.

 1 week later…

     Una akong bumaba ng bus at tinignan ang paligid. Malinis naman kaya lang medyo madilim. Bar nga siya talaga. Tas’ sa gilid ng main entrance may maliit na stage. “Haaay!!! Ang lamig!!!” Niyakap ni Rina ang sarili. Malapit na kasi ang panahon ng taglamig kaya naman doble-doble ang suot naming damit ngayon.

“Sir Hirano, saan po kami mag-peperform?” Tanong ni Mami.

“Sa loob po ba?” Pahabol naman ni Haruna.

     Umiling si Sir Hirano at inakbayan kaming dalawa ni Haruna. “Since bago pa lang kayo… Pagtiisan niyo muna jan.” Tinuro niya ang maliit na stage na kanina ko pa tinititigan. “Diyan!?” Sabi ko. “Eh ang lamig-lamig eh! Gusto mo bang makakuha kami ng flu?” Sumangayon ang iba kong kasama sa mga sinabi ko. Pero mukhang tuwang-tuwa pa si Sir Hirano. Ginagago niya ba kami? O baka may iba pa siyang balak aside sa pagbabanda namin? Oh-eem-gee, naku po huwag naman sana. He’s not the kind of person who would do that.

“Nasa likuran niyo ang makina ng heater sa loob kaya alam ko hindi talaga kaya mapapano.”

     Since mukhang wala naman kaming choice nagsimula na kaming mag warm up sa loob ng bar. Sa likuran kami, sa bahaging pinaglalagyan ng mga pagkain kaya medyo mainit dun. Pinilit ko lang na hindi makatulog dahil sa sarap ng amoy. Nang matapos ang kalahating body at voice warm up namin, lumabas na kami. Nagulat naman ako ng may nakita akong tarpaulin dun sa may stage.

“Minna-san! Please watch an all girl band will perform today! They’re really good!”

     “Eh?” Sabi ko. Umirap si Mami, “Nag-abala ka pa talaga ha?” Aniya. Tuwang-tuwa si Sir Hirano at pumalakpak pa. “Para naman may exposure kayo noh,” sabi niya. Pumunta na kami sa puwesto namin at nagbigay na ng signal si Rina. 1, 2, 3… Kumunta lang muna kami ng isang cover song, hindi pa kasi kami nakapag-compose eh. Pero narinig ko na may isinusulat daw kanta si Rina. Matapos ang kantang yun ni wala man lang tumigil sa mga dumadaan para panuorin kami.

“Ano ba yan. Sir Hirano, wala naman pong nanood eh!” Pag-rereklamo ko. “May pa exposure pa kayong nalalaman. Eh dinidedma lang tayo ng mga dumadaan. I’m sure naiingayan na yun sa amin.”

     Palibhasa kasi si Sir Hirano lang at yung manager ng bar ang nanood sa amin. Nadagdagan lang yun ng maki-nuod din ang may-ari na daw talaga ng bar na mukha naman atang pedophile. Pangiti-ngiti pa siya habang pinapanuod kami. “Mukha ata manyak pa yung may-ari ng bar.” Bulong sa akin ni Haruna. Tumango naman ako. Mabuti nalang nakapantalon kaming lahat dahil kung nakapalda kami. Sapul talaga!

“Hindi naman lahat ng first timers successful eh! Ituloy niyo lang yan. May manonood din sa inyo!” Sabi ni Sir Hirano sabay inom ng beer na nasa can. Nagsasayang lang kami ng oras dito eh! At tsaka ang lamiiiiiiggggg!!!!!!!!

     Tumugtug ulit kami. Pangalawang kanta na ito, tatlong kanta kasi ang napagkasunduan naming tugtugin. Naku! Pag wala pang manonood sa amin, aba eh ewan ko nalang! Magwawala na talaga ako! Napangiti ako ng may couple na tumigil para panuorin kami, ngunit wala pang limang minuto umalis din ito. Argh!!! Ba’t ayaw nilang manood. Nang malapit ng matapos ang kanta, may tatlong tao na nanonood sa amin. Hindi sina Sir Hirano ah.

Ngumiti naman ako ng pumalakpak ito.

     Uminom muna kami ng tubig at nagpatuloy na sa pagtugtug. Last song nalang ito, sana man lang madagdagan ang audience namin. Sa kalagitnaan ng kanta namin, medyo dumami din yung audience. Kaya natuwa naman ako at ibinigay pa ang best ko, pero napa-wow talaga sila ng mag-solo si Mami sa isang part. Natapos naman ang kanta sa mga beatings ni Rina. Nagpalakpak naman sila at yung iba nga nag-lagay pa ng barya sa dulo ng stage namin.

“Uhm… Maraming salamat po! Pinasaya niyo po talaga kami sa kauna-unahang street performance namin. Sana pos a susunod manonood pa rin ho kayo. Thank you po talaga, at magandang gabi pos a inyong lahat. I hope you enjoy your night.” Pagpapasalamat ni Haruna tas’ nag-bow eto. Nag-bow na rin kami para makita ng audience namin na nagpapasalamat kami.

     Nang matapos namin ang performance na yun, ni-libre na kami ng hapunan ng may-ari ng bar. Mabait naman pala siya eh, kahit na hindi mo minsan maiwasan na mukha siyang pedo. Pero e set aside na natin yun! Ang mahalaga nakapag-perform kami!

“Para sa unang performance natin!” Itinaas ni Sir Hirano yung baso niya.

“Kampai!!!” Sabi namin at nag-cheers.

     Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita ka na ng ibang tao na nag-peperform. Para mo na ring natikman ang katas ng pag-eensayo mo. Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti sa nagawa naming achievement ngayong araw. At yung palakpak ng mga tao, dinig ko pa din. Alam ko hindi ito ang huling concert namin, marami pa ang dadating.

“Huy, Tomo-chan! Kanina ka pa tulala jan ah?” Bumalik ako sa realidad ng sikohin ako ni Rina sa braso.

     Napakamot ako sa ulo, “Ah, hehehe… Nag-iisip lang.” Sagot ko. Doon ko nalaman na naka-ready na pala ang isang staff ng bar na kumuha sa amin ng litrato. Una, kaming lima included si Sir Hirano tas’ yung ikalawang kuha kaming apat nalang.

“1, 2, 3… Smile!” Ngumiti ako pagpitik ng camera.

Gaya nga ng sinabi ko hindi pa ito ang huli.

Dahil ito pa lamang ang simula…

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now