Pang labing-isa: ALAGHON

1.9K 56 1
                                    

ALAGHON

Huminto ang sinasakyan naming kalesa sa isang lugar na hindi talaga pamilyar sa akin.

Malamang! Ano nga bang alam ko sa lugar na ito? Wala.

Ngunit kapansin-pansin na kakaiba ang lugar na ito. Parang lugar na abandunado na. Dahil wala man lang akong makitang bahay na maayos.

Bumaba si Lawson mula sa kalesa at inalalayan niya ako pababa. He hold my waist and bring me down. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o tatanungin kung nasa'n kami.

Pinanood kong itali niya ang kabayo sa isang puno. Inilagay ko ang takas na buhok sa ilalim ng aking tainga at napahawak sa aking tiyan.

Nagugutom ako!

Lumapit sa akin si Lawson.

"Dito muna tayo mag pahinga," aniya at pumasok sa isang bahay na abandunado na.

Pag kapasok namin sa loob ay dumeretsyo kami sa isang gilid at may kung anong ibinaba doon si Lawson at nakita ko ang pag bukas ng isang daan pababa.

Underground?

Isang madalim na paligid ang tumambad sa akin. May kung anong ginawa si Lawson na hindi ko na nakita pa at nag karoon ng kaunting liwanag sa paligid.

Umupo si Lawson sa ibaba. Napatingin ako sa paligid at nakita kong may isang malaking kama lamang, maliit na drawer at mas maraming gamit pang-laban.

Napatingin ako ka agad sa tiyan ko ng tumunog ito ng malakas. Tf?!

"Hmm..." nahihiyang sambit ko. He looked at me at umawang ng kaunti ang kanyang labi.

"Kukuha lang ako ng makakain sa labas, ayos lang ba kung prutas muna?" aniya at umiling ako.

"Hindi, huwag na. Mag pahinga muna na lang tayo. Mas kailangan natin mag pahinga muna," sambit niya.

"Mas kailangan natin ang kumain, dito ka lang huwag kang a-alis dito," sambit niya.

He stood up ans went outside.

Napabuntong hininga ako.

Muling bumalik sa isipan ko si Affiana. Yung mga katagang binitawan niya ay paulit-ulit na nag re-reply sa utak ko. Lahat ng sinabi niya ay hindi ko maunawan maliban sa sinabi niyang kailangan naming umalis.

Sa mga sinabi ni Affianna, mas lalong lumalakas ang katibayan na may kamukha nga ako sa mundong ito at akala nila ako iyon. Iyon lang ang naiisip kong dahilan.

Iyon nga lang ba talaga o meron pa? Ngunit saan ako mag u-umpisa? Nasa umpisa na nga ba ako o nasa kalagitnaan pa, kaya't hindi mabuo-buo ang puzzle na ito?

Akala ko college lang ang nakakamatay. Ito rin pala.

Ilang minuto rin akong nag hintay sa pag babalik ni Lawson. Nakabalik naman siya ng maayos at may dalang mga prutas.

Tinulungan ko siyang ilagay ang mga prutas sa isang lamesa at dahil sa gutom kinain at binalatan ko na ka-agad ang saging na dala niya.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik at kumuha sa drawer ng sapin at inilatag sa ibaba.

"Jan ka na sa kama matulog, dito na ako sa baba." aniya at nahiga na sa baba at tumalikod sa akin. I pouted.

"Kumain ka," sambit ko ngunit katulad kanina ay hindi pa rin siya kumain.

"Kung hindi ka kakain, edi sana pala iniligtas na natin si Affianna diba? Gusto mo bang mamatay jan ng maaga?" sambit ko, dahil hindi na napigilan ang sarili dahil sa inaasta niya.

GENASIWhere stories live. Discover now