Pang labing-isa: ALAGHON

Start from the beginning
                                    

Doon ko nakuha ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin gamit ang matalim niyang mga tingin na nag pa kaba sa'kin ngunit pinigilan ko ang sarili ko at lumaban sa mga titig niya.

"Hindi matutuwa si Affianna sa ginagawa mo, kaya kumain ka na dito." alok ko sa kanya at binalatan na ang isang saging at ini-alok sa kanya.

Napangiti ako ng dahan-dahan niyang kunin ang saging sa kamay ko.

Sus! Pakipot pa!

Sabay kaming kumain. Halos naubos rin naming dalawa ang saging na dala niya. I looked at him. Ngayon ko na lamang uli nakita ng malapitan ang mukha niya.

He's the reason why my world is different, ngunit hindi niya iyon maalala and I don't know why. Is there any possible na maalala pa niya iyon? Kung paano niya ako kinausap aa mundo namin upang dalhin dito sa mundo niya?

Paano kaya kung hindi ako sumama sa kanya? Ano kayang ginagawa ko sa mundo namin ngayon?

Hindi ko alam kung anong misyon ko dito sa mundo nila ngunit isa lamang ang sigurado ako. May kinalaman ito sa pag katao ko at kay Lawson.

--
I woked up because of the birds hymn. I just realized na tanghali na pala dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa aking gilid at wala na doon si Lawson.

Siguro ay lumabas para mag hanap ng makakain?

I stretched my arm, hindi pa rin ako nag papalit ng damit. Paano kaya kami mag papalit?

"Gising ka na pala," dinig kong ani ni Lawson. I nodded.

"May pamalit jan sa lalagyan at nanjan na rin ang mga gamit na kakailanganin mo, nagluto narin ako ng tanghalian," sambit niya at napatango naman ako.

"Nasa labas ang banyo," aniya at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

Lumapit ako papunta sa maliit na drawer at nakita kong may mga damit nga doon na maari kong isuot at mga iba pang kagamitan.

Mukhang bago naman ang mga ito kaya wala dapat akong ipag-alala.

Nag palit ako ng damit at nag ayos ng sarili. Lumapit ako kay Lawson sa may maliit na upuan--isang putol na sanga ng puno.

Naroon narin ang iniluto niyang pag kain. Inihaw na manok at may niyog rin na magiging tubig namin.

Geez. Nakakahiya!

Dapat pala gumising ako ng maaga para matulungan siya sa pag lu-luto.

Selene's P.O.V

The night of celebration.

"Ano? Lumabas sila at hindi man lang nag bigay ng simbolo si Kuya Lawson?" nag tatakang tanong ko kay Kuya Drix. Napatingin ako sa dami ng kawal na ngayon ay hinahabol sila Kuya at Euphie.

"Ililigtas natin si Affianna Kuya Drix," sambit ko at inilabas ang aking sandata ng pigilan ako ni Kuya Drix.

"Bakit Kuya? Kailangan natin siyang tulungan." sambit ko at umiling si Kuya.

"Malamang ay may dahilan, kailangan muna natin umalis sa ngayon at pumunta sa palasyo, malamang ay umabot na ito kay Prinsipe Drix at kakailanganin ni Kuya Wheyt ang tulong natin," sambit ni Kuya.

"Paano si Affianna?" tanong ko.

"Makakagawa pa tayo ng ibang paraan, kaya halika na."

Labag man sa kalooban ko ngunit tama si Kuya Drix. Kailangan naming bumalik sa palasyo. Hindi naman tanga si Kuya Lawson para hindi iligtas si Affiana at alam ko na gagawa siya ng paraan upang maligtas si Affianna.

Mabilis akong sumakay sa kabayo at sumunod sa akin si Kuya Drix. Pag dating talaga sa pag papatakbo ng kabayo ay palagi akong nanalo sa aming mag kakapatid.

Mabilis kaming nakarating sa palasyo. Agad akong napababa ng makitang maraming kawal namin ang sugatan. Agad kong inihanda ang akin sandata at inatake ang mga kalabang humaharang sa dinadaanan ko.

Tumalon ako at inalis ang dagger na nasa buhok ko ng mabitawan ko ang sandata ko dahil tatlo silang sumugod sa akin.

Ibinaon ko ang dagger na iyon sa binti ng isang kawal at mabilis na inalis din at itinusok rin sa dalawa pa.

Mabilis akong tumakbo at nakita kong nakatutok  ang sandata ni Kuya Wheyt kay Cliffton.

"Kuya Wheyt!" sambit ko at napatingin sa akin si Kuya at ang huling dagger na hawak ko ay ibinato ko kay Cliffton at tumama iyon sa kanyang binti.

Mabilis na hinawakan ni Kuya Wheyt si Cliffton at maging si Kuya Drix ay hinawakan din si Cliffton at itinali.

"Umalis ka na habang nag titimpi pa ang kapatid ko sa'yo.  Ayaw rin naming mag karoon ng lamat ang samahan ng Anchrome at ng Faerun," sambit ko kay Cliffton. Masamang titig ang ibinato sa akin ni Cliffton at ngumisi.

"Hindi ka pa rin nag babago Selene, sing tigas mo parin ang bato."

"Ganun rin sa'yo Cliffton. Tanga ka pa rin," sagot ko at inirapan siya bago itulak palabas ng palasyo.

"Ayos ka lang Kuya?" tanong no Drix kay Kuya Wheyt. Tumango si Kuya Wheyt. Lumapit sa akin ang isang katulong at ini abot ko sa kanya ang aking sandata.

Nahagip rin ng aking mata na sobrang gulo ng nangyari dito.

"Ako na bukas ang pupunta kay Kuya Lawson, alam ko kung nasa'n 'yon. Mag pahinga na kayo." sambit ko at hindi na sila hinintay pa na mag salita at nag deretsyo na sa itaas upang mag pahinga dahil pagod na pagod na rin ako.

End of night's celebration.




GENASIWhere stories live. Discover now