Lumapit ako lalo at pinagmasdan ang mukha ni Asha. My eyes widened when I saw how pale she is. Last time na nakita ko siya ay 'yong may nagtangkang dumukot sa kanya. Kinagat siya ng mga naka-itim na bampira at sinipsip ang dugo. Naka-itim na bampira... Shit! Sila rin ang humabol sa akin!

Kaya pala pamilyar sila! Bakit naman nila ako hinabol!? Akala ba nila ako si Asha, eh ang layo namin sa isa't-isa. Gold haired kaya si Asha samantalang ako brownish black. Mga bobo 'yon ah!

"M-mahal na hari... wala na si Lady Asha.." saad ng isa sa mga doktor na naroon. My eyes widened more in shock. Wala na ang mamula-mula niyang balat. Putla na ito.

Napagawi ang tingin ko kay Austin. Tattoos became visible on his skin. Ang mata niya ay naging pula. It is so red that it became almost dark.

He started to become violent. Hinagis niya ang mga gamit na naroon. At hindi niya napigilan ay sinakal niya ang nagsabi ng masamang balitang iyon.

"What.Did.You.Say!?" he growled. Tila may kasabay siyang halimaw sa pagsasalita.

Napaiyak ang kawawang doktor at hindi nakapagsalita dahil sa takot. I gasped when he threw her away against the wall causing it to be totally damaged. Nasira ito at nabutas dahilan para mapunta sa kabilang kwarto ang doktora. Lahat ng nasa loob ay napaatras. I felt tears escaped from my eyes.

Ang sakit panoorin na galit at nasasaktan si Austin. He is in raged. Ang sakit sobra na nasasaktan siya para sa iba. Napahawak ako sa dibdib ko.

"No! Asha will never leave me! Asha, sweetheart!" Unti-unti siyang nanghina at lumapit kay Asha na walang buhay sa kama. Binuhat niya ito at inilagay sa kandungan. Mahigpit niya itong niyakap at lumuluhang hinalikan nang paulit-ulit sa noo.

Sumakit ang ulo ko at nahilo. My eyes began to blur. I shut my eyes tightly.

Pagbukas ng aking mata, lahat ng bampira na nasa loob ng isang hall ay nakakulay itim na damit. Lahat ay malungkot ang mukha. Naglakad ako sa aisle at sa may unahan, nakita ko ang pamilyar niyang bulto.

Nang makalapit ay pinagmasdan ko siyang tulala habang nakadungaw sa babaeng nakahiga sa tila kama na nasa gitna. Napakaganda ng disenyo nito at halatang masusing ginawa. At ang bangkay ni Asha ay nakaratay. Nasa tiyan niya ang magkasiklop na palad at nasa ilalim nito ang tatlong pulang rosas. Napakaganda niyang pagmasdan at tila natutulog lamang.

Maayos ang nakalugay na ginto niyang buhok. Suot niya ang kulay pulang bestida na hanggang ilalim ng tuhod. She is still gorgeous as always. Ngunit ang masakit para sa kanila ay hindi na nila makikita pa ang ngiti nito. Kahit kailan.

May lumapit kay Austin na isang kawal.

"Oras na... mahal na hari," saad nito.

Nasa mukha niya ang pagtutol. Umalpas ang luha sa kanyang mata.

He dipped down and caressed her cheeks lovingly. Titig na titig siya rito at walang pakialam sa paligid.

"Baby... I love you so much," bulong niya at nilapatan ito ng halik sa labi. Tumuwid siya ng pagtayo at pinanood ang unti-unting paglitaw ng salamin para takpan ang bangkay ng minamahal. Unti-unting bumaba ang hinihigaan niya. Palalim sa hukay.

Austin clenched his fist as he watched her. Muling tumakas ang luha mula sa kanyang mata. Mariin siyang pumikit at tinalikuran ito. Nahihirapan siyang panoorin ito.

Napakunot ang noo ko nang tumahimik nang sobra ang buong paligid. Ganoon din si Austin.

Nilibot ko ang tingin at natulala sa nakita. Tila nakatigil ang oras. Everyone was frozen on their spot except kay Austin at sa babaeng nasa may tarangkahan. My eyes widened when I recognized her.

"Mama..."

Tila nabigla rin siya sa nangyari. Nagawi ang tingin nila sa pwesto ni Asha na natigil din ang pagbaba sa hukay.

In a snap kapwa nasa harap na sila nito. Sumunod din ako at nakitang kumikislap ang buong katawan ni Asha.

"Anong nangyayari, mahal na hari?" tanong ni Mama.

Umiling si Austin. "I don't know..." he uttered.

"They are after her life..."

Nanigas ako nang marinig ang malamyos na boses na iyon. It has a soothing effect.

Nilibot ko ang tingin ngunit walang kahit anong nasa paligid maliban kina Austin. Mukhang sila ay ganoon din.

"There are bunches of creatures that the aim is to kill her. Because I made a future where there will be no place for them. Asha, my daughter will be the root of the creatures that will fight the evilness in your world. And you Austin... will help her to make this world as peaceful as I want."

"Goddess..." bulong ni Mama.

"At dahil hindi nila titigilan si Asha... I want you to bring her on the human realm. With new identity... new face, but the same heart."

******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon